Deanna's POV
Gusto ko lang naman maging maayos ang buhay ng pamilya ko. I just wanted a perfect life for them. Pero bakit parang ang hirap? Bakit parang laging may kulang?
Hindi ko ba deserve maging masaya?
"Deanna ano ba to? Bakit ang aga aga umiinom ka?" Galit na tanong ni Jema. Paglapag nya ng bag nya dumiretso sya sa table para ayusin yung mga bote ng alak.
"Hayaan mo na yan. Ako na magliligpit nyan." Inaagaw ko sa kanya yung mga bote ng beer.
"Malapit na umuwi si Dino. Sinong magsusundo sa anak mo?" Ako naman kasi talaga ang sumusundo sa kanya.
"Ako syempre. May iba pa ba?" Pilosopo kong sagot sa kanya.
"Seryoso ka? Susunduin mo anak mo nang ganyan itsura mo at nakainom pa?"
"Deanna! Ano bang problema mo? Hindi ka naman dating ganyan ah?" Hindi na ako sumagot kasi nag uumpisa na akong mainis.
Kinuha nya yung cp nya at parang may tinatawagan.
Umalis na ako sa tabi nya at pumunta na ng CR. Naghilamos na lang ako at palabas na ng gate ng pigilan nya ako.
"Saan ka pupunta sa tingin mo?"
"Susunduin yung anak ko. Saan pa ba?"
"Hindi na pinasundo ko na lang kay Mafe si Dino. Nakakahiya naman sayo kasi mukhang busy ka."
Nagpantig ang tenga ko. Kaya bigla kong nahawakan yung kamay ni Jema.
"Anong sinasabi mo? Bakit ba ang aga aga ang ingay ingay mo Jema? Tang ina! Para akong nasa palengke ang ingay ingay mo!" I can see na parang nagulat sya sa ginawa ko.
"Wala kang pakialam kung gusto kong sunduin ang anak ko o hindi."
Hinarangan nya na naman ako.
Tapos natulak ko sya dahilan para matumba sya. Nabigla ako.
Aalalayan ko na sana sya para makatayo. Pero iniwas nya ang sarili nya sa akin.
Umiiyak na si Jema.
"Sino ka? Hindi na ikaw si Deanna. Hindi ikaw ang asawa ko." Kumirot ang puso ko sa nakikita ko sa mga mata ni Jema.
Bakas na bakas sa mukha nya yung galit.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sayo Deanna. Pero kung ginagawa mo lang to para iwanan kita, pwes hindi kita iiwan. Nangako ako sayo sa harap ng mga kaibigan at pamilya natin na mamahalin kita kahit napakahirap na." Umalis sya sa harap ko.
Naiwan akong mag isa dito sa garahe namin.
Umiiyak na rin ako. Hindi ko din ito gusto. Nahihirapan na rin ako.
Sa mga nangyayari sa akin ngayon, all I wanted was just to escape from this misery. Ayoko na syang pahirapan pa. Ayoko na syang bigyan pa ng reason to stay.
I'm sorry Jema but I don't want to drag you to my situation.
I am a failure.
Hindi mo ako deserve.
You deserve to be happy Jema,
I'm sorry. I really am.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.