Thank you sa lahat!
Comment and vote~
--------------------
Julian's POV:
Bakit siya nandito? Akala ko ba tataposin niya ang pag-aaral niya sa States. Bakit pa siya bumalik dito? Ilang taon na siya nawala at bigla-biglaang bumalik.
"Hoy!"
Napalingon ako sa likoran ko at nakita ko si Daniel na nakatingin sakin.
"H-Ha?"
Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
Alam niya rin ang tungkol samin ni Ericka.
"So she's back." Nakatingin lang sakin si Daniel. Nag-hihintay ng sagot ko.
"I know. Bakit pa?"
"Sa mga ginagawa niya ngayon. Parang meron siyang pinaplano."
Sa sinabi ni Daniel. Parang meron siyang pinaplano. Sa ginawa niya kahapon ay maraming beses ko na ipinaliwanag kay Nathalie na magkakilala lang kami.
"Alam ba ni Nathalie tungkol sa inyo?" Tanong ni Daniel sakin.
Napatahimik ako. Ano na lang ang maging reaksyon ni Nathalie kapag nalaman niya ang tungkol samin ni Ericka. Alam ko na malaking problema ito saming dalawa.
"Hindi niya kilala si Ericka."
"Pero hindi mo sinabi sa kanya kung ano mo si Ericka noon?"
Napahinga ako ng malalim sa tanong niya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang tungkol kay Ericka. Alam ko na magagalit siya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Ericka.
"Hindi. Bakit pa? Nakaraan ko na siya. Wala na siyang parte sa buhay ko."
"Pero, may karapatan si Nathalie na malaman ang tungkol sa kanya. Alam mo naman ang nangyari sa inyo noong dumating si Gabrielle."
Napatingin ako kay Daniel. Ang kulit niya pero kapag meron akong problema nandyan siya sa tabi ko.
"Pero paano kung mag-iisip siya ng iba?" Tanong ko sa kanya.
I don't want to take risk on hurting her again. It was a big impact on her nang dumating si Gabrielle noon.
"Gusto mo bang malaman niya pa sa iba? Mas masakit yun."
"Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hindi niya kilala si Ericka. Alam mo naman ang babae yun."
"Kailangan mo nang sabihin kay Nathalie ang tungkol kay Ericka."
Nathalie's POV:
Nakasimangot ako habang hinihintay si Jessica sa gym. Ang sabi niya pupunta siya dito on time, pero hanggang ngayon wala pa siya.
Pumunta na naman yun kay Daniel.
Dapat meron nang progress ang kanilang relasyon. Ang saya kapag love na nila ang isa't isa. Maging best friends din ang mga anak namin. Wait, bakit yun ang naisip ko? Ang bata pa namin.
"You're Nathalie, right?"
Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko ang new student na nakangiti sakin.
Ang ganda niya. Para siyang dyosa habang nakatingin sakin. Dahil sa mukha niya para siyang anghel.
"Uh...Ako nga." Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...
