Vote and comment
Libre lang mag-comment. hehehehehe
-------------------------
~Nathalie~
"Ako na dyan." Kinuha ko na ang maleta ko pero ang makulit kong asawa ay kinuha sakin.
"Hindi naman mabigat. Ako na lang." Kukunin ko sana ang maleta pero tumingin lang siya sakin.
"I'm the guy.... Sinisilbihan ko lang ang asawa ko." Ngumiti pa siya at nauna pumunta sa kotse.
Ano ba yan?!! Nakikilig ako.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti. Sino baa ng magsasabi na maging ganito kami ka sweet? Noon nga parang magpatayan na kami dahil sa inis sa isa't isa. Ngayon, hindi na kami pwede pahiwalayin.
"Kayo na ang sweet..."
Napasinghap ako nang nagsalita si Jessica sa gilid ko. Tinignan ko lang siya.
"Halika na. Baka malate pa kayong dalawa sa flight niyo." Sabi niya at hinila na ako papunta sa kotse.
Sina Jessica at Daniel ang maghahatid samin sa airport. Parang matatawa ako sa kanilang dalawa. Sila pa ang inutusan ng Den na ihatid kami.
...
...
...
Habang nasa byahe kami. Nakikinig ako ng music sa ipod ko at nakasandal ang ulo ko sa upuan.
Nasa likoran kami ni Julian habang si Daniel ang nagmamaniho at katabi naman niya ay si Jessica. Kanina pa nga sila nagbabangayan. Ang ingay nilang dalawa.
Napatingin ako kay Julian ng hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya sakin.
Kinuha ko ang earphones ko at napataas ang kilay ko habang nakatingin parin sa kanya.
"Inaantok ka?" Tanong niya sakin.
Tumango lang ako.
Nakangiti parin siya sakin at inilagay ang ulo ko sa balikat niya.
"Matulog ka. Gigisingin na lang kita kung nasa airport na tayo." He gently said it.
Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko mapigilang ngumiti at baka mapatili pa ako dahil sa kilig.
KYAAAA!!!! NAKIKIIG AKO! MY GAS!!!
"Kayong dalawa sa likod, tama na yang kasweetan niyo. Maawa kayo sa kotse ko at baka sugodin ng mga langgam. Mahirap na. Ikaw Julian ang magbabayad sakin." Reklamo ni Daniel.
"OA mo, pre."
"Hoy Daniel! Concentrate ka nga sa harapan mo! Baka ma-aksidente tayo. Hindi ko gustong mamatay ng maaga." Sigaw ni Jessica.
"Don't worry, magaling akong magdrive." Sabi ni Daniel. "At saka, hindi kita pababayaan."
Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Alam ko na parehas rin kami ni Julian. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa.
Bumayani ang katahimikan!
Nakatingin rin si Jessica kay Daniel.
Napa-ubo na lang si Julian dahil parang wala silang balak magsalita.
"Bagong love life." Sabi ko habang nakangiti.
Tumango si Julian at tumawa kaming dalawa.
"What's funny?" they said in unison.

BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...