13

846 22 0
                                    

Jema's POV

"Charles?" Nagulat ako paglabas ko ng kwarto namin. Sinabi ni Manang Lucing na may bisita daw ako.

"Oh my God Charles! Kamusta ka na?" Niyakap ko siya. Namiss ko din tong kaibigan kong to.

"Eto, I'm good Jema. Ahmmm.. ikaw? How's married life?" Yung tanong nya parang may laman. I mean sa tono ng boses nya. Pero syempre ayoko namang sabihin na hindi. Kahit hindi naman talaga.

"Eto. Masaya. Masarap ang buhay may asawa no!" Pagsisinungaling ko.

"Oh.. that's good!" Halata namang di sya convinced e. Iniba ko na lang yung usapan.

"So... Napadalaw ka dito? Tsaka pano mo nalaman bahay namin ni Deanna?" Sasagot na sana sya nung may biglang lumitaw sa harapan namin.

Yung babaeng isang linggo ko nang di nakikita.

"Jema.." Jema? Jema na lang ngayon? Tinignan ko sya ng masama. Sinigurado kong alam nya na galit ako. Pero syempre.. kailangan ko paring malaman kung anong nangyari sa kanya.

"Ahhh.. Jema, actually I invited Charles here." Wow! Talaga ba? Close kayo? I looked at Deanna na nagtataka. Then kay Charles naman na yumuko.

"Oh? 1 week kang di umuwi at may time ka pang mag invite ng kaibigan ko?" Diko na napigilan e. Pero mas nakakapagtaka yung tingin sa akin ni Deanna.

"Jema ano ba?!" Galit na sabi nya. Ikaw pa talaga may ganang magalit ah?

"Excuse me lang Charles, kakausapin ko lang saglit ang asawa ko." Hinila ko sa kwarto si Deanna.

Andito na kami sa kwarto. Yung itsura ni Deanna parang walang nagawang mali. Parang wala lang sa kanya na di sya umuwi ng 1 linggo.

"So?" Nagpipigil pako nito pero yung galit ko sobra sobra na.

"Ano bang problema mo Jema? may bisita ka sa labas." Wow! Parang ako pa lumalabas na bastos ngayon.

"Bisita ko? Ako ba nag invite? Atsaka kelan pa kayo naging close ni Charles?" Pilosopo kong tanong sa kanya.

"Mamaya na tayo ulit mag usap Jema maliligo lang ako." Wow! Ang galing talaga!

"Teka nga.. hinarang ko ang kamay ko bago sya lumakad.

"Isang linggo kang di umuwi tapos may ininvite ka pa na kaibigan ko na sa pagkakaalam ko e.. hindi naman kayo close tapos ang isasagot mo lang e.. mamaya na tayo mag usap at maliligo lang? Wow Deanna Wong! Iba ka na!" Sarcastic kong sabi sa kanya.

"I don't have for this shit Jema. Puntahan mo na don yung kaibigan mo." Walang gana nyang sagot saka pumasok ng CR.

Naiwan na lang ako dito na litong lito sa mga actions nya.

Grrrr! Putragis ka talaga Deanna Wong!

Lumabas na ako sa living room namin at inaya si Charles makipag usap sa garden.

"Charles, I'm sorry ha? Nakita mo naman siguro.. na di totoong masaya ako." Nalungkot ako sa sinabi ko. Bakit ba nangyayari sa amin to ni Deanna?

"Actually Jema, kaya ako andito para malaman kung okay ka." Halatang tipid yung sagot nya at alam kong may gusto talaga syang sabihin.

"Charles...?"

"Hmmm..??"

"Pwede bang malaman yung totoo? Pano kayo nagkita ni Deanna?" Natatakot ako sa tanong ko.. pero mas natatakot ako sa posibleng maging sagot nya.

"Hmmmmm...." Huminga sya ng malalim.

"Honestly Jema.. kaya ako andito.. because Deanna contacted me." Huh? Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit nya naman gagawin yun?

"Deanna contacted me.. thru my social media. Hindi naman kami friends e. Pero dahil may common friend kami kaya ayun nahanap nya ako." Nakatingin lang ako sa may pool area namin. Hindi ko na nagugustuhan yung takbo ng kwento. Nagpatuloy na sya sa pgkukuwento nya.

"She asked..." Bakit parang kinakabahan ako?

"She asked.. if I'm still interested in you." Tumulo na ang mga luha ko. Wow! Si Deanna na selosa at overprotective???

"Then I asked.. diba you two are married already.." parang nabibingi na ako sa mga sinasabi nya. Wala ng nagreregister sa utak ko.

Gusto nyang ligawan ako ulit ni Charles na parang nirereto nya ako. Iyak na ako nang iyak sa mga sinasabi ni Charles. Alam kong awang awa na sa akin si Charles. Hinawakan nya ang kamay ko. At pinaharap sa akin.

"Jema, alam mo kung gaano kita minahal noon. Kung gaano ko kagustong ako ang makasama mo habambuhay. Pero..." Pinakita nya sa akin yung gallery ng phone nya.

"Sana Jema, maayos nyo pa. Para sa pamilya nyo, sa mga anak nyo. Pag kailangan mo ako I'm still here. Andito lang ako pag ready ka nang magshare." Niyakap ko si Charles nang mahigpit. Siguro kung di bumalik si Deanna noon baka pinakasalan ko na lang din si Charles. Napakabuti nyang kaibigan.. napakabuti nyang tao.

Umalis na si Charles. At may binigay din sakin na envelope bago sya umalis.

Andito parin ako sa garden namin. Ninanamnam ko bawat sakit na nararamdaman ko ngayon. Bawal ka talagang maging sobrang saya no? Kasi after nun.. magiging sobrang lungkot mo naman.

Nadinig ko na parang may lumalakad papunta sa akin. Nakayuko lang ako at umiiyak.

Alam ko kung sino.. amoy pa lang.. yung kabog pa lang ng dibdib ko pag lumalapit na sya.. alam na alam ko na.

"Bakit?" Umiiyak kong tanong sa kanya.

"Bakit Deanna?" Tumingin ako sa kanya. Pero sya naman ang hindi makatingin sa akin.

"Ang pogi parin ni Charles no? Parang di tumatanda. Ang ganda parin ng built ng katawan nya." Pinipilit nyang maging masigla yung boses nya.

"Bakit mo ginagawa to?" Lakas loob kong tinanong sa kanya.

"I want a divorce Jema."

"I want a divorce Jema."

"I want a divorce Jema."

"I want a divorce Jema."

Para akong nabingi sa mga nadinig ko. Halos wala pa kami sa kalahati ng buhay namin pero gusto na nyang maghiwalay kami?

"Bakit?" Umiiyak kong tanong.

Hindi sya makasagot. Pero I can feel na hindi sya nalukungkot.. wala akong maramdamang emosyon sa kanya. At yun ang masakit sa akin.

"Hindi na ako masaya." Tang ina! Apat na salita.. pero kaya akong patayin. Kaya na naman akong durugin.

"Kung ginagawa mo lang to dahil nasstress ka sa mga anak mo.. kaya ko namang alagaan sila e. Kung naiinis ka sa akin, kung nahihirapan ka na sa gastusin dito pwede naman ako mgtrabaho e. Kung di na kita napapasaya sa kama.. I'll do eveything para bumalik lang tayo sa dati." Para akong tanga dito. Ako dapat yung galit dahil sa hindi nya pag uwi ng isang linggo, sa pagreteto nya sa akin kay Charles pero bakit ganito? Bakit ako yung iiwanan?

"Jema.. please? I can set you up with Charles. Para dika na mahirapan sa pagmove on mo. Wag mo akong intindihin. I can be happy with myself naman. Gusto ko lang maging okay ka after nito." Wow! Ganun lang kadali yun? Pinupunasan ko na yung mga luha ko na tuluy tuloy sa pagtulo.

"Hindi ko kailangan si Charles o kahit na sinong tao para sumaya. Ikaw lang ang kailangan ko Deanna!" Sobrang sakit na hindi na sya masaya sa akin at gusto na nya ng divore, pero mas masakit yung ipaubaya nya pa ako sa iba.

"I'll call Charles para puntahan ka ulit bukas dito." Mukhang decided naman na sya. Kaya sige..

Patayo na sana sya nung may inabot ako. May sinend din akong message sa kanya bago ako umalis.

"Next time Deanna.. kung makikipaghiwalay ka, maghanap ka ng magandang excuse." Huling sabi ko sa kanya bago ako tuluyang umalis sa tabi nya.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon