Honeymoon day2 pt. 2 (Sorry na~)

6.7K 159 8
                                    

Merry Christmas and Happy New Year Readers~

Dedicated sa friend ko! hehehehe

Comment and vote

-----------------------------------------

Nathalie's POV: 

Kanina pa ako nakaupo sa kama habang nakatingin kay Julian na kanina pa nag-eempake. 

Nagi-guilty ako sa nagawa ko sa kanya. Bakit ko yun sinabi? Hindi ko dapat yun nasabi sa kanya. 

Hindi ko na to kaya. Hindi ako sanay na galit si Julian sakin at hindi niya pa ko kinikibo. 

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya sa likuran. 

"Julian, sorry na~" Sabi ko sa kanya at sinandal ang ulo sa likod niya. 

Hindi siya nagsalit, pero napatigil naman siya sa pag-eempake. 

Ehh....Parang maiiyak na ako! 

Hinawakan niya ang kamay ko at pilit tanggalin iyon. Dahil matigas ang ulo ko, hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya. 

"Julian~ Huwag ka ng magalit sakin. Please~" Naramdaman ko na bumuntong hininga siya. 

"Hindi ako galit, Nathalie." Sabi niya. 

"Galit ka eh~" Napa-nguso ako habang pinipigilan ang pagiyak ko. 

"Pagod lang ako, Nathalie. At saka, we need to pack now. Diba uuwi na tayo." 

Ayan na, naiiyak na ako. Galit nga siya sakin. 

"Julian, sorry na. Hindi ko naman sinadyang sabihin iyon sayo eh. Sorry na hindi ko na appreciate ang mga ginawa mo." Sabi ko at niyakap pa siya na mahigpit habang umiiyak na. 

Dahan-dahan na tinanggal niya ang mga braso ko na nakapulupot sa kanya at humarap siya sakin. 

Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ang pisngi ko. 

"Nathalie, hindi ko naman pinipilit na gawin natin ang mga bagay na yun. Pero gusto ko lang naman na makasama ka na walang problema na dumarating satin." Sabi niya habang hinihimas ang pisngi ko. 

"Sorry, Julian. Dito muna tayo. Gusto kita makasama." Naka-ngusong sabi ko sa kanya at niyakap siya. 

Nagulat ako nang tumawa siya. 

Napatingin naman ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sakin. 

"Effective pala ang idea nina Jessica." Sabi niya at tumawa na naman. 

"Ano?" Hindi ko alam kung bakit siya tumatawa na parang baliw. 

"Nalaman nila na mag-hihindi ka kapag nalaman mo, so they made a plan. At ito, ginamit ko." Wow ha, inexplain niya pa. 

Akala ko, galit siya sakin. 

At ayon na! Umiyak na ako habang pinalo ang dibdib niya. 

Nagulat naman siya at hinawakan ako sa braso. 

"Nathalie, tama na yan. Sorry na oh." Nag-panic naman siya nang umiyak ako. 

"I hate you! Akala ko galit ka sakin at baka iwan mo naman ako." Sabi ko habang umiiyak. 

Tumingin siya sakin at niyakap ako. 

"Ssshhh...Hindi ako galit." Hinihimas-himas niya ang likod ko. "Bakit ko ba iiwan ang asawa ko? Hindi yun mangyayari." 

"Pero, effective naman ang plano nina Jessica diba?" Sabi niya pa. 

Hinampas ko na naman ang balikat niya. 

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon