Deanna's POV
"Jaycel, anong nangyare?" Andito kami ngayon sa office ng restaurant namin. Si Jaycel, naging team mate ko din sya dati sa ADMU at sya ang business advisor ko. Sya na lang din ang pinaghandle ko muna ng restaurant habang wala ako.
Nung 2 weeks na tulog si Jema, aaminin kong nahirapan akong imanage ang time ko. Bago nagdecide sina mama na sila muna ang mag alaga kay Dino, ako ang naghahatid sundo sa kanya at bantay kay Jema. Konti lang ang oras na naallot ko para sa restaurant.
I asked Nathan to be my OIC that time since he's been working from me since we opened the resto. But..
"Ate Deanna, I found out na nakaalis na ng bansa si Nathan. Hayup na yun magnanakaw pala." My god! Anong gagawin ko ngayon?
Ang laki ng expenses namin since Davi is still in the hospital. Nakakuha ng almost 4million si Nathan sa amin. Ang dame na palang nakulimbat sa akin without me knowing about it. Kung hindi pa nagsumbong ang isa sa mga staff ko. At naginvestigate kami, hindi ko pa malalaman.
Ngayon, we are also facing a lawsuit. Dahil may nafood poison na isang customer. Tang inang Nathan to. Kumukuha ng supplies namin sa kakilala nya sa murang presyo. Mura nga madumi naman.
I was in charge of monitoring these bago manganak si Jema kasi eto yung ayaw kong mangyari. Dahil sa tiwala naman ako kay Nathan kaya eto ngayon ako sumasakit ang ulo.
Hindi na rin ako naghabol kay Nathan. Yes it's a big money pero ayokong may malaman si Jema tungkol dito. Hindi pwede.
"Ate Deanna, nakausap ko yung complainant. Willing silang iatras ang kaso basta kailangan nating magbayad ng 2M."
"What seriously? Bakit ganun kalaki?" Naiinis na sabi ko.
"I think Ate Deanna, it's still a good offer since hindi naman nagsocial media yung complainant. Naagapan parin kahit papano?" Parang nainis ako lalo.
"Naagapan? Jaycel that's 2 MILLION PESOS!!! Alam mo naman pinagdadaanan ko ngayon diba?"
"Yes Ate, kaso.. panget man pakinggan pero at least wala na tayong kaso. Pwede pa tayong makabawi." Haaaay! Bakit ba sunud sunod mga nangyayari ngayon?
Yung ipon namin ni Jema nagalaw ko na. Wala ng kita ang resto super negative pa. May kaso pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Months have passed at dumating na yung araw na pinakahihintay namin. I did not tell Jema kung ano yung nangyari sa resto. Sabi kasi ng doctor, kailangan iwas stress muna si Jema para tuluy tuloy na yung paggaling nilang dalawa ni Davi.
Although, I'm happy na okay na ang anak namin..
Ako naman ngayon ang di okay.
Mag 4 months na ngayon si Davi. Naalala ko pa nung time na nagpadala ng food sina dad sa hospital. Ako dapat ang gumawa nun pero dahil can't afford na ako sila na lang ang nagpadeliver. Though hindi alam nila dad ang pinagdadaanan ko ngayon sa sobrang saya nila na gumaling na ang apo nila kaya di narin sila nagtanong.
I used to be so galante kahit na kanino. Basta may occasion o kahit masaya lang ako nanglilibre ako. Kaya di maiwasang magtanong ni Ate Bei.
Flashback
Ate Bei calling...
Bea: Deans papunta ako ngayon sa house nyo. I'll pick you up.
Deanna: Ate Bei...
Bea: Hep! Wala ka ng kawala kasi andito nako sa labas nyo.
End call.
Tapos nadinig ko na lang na may bumusina. Di na ako makakatakas. Sakto paalis na sana ako.
Nagpunta kami ni Ate Bei sa malapit na bar.
"Deans..." Medyo lasing na rin ako.
"Yes Ate?"
"May problem ka ba? You know you can tell me." Shocks may alam ba sya? Parang nawala ang kalasingan ko.
"Ha? What are you saying Ate?" I tried to hide it. Syempre I still need to show na okay ako. Kahit hindi na talaga.
"You know that we're in the same world." Oo nga pala, pero paano nya malalaman yun e.. nasettle ko na yung sa complainant namin.
Tinignan ko lang sya. She's looking at me like she's saying magsasabi ka.. o ako ang magsasabi sayo.
Kinuwento ko sa kanya mula umpisa hanggang dulo. Wala akong tinirang kwento.
Tahimik lang kami pareho. Nakakahiya man pero si Ate Bei to. Alam ko she won't judge me.
"Deans.. I think you should tell Jema everything. She needs to know. She's your wife in case you forgot." Gustuhin ko man pero yung takot ko na baka magalala sya, mastress or worse may mangyareng masama sa kanya diko kakayanin.
Yung 2 weeks siyang hindi gumigising, halos mamatay ako. Eto pa kayang ako ang dahilan ng stress nya. Mas lalong diko kakayanin.
"She shouldn't Ate Bei. Ako na lang ang bahala sa lahat. Kaya ko pa naman bumangon e. Sabe ni Jaycel may paraan pa." Totoo naman. Pinag aaralan namin ni Jaycel kung ano pang pwedeng counter measures sa naging problema namin at makabangon ulit kami.
"Pero hanggang kailan? How long will you keep this to your WIFE?!" Inemphasize nya pa talaga yung word na wife.
"I don't know Ate Bei. I really don't know." Malungkot kong sabi sa kanya.
Basta hangga't kaya kong isolve ito mag isa gagawin ko.
End of Flashback
(A/N: kathang isip lang. Wala akong alam sa business. 🤣)

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
Roman d'amourHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.