10

839 20 0
                                    

Deanna's POV

After ng encounter namin ni Ate Bea, I've decided to go to my parents house. Gusto ko munang magpalamig ng ulo. Gusto ko munang makahinga.

"Sachi, bakit andito ka?" Nagulat ako sa tanong sakin ni dad.

"Wow, dad? Hindi na ba ako welcome sa bahay ng parents ko?" Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Welcome naman. Pero, I just find it unusual na ikaw na mismo unang dumalaw dito. E halos ayaw mo nga kaming labasin pag pumupunta kami sa bahay nyo e." Totoo naman kasi talaga. Iniiwasan ko narin kasing magtanong sila.

I was just quiet. Diko na sinagot yung sinabi ni dad. Then mom came in.

"Sachiiii!! I missed you anak. Bakit ganyan ang itsura mo? May sakit ka ba ha?" Nagulat ako sa tanong ni mom. Pero hindi ko alam parang biglang uminit ang ulo ko. Something might trigger me..

"Do I look sick to you?" Nagulat si mommy. Kasi bigla akong tumayo at tinignan sya ng masama.

Pero mas nagulat ako nung may sumampal sa akin.

"Wag mong babastusin ang mommy mo Deanna lalong lalo na sa harap ko!" Galit na sabi ni dad. Para naman akong nagising sa sinabi nya.

"What did I do Dad?" Nagtatakang tanong ko kay dad. Nakatitig lang ako sa mga mata nya at ganun din si Dad. Parang nagsusukatan kami ganun.

Hinila ako ni mommy para umalis.

"Go to your room muna, Sachi!" Si mom.

Umalis ako sa harap nila at pumasok ng room ko.
Nakabili na rin pala sila ng bahay dito malapit kina Ate Cy. Para may mapagstayan sila pag umuuwi galing ng US.

Nasa kwarto lang ako at nakatitig lang sa ceiling. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Parang everything is falling apart now.

Biglang sumakit ang ulo ko. Kaya, kinuha ko agad yung gamot ko sa bag. I've been taking this medicine simula nung malaman ko ang tungkol sa sakit ko.

Nagulat ako when mom saw me took my medicine. Diko napansin na nakapasok na sya.

"What's the meaning of this Sachi? Bakit may ganito ka?"

"That's nothing mom." Aagawin ko sana pero tinulak nya ako.

Nakita nya yung name nung medicine and nagsearch sya. Nangiginig yung kamay nya.

"sertraline (Zoloft) and paroxetine (Paxil) for.. PTSD??" Nagulat sya sa nabasa nya.

"Ano to anak? Sumagot ka Sachi!" Umiiyak na si mommy and so am I.

"I've been suffering from too much stress mom..and a lot of times ang dami dami ko nang iniisip na I don't think is still normal for me."

I told her everything simula nung pumunta ako sa ospital hanggang sa lagi na kaming nag aaway ni Jema. Dahil na rin sa sakit ko at sa problema ko.

"The reason why I'm here now mom is because I don't want to see Jema lalo ngayon. Ayokong makita nyang ganito ang itsura ko. Ayokong tanungin nya ako kung anong problema ko."

"Let's get you treated Sachi. Magagamot ka pa naman." Nagaalalang sabi ni mommy.

"Wag na po mom. Gastos lang yun." Ayoko na ng kahit anong tulong. I'm a hopeless case now.

"I can pay for that anak. Ano pa't naging magulang mo kami."

"No mom! Ayoko. Ayokong madamay pa kayo sa kamalasan ko."

"You see mom, I failed as the head of my family, I failed Jema." Umiiyak na sabi ko.

"That's why you're doing everything para magalit sayo si Jema at iwan ka?" I know mom knows me too well. Wala na akong dapat itago sa kanya.

"Asawa mo si Jema anak. She needs to know the truth. No, she deserves to know the truth!" Pinagdidiinan nya pa sa akin yun.

"Wala na akong pake mom. I've decided na iiwan ko na ang pamilya ko."

"Pati mga anak mo Deanna? Paano mo nagagawa to?"

"It's for the best mom. Kailangan ni Jema ng matinong tao na deserve nya. Yung kaya syang pasayahin at hindi lang problema ang kayang ibigay. My children deserve a decent life. A normal life mom. At hindi ko na kayang ibigay yun sa kanila."

"Do you think that's what they needed? Para saan ang decent and normal life kung wala ka naman doon?" Mom has a point pero.. wala naman na akong magagawa e.

"I saw how much Jema loves you anak. Wag naman ganito. Wag mo naman piliin ang saktan ang sarili mo lalo na ang pamilya mo." Hinawakan ni mom yung mga kamay ko.

"Sachi, please? For me?" I looked at mom. And I nodded na lang.

I'm sorry mom pero I think eto ang kailangan ni Jema.

(A/N: Imagination ko lang po ito palagi. Lalo na sa PTSD, gawa gawa ko lang din po ito na may konting tulong ni Google.)

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon