He's Back

7.3K 175 6
                                        

Dedicated para kay Ate Rea (MsBraid143) ko. hehehehehe...

Basahin niyo rin po ang story niya. Maganda yun. hehehehehehe XD

----------------------------------------

~Nathalie~

Napakunot-noo ako habang naglalakad papunta sa classroom. Sino ba ang hindi maiinis kung hindi ka ginising at binilin ka pa sa driver nyo? Aurgh...Naiinis ako kay Julian. Sana ginising niya lang ako.

Napahinto naman ako nang makita ko na maraming estudyante na nasa labas ng classroom.

Bakit maraming tao sa classroom namin? Merong artista? Baka nagkamali ako ng classroom.

Binasa ko ang section. Class 1-A naman to at saka architecture department to ha. Ba't maraming tao.

"Girl!" Napatingin naman ako kay Jessica na tumakbo sakin.

"Ba't ang raming tao?" Tanong ko sa kanya.

"Dali na. Ang asawa mo at si Gabrielle nag-aaway!" Sabi ni Jessica habang hinihila niya ako papunta sa classroom.

"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko sina Julian at Gabrielle na masama ang tingin sa isa't isa.

Ngayon ko lang nakita muli si Gabrielle. Ewan ko nga kung saan siya pumunta at ngayon lang nagpakita. At nag-aaway pa silang dalawa.

"Kanina pa sila nag-tatalo." Bulong ni Jessica sakin.

Lalapitan ko na sana sila nang tumayo si Daniel sa harapan ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Nath, pabayaan mo muna sila. Kanilang away yan." Sabi ni Daniel sa harapan ko.

Nalilito ako sa mga nangyayari. Bakit ba sila nag-aaway? Bakit parang kilalang kilala na nila ang isa't isa? May hindi ba sinasabi sakin si Julian?

Gusto ko silang tanongin pero hindi naman ako makakalapit sa kanila dahil pinipigilan ako ni Daniel.

Masama ang mga tingin nila sa isa't isa. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil ang ingay ng ibang kaklase namin.

"Hala baka mag-away na sila." Sabi ng isang kaklase namin na nasa likoran ko.

"Tanga, nag-aaway na nga sila."

"Napansin niyo ba parang si Ethan si Julian kapag walang salamin."

Patay napansin nila. Ano na ba to? Paano kung malaman ng lahat na si Julian at Ethan ay iisa lang. Ay bahala na, sa ngayon silang dalawa ang pinaproblema ko. Paano ko ba sila aawatin, si Dan na nakahawak sa braso ko at hindi pinapalapit sa dalawang yun.

~Julian~

Maaga ako pumasok para gumawa ng mga paper works.  Ilang araw na hindi ko nagawa ang mga iyon at baka hindi ko na mapasa on time. Sinabihan ko naman si Manong Jerry na siya na lang ang mag-drive kay Nathalie sa school.

Papasok na sana ako sa classroom namin nang nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa upuan ni Nathalie. Tumilas ang mga mata ko at napakuyom ang kamay ko nang nakita ko kung sino yun. Gabrielle.

Nandito na naman siya. Akala ko ba hindi na siya magpapakita samin. Masaya na kami.

"Ba't ka nandito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Lumingon naman siya at ngumiti.

"Naghihintay kay Nathalie." Sagot niya sakin. Parang hindi niya na isip na ang sa harapan niya ay ang boyfriend ng babae na hinihintay niya. "I'm sure, matutuwa siya kapag nakita niya ako."

Ang Husband Kong NerdMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon