Tulong

4.5K 118 8
                                        

Dahil sa Finals ko ay hindi ako nakapag-ud last week. Ito na po ang hinihintay niyong ud. Ilang chapters na lang mga friends. Na-realize ko na ang dami na palang chapters ng AHKN.

Comment po kayo at saka vote.

------------------------------

Nathalie's POV:

Nang nagising ako ay nagulat ako ng nasa madilim na kwarto na ako.

That Bitch

Akala ko bumalik sa kwarto si Julian. Magsasalita na sana ako nang merong tumutok sa harapan ko ng baril.

"Lone time no see Nathalie."

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Ericka na merong baril habang nakangitim

"A-anong kailangan mo sakin?" Sabi ko sa kanya at umatras.

"Kailangan? I just want to take revenge that's all." Ngumiti pa siya sakin at tinutuk ang baril sa ulo ko.

"R-revenge? Ano ba ang ginawa ko sayo?! Hindi naman kita sinaktan!"

Nababaliw na itong babae. Akala ko ba maayos sila ni Julian. Sila pa hanggang ngayon. Bakit niya pa gustong maghigante.

"MARAMI!"

Napasinghap ako nang sinigawan niya ako.

"Alam mo ba na inagaw mo ang lahat sakin? Si Gab noon at pati si Julian!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"Kilala na kita noon pa. Ang bitch na umagaw sa mahal ko."

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Ano ba ang gusto niyang sabihin sakin.

"M-mahal? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman kami naging magkasintagan ni Julian. Hindi ko siya inagaw."

"Si Gabrielle ang sinasabi ko! Ginamit ko lang si Julian para makalapit kay Gab. Pero hindi niya pa rin ako pinansin. Nang bumalik ako sa Pilipinas ay nagulat na lang ako nang nalaman ko na Kayo na ni Gab." She glared at me like she wanted to kill me.

"So he still didn't tell you?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ako lang naman ang pakaana kung bakit naaksidente kayo. And I get Gabrielle. Sumama siya sakin para hindi ka madamay at papatayin ko. Pero nagsawa na ako sa kanya. Nalaman ko naman na iisang babae lang pala ang mahal ni Gab at ni Julian. Hindi ko yun natanggap dahil dapat ako sa lugar mo!"

Hindi ko maintindihan ang babaeng ito. Hindi ko naman inagaw sa kanya ang lahat. Siya lang ang desperada.

"So what kung ako ang mahal nila ha?" Matapang na tanong ko sa kanya.

"Ako ang nauna sayo! Mahal ako ni Julian noon pero dumating ka! You're a bitch!"

"Oh? are you talking to yourself?" Tanong ko sa kanya at ngumiti.

"Shut up you, bitch!"

Nagulat ako nang hinila niya ang buhok ko at sinapal ako. Ang sakit.

"Pakawalan mo na nga ako. Wala kang makukuha sakin."

She smirked at lumapit pa sakin. "Meron, si Julian."

"Desperada ka na. Huwag mong sirain ang pagkababae mo dahil sa iisang lalaki lang. Maawa ka naman sa sarili mo."

"I don't care. Kapag napasaakin si Julian ay maayos na ang buhay ko. Maging mayaman ako at sakin na ang lahat na pagmamay-ari niya."

Hindi pagmamahal ang gusto niya kay Julian kundi ang pera niya. Mukhang pera tong babae na to. Nagagalit siya dahil siya dapat ang nasa pwesto ko at sa kanya rin ang pagmamay-ari ni Julian.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon