Tank chu sa lahat ng mga readers ko.
Comment and vote
------------
~Nathalie~"Nathalie, miss na kita." Parang ewan si Jessica na tumatakbo papunta sakin habang sumisigaw.
Ako naman ay kukain na naman ng ice cream. Napataas naman ako nang kilay habang hinihintay siya na lumapit sakin. Patakbo na slowmotion pa siya.
Napabuntong hininga nalang ako at hinintay siya habang kumakain ng ice cream.
Ang ibang estudyante ay nakatingin na sa kanya at ang iba naman ay parang wala na. Eh sanay naman sila sa kaluka kong kaibigan.
Nang nasa tapat ko na siya ay tinignan niya ako tapos ang ice cream ko at pabalik sakin. Parang naguguluhan siya kung paano kumain ng ice cream.
"What?" Tanong ko sa kanya. Para siyang wala sa isip habang pabalik-balik ang tingin niya sakin at sa ice cream ko.
"Hanggang ngayon kumakain ka parin ng ice cream?" Tanong niya sakin. "Parang mas tinutuonan mo pa yan ng pansin kaysa a best prend mo."
"Nag-seselos ka ba sa isang ice cream lang?" Tanong ko sa kanya.
"OO! NAGSESELOS AKO!"
Napaatras naman ako nang sumigaw siya.
"Ewan ko sayo." Hindi ko na pinansin ang kadramahan niya.
"Ba't ka nagseselos?" Napataas ako nang kilay na sumulpot bigla si Daniel at likod ni Jessica.
"WALA KA NA DOON." Sigaw ni Jessica sa kanya.
Napaatras rin si Daniel sa pagsigaw niya.
"Hoy Jessica, ang drama mo." Sabi ko at patuloy ako sa pagkain.
"Nath...." Ngumiti siya sakin.
"Ano na naman?" Iritang hinarap ko naman siya.
Bipolar ba tong kaibigan ko? O baliw lang?
"Over night ako sa bahay niyo ha." Matamis na ngiti niya sakin.
"At bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Namiss kita eh." Ngumisi pa siya sakin.
"Over night? oy sali ako." Singit naman ni Daniel. Akala ko umalis na siya.
"Hindi pwede!" Sabay naming sabi ni Jessica.
"No, For girls only. Hindi ka naman babae. unless..." Sabi ni Jessica at tinitigan si Daniel. "Babae ka."
Napanganga naman si Daniel sa sinabi ni Jessica. "Hindi noh! Halikan kita dyan eh!" Sigaw niya sa kanya.
Si Jessica naman ay parang matutumba na sa kakatawa dahil kay Daniel na parang umuusok na ang ilong at tenga dahil sa pang-aasar ni Jessica.
"Bahala nga kayong dalawa. Para kayong mag-asawa." Sabi ko at tinapos na ang ice cream ko.
"Anong sabi ng may asawa na." Sabi ni Jessica at diniin niya pa ang pagsabi ng asawa sakin.
Pinandilatan ko na lang siya. Ngumiti siya ng matamis sakin.
"Nath, mag-kita na lang tayo mamaya. Bye!" Nagpaalam na si Jessica sakin at tumakbo palayo.
"Para siyang baliw." Nakatingin ako kay Jessica na tumatakbo sa hallway.
"Oo nga, pero ang-...." Napalingon naman ako sa gilid ko nang nakita ko si Daniel na nakatingin rin kay Jessica.
"Huh? Anong sinabi mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.
"Huh?" Napatingin siya sakin parang hindi niya gusto na marinig ko ang sinabi niya. "W-wala." Ngumiti lang siya at umalis na.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
UmorismoNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...