Beach~

10.3K 247 6
                                        

~Nathalie~

"Julian, punta tayo sa beach."

Pumasok ako sa kwarto. Nadatnan ko siya na nakatutok sa laptop niya.

"Ngayon?" Napahinto siya sa ginagawa niya at tinanong ako.

"Yup, kasama natin si Andrew at ang bago kong friend na si Andie." Sagot ko sa kanya at dumiretso sa closet ko para maghanap ng susuotin.

Excited akong magbabad sa beach.

"Andrew? Diba siya ang close friend mo?" Kumunot ang noo niya at tinitigan lalo ako.

"yup." Sagot ko.

"Ba't kasama pa siya?" Humiga siya sa kama at walang mood na tinanong ako.

"Ba't ba ang dami mong tanong. Kung hindi mo gustong sumama,okay lang. Nandyan naman si Andrew."

Reklamo ng reklamo siya. Eh gusto ko rin naman makasama ang kaibigan ko. Aalis na sana ako nang magsalita siya.

"Sasama ako!"

Nabigla ako sa sagot niya. Napalingon na naman ako sa kanya na nakatayo na at sinuot ang sapatos niya. Ano ba ang problema ng isang to? Ang gulo ng isip niya.

"Chill lang dude. Parang excited ka naman dyan." Pabirong sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at kumuha ng damit.

Hmmm... anong pwede kong suotin? hmmmm.......

I decided to wear shorts and a shirt, of couse, with bikini inside. hehehe

Nakita kong nakatingin lang si Julian sakin.

"What?" Napataas ang kilay ko.

"Yan ang susuotin mo?"

"Oo, bakit ba?" Tumingin ako sa suot ko. Ano bang problema sa suot ko?

"Magpalit ka nga. Hindi bagay sayo."

Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi daw bagay. How dare he say that! Baka mas gusto niya itong suotin.

"No way, hindi ako magpapalit." I stick my tongue to him.

Alam niya na stubborn ako.

"Nathalie, magpalit ka na nga." Pilit niya pa sakin.

"Ayaw ko nga. Gusto ko tong suotin."

"Hindi tayo pupunta doon kung hindi mo papalitan ang suot mo." He crossed his arms at sumandal sa pintuan ng walk-in closet ko.

"Ano bang problema mo sa suot ko?"

Kainis naman tong lalaki. Ba't ba galit siya? Bagay naman sakin ang suot ko.

"Aurgh! Ang ikli-ikli! parang naubusan ka na ng tela."

Nagulat ako habang nakatingin lang sa kanya. Over lang.

"Hindi naman ha." Naka shirt naman ako, pero see through iyon, so makikita ang black kong top.

"Ang ikli ng suot mo. Palitan mo nga yan."

As always, hindi ako nakikinig sa kanya.

"Tara na nga, baka andun na si Andrew sa baba." I ignored him at masayang nilagpasan siya.

"Nathalie, bumalik ka nga dito!" Sigaw niya sakin.

"I don't want."

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa living room. Napangiti ako nang nakita ko si Andrew na nakaupo sa sala. Nilapitan ko siya.

"Long time no see." Umupo ako sa tabi niya.

"Nathalie, Gumaganda ka ha." Napangiti siya at nilaro ang buhok ko.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon