Reminder alert! hehehehe
Comment below and vote. Labyu!
----------
~Nathalie~'Diba siya yung girlfriend ni Ethan?'
'Oo nga, bakit kasama niya yang nerd na yan.'
'Rinig ko sila na'
'wow ha, pinagpalit niya pa si Ethan sa campus nerd'
'Malandi nga noh'
'Oo nga, lower or higher rank pinapatulan niya.'
Parang wala lang ako dito. Nakakuyom na ang kamao ko habang naglalakad sa hallway. Naiinis na ako sa pinagsasabi nila sakin. Sino naman ang hindi magagalit sa pinagsasabi nila. sinabihan pa nila ako na malandi. Baka mahila ko ang mga buhok nila sa mga pinagsasabi nila sakin. Alam ko naman na mariming nakatingin sakin. Deadma lang ako.
Si Julian naman ay nasa tabi ko at nakayuko lang. Feel niya naman ang acting skill niya. Oscar na ang makukuha niya.
"Masasapak ko na sila." Pabulong kong sabi habang naglalakad.
Nakita ko na napatingin naman si Julian sakin at nag-smirk pa. Hindi naman makita ng iba dahil tinatakpan ng libro niyang kapal na kapal. Niyayakap na pa ito at parang mapipisa na ito dahil sa higpit.
Nanglaki ang mga mata ko ng may biglang bumangga kay Julian at tumilapun ang mga gamit niya. Akala ko sisigawan niya ang nakabangga sa kanya, pero mali eh. Nakatingin lang siya sa mga gamit niya na nasa sahig.
Napatingin naman ako sa mga grupo ng lalaki na nakabangga kay Julian. Nakatayo lang sila sa harapan ni Julian at tumatawa habang pinapanood siya na pinupulot ang mga gamit niya. Napasinghap ako nang sipain ng isang lalaki si Julian sa tagiliran.
Tutulungan ko sana siya pero merong pumigil sa kin. Hinawakan nila ako sa kabila kong braso. Lumingon ako at nakita ko ang dalawang babae na nakahawak sa braso ko.
"Ano ba?! Bitawan niyo nga ako!" Sigaw ko habang pinipilit na makawala para matulungan ko na si Julian.
'Julian lumaban ka. Please'
Napapikit na ako dahil pinagsisipa nila si Julian na ngayon ay nakaupo na sa sahig. Hindi siya lumalaban. Naiinis na ako sa kanya. Oo, nerd siya pero dapat lumaban rin siya sa mga lalaki na yan. Hindi siya mahina.
"Huwag ka ng magkealam, kung hindi mo gusto maging hell ang buhay mo." Sabi ng babae na nakahawak ng isa kong braso.
Pagkatapos ng pagbugbug nila kay Julian at nakontento ay umalis na silang lahat. Umalis na din ang dalawang babae na pinigilan ako.
Napatingin naman ako kay Julian na nanghihina sa sahig. May dugo na ang puti niyang damit at ang mga gamit niya ay nakakalat na.
Tatayo na sana siya pero napaupo ulit. Nakita ko na nasasaktan siya. Agad-agad na lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang tumayo. Pinulot ko rin ang mga gamit niya.
"Nathalie, umalis ka na. Mapapahamak ka na naman dahil sakin." Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa clinic.
Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako. Kaya niya naman lumaban sa mga g*go na yun pero hindi niya ginawa. Siya ang nasaktan. At ngayon parang wala lang sa kanya.
Pumasok kami sa clinic at ginamot ng nurse ang mga sugat niya.
"Tapos ko ng gamotin ang boyfriend mo. Pwede mo na siyang makita." Sabi ng nurse at bumalik sa table niya.
Pumunta ako sa kanya. Nakita ko siyang nakaupo sa kama habang tinitignan ang bandage sa right hand niya.
"Okay ka na?" Tanong ko kay Julian at umupo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
UmorismoNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...