Hello po, kung gusto niyo pong masubaybayan ang love story ni Daniel at Jessica. Meron din po silang love story. "Ang Neighbor Kong Jerk" yung title. Parang book 2 po siya ng AHKN. Try nyo po ha. Thank you.
~Nathalie~
"Julian gumising kana nga!" Ginising ko siya.
Ang aga-aga nandito na ako sa kwarto ng Chokoy na to. Saturday nga ngayon pero kailangan pa namin gumawa ng project. Hindi ko na to mapapabukas, I was to rest tomorrow.
"Hmmm...Nathalie naman ho." Reklamo niya at tinakpan ang mga mata ng unan.
Ang hirap gisingin ng lalaking to. Hinila ko ang kumot niya para bumangon siya.
"Julian Alcantara, gumising ka nga!" Sigaw ko sa kanya at hinampas siya ng unan.
"Ang aga-aga pa, pwede mamaya nalang."
"Hindi pwede."
Umupo siya sa kama niya na nakapikit ang mga mata. Hinila ko siya paalis ng kama para hindi na siya bumalik sa hinihigaan niya.
"Ang kulit mo." Reklamo niya.
"Mas makulit ako kung hindi ka pa babangon dyan." Pilit ko siyang hinila patayo.
"Oo na, babangon na." Patabog na sabi niya sakin at tumayo.
"Nat, babangon na nga ako. Bitaw na oh gusto mong sumama magshower." He teasingly told me.
"Gusto mo tusukin ko yang mga mata mo?" Tinuro ko ang mga mata niya at sinamaan siya ng tingin. Ang manyak nito.
"Gusto ko kiss." ngumuso pa siya at lumapit sakin.
"Sapak gusto mo?" Binitawan ko ang kamay niya at lumayo sa kanya. Baka ano pa ang gagawin niya sakin.
Binilatan ko siya ng tingin at lumabas ng kwarto. Ang aga-aga ang manyak niya. Ako pa ang biniktima niya ng pagkamanyak niya.
Sumandal ako sa pintuan at namula ang pisngi ko sa sinabi niya kanina. Ano ba Nathalie ba't iniisip mo pa ang nangyari kanina.
.
.
.
.
.
.
.
OMG!!!Natalie ang green minded mo!!!
Narinig ko ang tawa niya. Ba't tumatawa siya? Baka baliw na.
"Nathalie, hindi ko alam na pinagnanasaan mo na ako." Sigaw niya sakin.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinabi ko ba ang nasa isip ko?
Anu daw?
<processing.....
.
.
.
.
.
.
Narinig niya!!! Ahhh!
"Narinig ko yon, but it's okay." Sigaw niya na naman at tumawa pa. "Mag-asawa naman tayo."
Baka iba na ang iniisip niya. I need to explain myself. Hindi kaya ako manyak, siya lang ang manyak. Siya lang!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binuksan ang pinto ng kwarto niya. Dire-diretso ako na pumasok sa loob, thinking how I will explain to him kung ano man ang narinig niya. Iniinis niya lalo ako.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...