Super duper mega salamat sa lahat ng readers ko. *talon talon sa saya*
Comment rin kayo ha, free yun at saka vote *heart heart*
-----------------
~Nathalie~
Ang sakit ng ulo ko at saka ang katawan ko. Gusto kong kumilos pero nakaramdam ako ng sakit.
Napadilat ako. Kumunot ang noo ko nang nasilaw ako. Saan ba ako?
Napatingin ako sa gilid ko nang merong kumilos at may nakahawak sa kamay ko.
Julian...
Napatingin ako sa kwarto. Bakit nasa hospital ako?
Napasinghap ako nang naalala ko ang nangyari. Naaksidente ako at yun din ang naging daan na naalala ko ang nangyari noon. Naalala ko na si Gabrielle. Siya nga ang minahal ko for almost a year.
Si Gabrielle ang matalik na kaibigan ni Julian noon. Parang magkapatid na ang turingan nila sa isa't isa. At naalala ko rin na si Julian ang una kong nakilala kaysa kay Gab. Pero nahulog ako kay Gab dahil mas mabait siya. Si Julian naman ay mainit na ang dugo ko sa kanya dahil ang kulit niya at parang kapatid na rin ang turing ko.
Napatingin ako sa kanya nang napaupo siya maayos at tumingin sakin.
But now, masaya na ako na nakita ko siya. Na siya ang naging parte ng buhay ko. Parang sakin, hindi mali ang ginawa niya. Na dahil sa kanya ay minahal ko siya.
"Nathalie, okay ka na? May masakit ba sayo?" Tarantang tanong niya sakin.
Masakit? Naalala ko naman ang sinabi niya at lalo pa ang annulment papers.
"W-wala.." Mahinang sabi ko sa kanya.
"Oh sige, tatawagan ko lang sina Jessica..." Sabi niya at aalis na sana nang hinawakan ko ang kamay niya para pigilan.
"Huwag mo kong iwan, please." Namamakaawa kong sambit. Mahigpit na hinawakan ko siya.
"Nathalie.." Nakatingin lang siya sakin.
"Please Julian, gagawin ko ang lahat. Hindi mo lang akong iwan." Parang maiiyak na ako. Binaliwala ko na ang pride ko. Basta hindi lang ako iwan ni Julian.
"Naalala ko na ang lahat. Ang dahilan kong bakit naaksidente tayo. Ang relasyon namin ni Gabrielle." Sabi ko.
Napabuntong hininga siya at lumapit sakin.
"Kung alam mo na ang lahat. Bumago na ang pagkilala mo sakin."Rinig ko ang hinanakit sa mga salita niya.
Hindi ko siya binitawan. Parang natatakot ako, kapag bibitawan ko siya baka mawala siya bigla.
"Julian, hindi parin maalis sa puso at isip ko na mahal parin kita."
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. He didn't expect na sasabihin ko yun.
"Nathalie, ako-..." Hindi ko na siya pinatapos.
"Stop it, Julian! Huwag mo nang itulak ako palayo, nasasaktan na ako eh. Narinig mo ba ang sinabi ko o tanga ka lang? Mahal kita, Julian. Hindi ako sumama kay Gab dahil ikaw ang nasa isip ko." Umiiyak at nakahawak parin ako sa kamay niya.
Pinunasan niya ng daliri niya ang luha ko at tumingin sakin.
"Oo, tanga ako. I'm too stupid to let you go. Ginawa ko to para maging masaya na tayo."
"Masaya? Julian, hindi ako masaya na iniwan mo ako. Sinaktan mo pa ako."
"Alam ko. Nasaktan rin ako nang nakita kita na niyayakap ka ni Gab nung gabing iyon. Parang gusto kitang hilahin palayo sa kanya. Hindi ko nagawa dahil naisip ko na hindi pala ako para sayo. Si-..."
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
ComédieNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...
