Bakit?

4.3K 120 2
                                    

Ano ba gusto niyong maging ending? Ehehehehe~


————————————-

Julian POV's:

Nakahiga ako sa kwarto namin habang nag-iisip kung paano ko makausap si Nathalie.

Hindi siya dumeritso dito kundi sa kwarto niya noon. Galit pa rin siya saking.

Bakit pa bumalik si Ericka. Si Nathalie pa ang nilapitan niya para humingi ng tulong.Hindi pa ba obvious na parate kaming magkasama ni Nathalie.

Sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ang problema na yun? Mag-iisang buwan pa lang kami ni Nathalie na bati tapos dumating naman siya.

Ano pa ba ang gusto ni Ericka ngayon? Ilang taon na kami tapos.

Si Ericka ay girlfriend ko nung high school pa lang kami. Kilalang kilala siya sa aming school especially cheerleader din siya. Marami siyang manliligaw including ako. Gustong gusto ko siya noon dahil mabait at sweet din siya. Niligawan ko siya at naging kami ng ilang buwan. Pero nagulat na lang ako nang narinig ko sa ibang kaklase naming na aalis siya. Dahil nga boyfriend niya ko ay inintindi ko siya dahil she always dream to be an artist at makilala ang pangalan niya. Sinabi ko sa kanya na hihintayin ko siya, dahil nga ang bata ko pa noon. Nang umalis siya ay nakilala ko naman si Nathalie at nahulog ako sa kanya. Hindi parehas kay Ericka na gusto niyang sumikat at hindi niya gusting makita ng ibang tao ang totoo niya pagkatao. Si Nathalie ay walang pake kung ano ang iisipin ng iba.

Hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip tungkol kay Nathalie. Galit parin siya sakin.

Nathalie's POV:

Maaga pa akong bumangon at nagluto ng almusal.Mga 10 pa ang klase naming pero pupunta ako sa school ng mga 8 para gumawa ng ibang paper works. Isang lingo rin kami nawala ni Julian. Marami pa kaming hahabulin na mga lessons.

Inilagay ko na lang ang almusal niya sa mesa.

Kapag mahal mo nga ang isang tao, magagawa mo pang silbihan sila pagkatapos sa ginawa nila sayo.

"Tulog pa siya." Sabi ko at napahinga ng malalim.

Hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanya pero parang gusto ko siyang paniwalaan.

Alam niya naman na hindi ko gustong ginagawa akong tanga. Alam ko naman na noon pa yun, pero dapat sinabi niya sakin. Maintindihan ko naman pero tinago niya pa sakin.

Umalis na ako at pumunta sa school mag-isa. Noong nag-aaway pa kami ay mag-isa naman ako pumupunta sa school. Pero parang nasanay na ako na parate kami magkasama.

Pumunta agad ako sa library para magresearch.

....

...

...

Ilang oras din ako sa library. 9 na at alam ko naman doon na sila Jessica.

Inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta sa classroom.

Kakausapin ko na lang si Julian later para magka-ayos kaming dalawa. Hindi ko gusto na parate na lang kaming nag-aaway.

Pero....napahinto ako nang meron akong nakita sa loob ng classroom namin. Hinihiling ko na hindi ko makikita.

Lahat ng gamit ko bumagsak dahil nagulat ako.

Sino ba ang hindi magugulat kung ang asawa mo ay may kasamang babae na nakaupo sa kandungan niya. Worst thing is naghahalikan pa sila.

Nagulat din sila at napatingin sakin.

Dali-dali na tumayo si Julian. "N-Nathalie."

Hindi ko na nabigilang mapaiyak sa nakita ko. Nakita ko pa si Ericka na ngumiti sakin habang niyayakap ang braso ni Julian.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon