Sorry kung ngayon lang ako nakapag-ud. Ilang araw rin ako nawala sa wp. Writer's block eh. Pero ngayon balik naman sa gawi. hehehehehe
Namiss ko kayo
BTW, MERRY CHRISTMAS!!!
Comment and vote~
---------------------------------------------------------------------------
~Nathalie~
Napakunot ang noo ko nang naramdaman ko na merong humahalik sakin.
Tumalikod ako para hindi niya na ako iisturbohin.
"Wifey, alam ko na gising ka na."
Si Julian lang naman to. Gusto ko pang matulog eh.
Naramdaman ko ulit ang malalambot niyang labi na hinahalikan ako. Ngayon, hinahalikan niya na ako sa leeg papunta sa braso ko.
Napadilat ako bigla sa pinanggagawa niya.
Nakahawak siya sa bewang ko habang nakapikit ang mga mata at hinahalikan ako.
"J-Julian, ano ba ang ginagawa mo!" Sabi ko at pilit ko siyang tinutulak.
Kainis naman eh. Ang aga-aga, minamanyak na naman ako.
Gahasain ko nga to para tumigil.
"Ginigising ka." Simpleng sagot niya sakin.
"Sexual harassment ang ginagawa mo eh." Sabi ko at tinulak siya palayo sakin.
Hindi siya lumayo. Nakayakap parin siya at ang lapit niya pa rin sakin. Ito na naman siya.
Maraming kamanyakan ang nasa katawan niya at ako na naman ang mamanyakan niya.
"Wifey, paglalambing ang ginagawa ko. If you want, we can do it right now." Ngumiti siya ng napakaloko. "Remember, this is our honeymoon."
Boom!
Nakalimutan ko. Honeymoon nga pala namin to. Pinaniwala niya lang naman na conference ang dadaluhin naming dito sa Korea. Alam ko na kasabwat niya rin ang dalawang walang magawang mga kaibigan namin.
Tinignan ko siya. At nakalimutan kong galit parin ako sa kanya.
"Hoy lalaki, meron ka pa palang kasalanan sakin." Sabi ko habang nakaturo sa kanya at tinulak siya palayo sakin.
"huh? Wala ha." Inosenteng sabi niya sakin.
"wala-wala ka dyan. You lied to me."
"wifey naman eh, sorry na~" Sabi niya at niyakap na naman ako. "Hindi mo gugusruhin na pumunta tayo dito kapag sinabi ko ang dahilan."
"Malamang hindi! Hindi pa tayo ready sa ganitong bagay!" Bata pa kami at hindi pa nga kami nakaka-graduate sa college. Paano na lang kapag meron na kaming bulilit? Wala naman kaming time sa kanya dahil sa pag-aaral at saka paano na ako. Titigil ako sa pag-aaral?
Napatingin ako kay Julian nang hindi ko na siya narinig na magsalita.
Ewan ko lang, pero parang na-guilty ako. Sino ba ang hindi magi-guilty kapag ang asawa mo ay parang sinakluban ng langit at lupa.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at bumangon na. Tumalikod siya sakin habang nakatayo.
"Okay then, let's go home this afternoon." Malamig na sabi niya sakin at pumasok sa banyo.
Did I get too hard to him? Paano na to? Galit na siya.
Hindi ko naman gusto na maging batang magulang kami. Dapat meron kaming trabaho kapag bumuo na kami ng aming pamilya.
Pero, Galit siya eh.
Baka, pinahandaan niya ito lahat. Nagawa niyang magsinungaling sakin para sumama lang ako sa kanya. Dito pa sa ibang bansa ako dinala.
Napabangon ako sa kama. Nakatingin lang ako sa kawalan habang iniisip ang dapat kong gawin para hindi na siya magalit.
Hindi naman to minamadali ang mga bagay-bagay tungkol sa mag-asawa.
Ilang beses na niya sinasabi na gusto niya ng magka-baby. Pero ako, ako lang ang tumatanggi.
Paano na to? Hindi pa naming na-enjoy ang pag-stay naming dito sa Korea. Uuwi na kami agad.
Ako na ang may kasalanan, ako na ang KJ pagdating mga bagay na tungkol sa mag-asawa.
Ginagawa ni Julian ang lahat para maging masaya ako. Pero ni isa, meron ba akong nagawang bagay na naging masaya siya?
Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko.
Dapat ngayon, mapasaya ko rin siya katulad sa ginagawa niya sakin.
Napalingon ako nang narinig kong bumukas ang pintuan. Nakatapis lang siya at tinutuyo ang buhok niya.
Hindi na siya nakangiti at saka hindi siya makatingin sakin.
Pumunta siya sa maleta niya at kinuha ang boxer shorts niya.
Nathalie, be a wife. Kaya mo to.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya.
Kinuha ko ang tuwalya niya na ginagamit niyang patuyo ng buhok niya.
Napatingin naman siya sa ginawa ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Ako na." Sabi ko at hinila siya papunta sa kama at pinaupo.
Pumunta ako sa likuran niya at pinatuyo ang buhok niya.
Ilang Segundo ang lumipas, pero ni wala sa aming dalawa ang may lakas ng loob na magsalita.
Ako ang dahilan bakit tahimik siya. Galit siya sakin eh.
Tumikhim ako. "Galit ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi." Tipid na sabi niya sakin, pero alam ko nag alit siya.
"Eh parang galit ka. Sorry na~" Sabi ko habang nakanguso. Hindi niya nakikita dahil nakatalikod siya sakin.
"Hindi ako galit....Nagtatampo lang..." Pabulong na sabi niya.
Alam na!
"Sorry na~" Sabi ko at niyakap siya sa likuran.
Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil wala pa siyang damit at nakaboxer shorts lang siya.
"Nathalie, hindi ko naman pinipilit kang gawin ito." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko na nakapuluput parin sa kanya. "Pero gusto ko lang makasama ka. Ma-solo ka...dahil asawa kita."
Ayan na~ Nagi-guilty na ako.
"Sorry na, Julian." Sabi ko habang nakayakap ako sa kanya.
"Tatawag na ako sa assistant nina papa para makareserve na tayo ng flight para sa hapon." Sabi niya at inalis ang pagkayakap ko sa kanya.
"Julian..." Nakatingin lang ako sa kanya habang pumasok siya sa banya.
Parang kasalanan ko to. Alam ko na hindi ko dapat sinabi yun. Siya pa ang nag-effort para pumunta kami dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/5413031-288-k640625.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...