8

943 20 2
                                    

Jema's POV

Nakauwi na kami sa bahay ni Davi. So far so good na ang baby namin. Ang saya saya namin ni Deanna kasi ang healthy na niya. Parang di sya dumaan sa critical stage at muntik na syang bawiin sa amin.

We had a celebration paglabas namin ng ospital ni Davi. We invited our friends and syempre ang family namin.

2 months later, the doctor said na pareho na kaming healthy ni baby. He's 5 months old now. Ang bilis ng panahon. Magugulat na lang kami ni Deanna mga binata na ang mga anak namin.

"D...daa...dadaa!!" Omygossshhh!! Andito kami sa playroom. Nanunuod sila ni Deanna ng cartoons.

"Did you say dada baby?" Biglang tumawa si Davi kaya mas lalong natuwa si Deanna.

Sa sobrang tuwa nya, niyakap nya at kiniss si Davi sabay kiliti. Kaya naghaharutan na ngayon ang mag ama ko. Ako naman dito nakikitawa lang.

Biglang tumingin sa akin si Deanna. Parang may binulong kay Davi. Kaya eto ako ngayon.. ang sakit ng tyan kasi kinikiliti na ako nung dalawa.

Ganito lang ang bonding namin na pamilya. Pagtapos naman ng class ni Dino, susunduin namin sya sa school kasama si Davi. Tapos magmamall saglit.

Hindi ko mapigilan na mapangiti everytime na nakikita ko ang magaama ko na masaya. Sana lagi lang kaming ganito. Kung pwede lang di na sila lumaki okay lang e.

Ang daming namiss ni Deanna nung baby si Dino. Mama naman ang first word na nabanggit nya. Si Dino kasi is more like kamukha ni Deanna pero kaugali ko. Si Davi naman is my mini me pero pareho din sila ng ugali ni Deanna. Haaay nako! Di mo talaga mapagkakailang anak ni Deanna Wong yung dalawa, kilay pa lang alam nyo na.

Finally magkasama na kami ni Deanna ngayon sa pag aalaga ng mga anak namin. Kaya masaya ako. Masayang masaya sa pamilya namin lalo na sobrang mahal ako ng asawa ako.

Naalala ko din nung 1st time kong nadinig na sinabi ni Dino yung "dada". Eto yung nung pumunta si Charles sa bahay at nagkataon na party namin sa Rebisco. Pagtapos kong magdrama nung araw na yun,tinanong ko si mama pano nalaman ni Dino na may dada sya.

Nay nakita daw kasing picture si Dino nung naglilinis si mama ng kwarto ko. Picture namin ni Deanna dati. Ayun.. walang isip isip na sinabing.. "She's your Dada." Late na daw nya narealize yung sinabi nya.

E dahil matalino ang anak ko ayun.. kinulit na sya nang kinulit. Pero dahil nasa katinuan na si mama kaya di na nadulas ulit.

Akala ko makakalimutan na nya. Pero tinanong nya din ako ulit kinabukasan. Sinabi ko na lang na she's my friend at Dada ang name nya. Haaay ang hirap lumusot nun kay Dino kasi ang daming tanong.

Buti nung nagkita sila ni Deanna sa bahay ni Ate Cy nakalimutan na rin nya na si Deanna yung nasa pic. Naging busy daw kasi sila sa paglalaro nun.

Nakakatuwa si Deanna sa mga anak namin. Napakamaalaga. Alam mong magiging strict sya someday sa 2 pero alam mo din na magiging spoiled.

(Ano ba talaga mare?) Basta gets nyo na yun! Haha!

Sino ba magaakala na yung batang halos di marunong ng gawaing bahay noon, ngayon.. marunong na magalaga ng bata.

(Marunong ngang gumawa ng bata e.) Hoooy author!!! 🤣

Marunong na sya sa kahit na anong gawaing bahay. Lahat natutunan nya sa loob lang ng halos 2 years na pagsasama namin. Araw araw tuloy akong naiinlab lalo sa asawa ko.

Kaso lately parang may napapansin akong kakaiba kay Deanna.

Isang araw habang naglalaro si Davi..

"B?" Ilang araw ko na din kasing napapansin na tulala sya. Tapos parang namamayat na yung asawa ko. Hindi ko naman sya pinapagod masyado sa love making namin para pumayat sya.

Teka...speaking of. Kelan ba yung last time na nagawa namin yun? Shocks halos 1 month na rin na wala. Pag kinakalabit ko sya. Madalas tulog na sya. Ewan ko ba dito sa asawa ko. Parang lagi na syang pagod e.

Diko naman masisi kasi gusto nyang maprovide yung needs namin ng mga anak nya.

Pero iba parin.. yung sexual needs ko diba?

(Yiieeee! Ayoown! Yun pala ang hanap!) Beke nemen Deenneee Weeengg!!

"Huy B!" Kinalabit ko na.

"Ahh... Yes love?" Ha? Saan galing ang love? Napatingin ako sa mukha nya. Mukhang sobrang lalim ng iniisip. Kaya niyakap ko na lang sya.

"B, may problema ka ba? May tinatago ka ba sa akin?" Nagulat sya kaya napabitaw sya sa akin. Kaya di niya napansin na inalis nya yung yakap nya sa akin.

"Ha? B? San naman galing yan? Ahhh.. pagod lang ako sa work." Kilala ko sya pag may tinatago sya sa akin. Medyo nahurt na nga ako sa pagtanggal nya ng kamay ko.. pero mas nahurt ako sa thought na nagsisinungaling sya.

"Excuse me lang muna B ha? Kuhanan ko lang ng milk si Davi." She gave me a forehead kiss. Tapos kay Davi. Then lumabas ng kwarto.

May tinatago nga. Pano ko nasabi? Hawak nya yung bote ng gatas ng anak nya bago ko sya lapitan kanina. Hindi na nga nya nabigay kay Davi e.

Anong problema Deanna Wong? Hindi ko alam kung anong meron pero alam na alam ko at nararamdaman ko.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon