Ethan

8.3K 199 6
                                    

~Nathalie~

"Julian, ba't yan ang ayos mo?!"

"Trip ko lang."

"Trip mo lang?! Julian, reminder lang ha. Papasok tayo."

Nakatingin ako sa kanya habang nag-aayos siya.

Naka-black polo shirt siya at jeans. Saka wala siyang salamin ngayon. Ang normal Julian lang. Ang handsome Julian.

"Nathalie, dapat bantayan kita. Kung nerd ako ngayon hindi ko magagawa yon. So I decided to be my true self." Sinuklay niya ang buhok niya.

"Julian, hindi nga pwede. Diba sabi mo hindi mo ipapakita sa iba ang tunay mong katauhan."

Bakit ba hindi ko gusto siyang mag-ayos ng ganito. Ito naman ang totoo niya. Naiinis nga ako kapag um-acting siya na parang nerd.

"Nat, hindi ko naman ipakita ang totoo kong katauhan. Magpapanggap ako."

"Magpapanggap na ano? Para kang sira, hindi kita maintindihan." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang labo.

"Kinausap ko na ang prinsipal natin. At sumangayon siya." Ngumiti siya sakin.

"Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"I'll be a transfer student. Ako si Ethan Villanueva."

Ethan Villanueva? Ano ba ang nakain niya at nagpanggap na naman. Ayos din ang trip ng taong to.

"Para kang sira. Mauna na ako."

Tinalikuran ko na siya at naglakad paalis.

Bahala siya sa sarili niya. Yan ang gusto niya. Makikita niya, mahihirapan siya. Maraming babae na hahabul-habol sa kanya.

"Nathalie, sabay na tayo." Mabilis na naglakad papunta sakin.

"Hindi pwede." Pinigilan ko siya.

"Bye" Sabi ko lang at umalis.

~Julian~

Nagdadrive ako papunta sa paaralan.

Ang isa sa paborito kong kotse ang ginamit ko ngayon. -BMW

Nang nakarating na ako ay nakita ko ang ibang estudyante na nakatingin.

Nagpark ako sa parking lot ng school namin.

Nanglumabas ako sa kotse ay narinig ko na ang mga bulungan nila.

*sigh* Eto na naman.

Iniisip ko lang na para rin to kay Nathalie. I need to protect her.

"hi bago ka ba dito?"

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang grupo ng babae na nakangiti sakin.

Kilala ko sila. Sila ang grupo ng mga babae na nagbubully sakin noong Chemistry class namin. Focus na focus ako sa ginagawa ko nang tinulak nila ako at yun natapon ang ginagawa ko. Galit na galit ako nun pero dahil mga babae sila hindi ko na sila pinatulan. At bakit pa eh kilala naman nila akong mahinang nerd.

At ngayon nagpapacute sila sa harapan ko.

Babae nga naman.Kapag pangit hindi na pinapansin, pero kapag gwapo pinapansin.

"Uhm....Oo eh."

Nginitian ko sila na naging dahilan na napasigaw sila sa kilig.

Nagulat ako sa mga reaksyon nila.

"Uhm....pwede na ba akong umalis? Baka malate ako." -me

"Ah eh....kami na ang maghahatid sayo sa room mo. Ano pala ang pangalan mo?"

"Ako pala si Jul-.... este Ethan Villanueva."

"Nice name to a cute guy like you"

Ngumiti nalang ako. "It's okay, alam ko naman kung saan ang classroom ko."

Nagpaalam na ako, pero sinundan parin nila ako. Ito ang hindi ko gusto sa lahat, sinusundan ng ibang tao.

Nang nakarating ako sa classroom ay nakita ko ang iba kong kaklase na nakatingin lang sakin at ang iba ay nagbubulungan lang.

"Your the new student right?"

Tinanung ako ni Ms. Salvades.

"Opo." Ngumiti ako at narinig ko naman ang tilian.

"Can you introduce yourself to your new classmates?"

I nodded at pumunta sa harapan.

"I'm Ethan Villanueva. I hope we all be friends."

Nakita ko si Daniel na nakatingin lang sakin habang nakataas ang kilay. Alam ko naman kung ano ang iniisip niya.

Si Nathalie naman, nakatingin sakin ng masama. Ano ba ang ginawa ko?

"You can sit down now, Mr. Villanueva."

Umupo ako sa tabi ni Nathalie habang nakangiti. Narinig ko ang ibang kaklase namin na bumubulong na 'sayang'.

"Excuse me, pero may nakaupo na diyan." Mataray na sabi ni Nathalie.

Ngumiti na lang ako. Alam ko naman yon. Old students ako noh.

Nakita ko si Mark na nakatingin sakin. Siya ang nakaupo dito, pero ngayon hindi na.

"Hey bro, doon ka na lang. Ako nalang dito."

Ngumiti pa ako at umupo na.

"Sorry bro, pero hindi pwede eh. Sakin yang upuan." Mark

Tinignan ko siya habang nakataas ang kilay. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko si Nathalie na gusto na niyang pigilan ako. Parang natataranta na siya.

"Bro, kung ayaw mo ng away. Sumunod kana lang sa sinabi ko." Nakatingin pa rin ako kay Mark.

Akala niya wala papatul sa kanya. Go ako kapag sa laban.

"Sumunod? Siniswerte ka ba? Bago kalang dito, bro." Sarcastikong tawa niya.

Mainit na ang ulo niya sakin. Parang gusto na niyang suntokin ako. Siniswerte siya eh. Lalaban ako.

Si Mark ay parehas lang ng ibang estudyante dito na binubully ako. At dahil doon, akala nila ang tapang ng isang to.

"I don't care. I want this seat, so back off and find your own seat. Get lost."

Nag-smirk ako at umupo sa tabi ni Nathalie.

Sasapakin na sana niya ako na sinangga ko ang kamay niya ng kamay ko.

"Wala ako sa mood na bugbugin ka. Get lost."

"Mr. Reyes, will you sit down. Para kang bata nagtatalo sa isang upuan. Marami naman vaccant seats."

Hindi na siya nagsalita at umupo sa vacant seat. Naramdaman kong nakatingin siya sakin ng masama. Hell I care.

"Julian, what the hell are you doing

?" Bulong ni Nathalie habang masama ang tingin sakin.

"Hi I'm Ethan." Ngumiti ako sa kanya at I offered my hand for a handshake. Hindi ko siya sinagot.

Napabuntong hininga nalang siya at nag-handshake sakin.

"Nathalie" She introduced herself.

I smiled and moved a bit closer to her. "Pretty name for a pretty girl." Binulong ko sa kanya.

She looked at me with a smile, a fake smile.

This will be really fun

-----

Sorry sa lahat, hindi ako nakaka-update for a weeks na. Busy ako at saka parang endangered na ang brain cells ko.

But salamat sa lahat na nagsusuporta sa story ko.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon