Let's Talk

6.1K 146 9
                                        

Wahh! maraming salamat sa mga readers ko. 14k na! Dahl yun sa inyong lahat.

Comment rin kayo, free lang yun. ^^ At vote rin

Sinong gustong magpa-dedicate? comment or PM

labyu! *wink wink*

--------------

~Nathalie~

"Girl, kain ka na." Tawag sakin ni Jessica.

"Hin-..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumigaw siya.

"Kakagatin kita dyan kung hindi ka kakain." Pagbanta nya.

Napangiti sko sa brutal niyang pagtatangka sakin.

Nasa bahay ako ni Jessica natulog. Hindi ko pa kayang makita si Julian at baka maiyak na naman ako. Pero dapat ko na nga siyang kausapin dahil alam ko na ang rason kung bakit niya ako iniwan. Gusto ko ring malaman ang kanyang rason bakit ginawa nya iyon sakin.

Masakit man isipin na ang bad guy ay si Julian. Siya nga ang sumira ng pagsasama namin ni Gab NOON. Higit sa lahat, tinago niya ang katutuhanan sakin. Dapat akong magalit sa kanya, pero bakit parang wala lang sakin ang ginawa niya. Galit dapat ako, pero ano ang magagawa ko kung mahal ko na nga siya.

Alam ko na ang selfish ko. Si Gab ang tunay ba minahal ko at minahal niya rin ako. Sa pagkekwento niya sakin at pagmamakaawa, gagawin niya ang lahat para mapasakanya ang pagmamahal ko. Hindi ko nga naalala ang relasyon naming dalawa pero ramdam ko na may nararamdaman ako nung una naming pagkikita.

"Nathalie, kanina ka ba dyan ha. Kumain ka na!"

Natauhan lang ako nang narinig ko naman ang boses ni Jessica. Hai...ang kulit rin itong kaibigan ko. Alam niya nga na may problema ako at naddadrama tapos kukulitin niya pa ako.

"Oo na!" Sigaw ko rin sa kanya.

Okay lang naman na sumigaw, sanay na ang mama ni Jessica sakin. Parang anak na rin ang turing niya sakin at noong nag-aaway kami ni Julian dito ako pumupunta para makatulog. At dahil nga, parate lang kami nag-aaway, nagdesisyon si tita na bigyan ako ng kwarto sa bahay nila. Si labs ako nina tita.

Speaking of Julian, ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Aaminin ko, namimiss ko na siya.

Tumayo na ako at lumabas.

Rinig na rinig ko ang pagtawa ni tita na I'm sure sa kusina siya ngayon.

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Napahinto ako at napataas ang kilay ko.

"Nathalie, kumain ka na rin." Ngumiti si tita sakin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko at umupo sa harapan nila.

"Bakit? Hindi ba pwedeng pumunta dito?" Sabi ni Daniel at patuloy sa pagkain. "Tita, ang sarap ng niluluto mo. Idol kita!"

"Ikaw naman, Danny. Araw-araw ka dito at hindi ka parin nasasawa sa luto ko." Tumawa pa si Tita. Sinabayan naman ni Daniel.

Danny? Parang close sila ni tita ha. Araw araw? bakit hindi ko to alam.

At dahil tutuk ako sa dalawang to, ngayon ko lang napansin na tahimik si Jessica sa tabi ni Daniel. Kinokontrol lang naman nya ang inis dahil nakakunot ang noo niya.

Ang Husband Kong NerdMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon