A day with two guys Pt. 1

8.4K 182 6
                                    

Update na me!

Si Gabrielle nga pala sa gilid

Comment below kung ano sa tingin niyo ang chapter na to.

don't forget to vote!

-----------------------

~Nathalie~

Wala kaming klase ngayon dahil saturday. Nasa kwarto ako habang nagbabasa ng libro. Hindi ko nga alam kung bakit nagbabasa ako. Trip ko lang dahil na atake na naman ako ng kasipagan magbasa.

Bakit ang tahimik ng bahay, saan ba si Julian?

Kapag wala kaming klase tinatawag niya na ako para magluto. Bakit ngayon hindi siya nagppaparamdaman sakin.

Kahapon pa siya walang kibo hanggang nakauwi kami. Parang galit na galit siya kay Gabrielle.

 Napalingon ako sa cellphone ko ng nag-ring iyon.

Hindi nakaregister. Sino ba ang tumatawag?

"Hello?" sinagot ko.

"Hi Nath." Napataas ako ng kilay na narinig ko ang boses niya. Parangang familiar niyo. Si...

"Gabrielle?"

"hahahaha... Ako nga, akala ko nakalimutan mo na ako." -Gab

"Paano mo nakuha ang number ko?"

"I have my ways."

"Ano nga yun?"

"Tinanong ko si Jessica ba yon. Nakita kita na nagkekwentuhan kayo kahapon at parang close kayo. At ayon tinanong ko siya."

Ang babaeng yon. Dinamay pa ako. Kilala ko naman yang baliw na babae na yan. Kapag gwapo pinagbibigyan.

Napatingin ako sa pintuan nang merong kumatok at binuksan ang pintuan. Nakita ko si Julian na pumasok. Tatanungin ko na si Julian nang narinig ko si Gabrielle.

"Nathalie, Dyan ka pa?" Tanong niya.

"Ah eh, Oo. Bakit ka ba tumawag?"

"Ah....wala akong kasama na lumabas at ikaw ang naisip ko na pwede makasama. Pwede bang lumabas tayo?" 

"Ha...uhm..." Napasinghap ako nang napakita ko si Julian na ang lapit na sakin.

"Nathalie, okay ka lang?" -Gab

"Ah eh...Oo, sige magkita nalang tayo mamaya." -me

"Okay, thanks. susunduin na lang kita in 10 sa bahay nyo." -Gab

"Hindi!- Uhm I mean, sa malapit na cafe nalang sa school."

Hindi pwede noh? Baka makita niya pa si Julian dito at malaman ang sekreto namin.

"Sige, see you later Nathalie." -Gab

"Okay, See you. Bye"

At binaba ko na ang telepono.

"Sino ang kausap mo?" Tanong ni Julian na nakatingin parin sakin.

"S-si...."

"Nathalie, don't say it's Jessica. May pinuntahan sila ni Dan. You know that." -Julian

Of all days, bakit ngayon pa silang dalawa lumabas. Kailangan ko ngayon si Jessica eh wala siya dito at alam yun ni Julian. Saan ba yung dalawa pumunta?

"Uhm....Classmate natin. Hindi ba pwedeng lumabas ako with other friends ko." -me

Sana maniwala siya.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon