28

880 22 0
                                    

Jema's POV

Andito na ako ngayon sa bahay. Hindi ko alam pero parang I felt guilty and sad at the same time. Guilty kasi, parang ang sama ng naging treatment ko kay Deanna. Considering na ngayon lang ulit kami nakapag usap.

Sad kasi... Bakit kami umabot sa ganito? Na halos ayaw ko syang makita at makausap.

Dapat nakalimutan ko na lahat e. Kung kailan nakamove on na ako saka naman sya babalik? Para saan pa?

Naalala ko yung araw na huling beses ko syang nakita.

Flashback

Umalis si Deanna. Pagkatapos kong magmakaawa sa kanya, halos di na ako makatayo. I called Kyla.

Diko alam kung paano sya nakarating dito ng ganito kabilis. Pero pasalamat pa rin ako kasi laging one call away lang ang bestfriend ko.

"Bes, anong nangyare?" Niyakap ako ni Kyla...

"Bes, niloko nya ako. Iniwan nya ako dahil lang may iba na sya."

"Sure ka bes? Si Deanna to ah? E.. never ka pa naman nun niloko ah?" Totoo naman. Pero this time iba na.

Umupo kami ni Kyla sa may gilid ng pool. Binasa namin pareho yung paa namin. Pakiramdam ko ang lamig ng buong katawan ko.

"Nakita sila ni Dino na naghahalikan. Sila ni Mich Cobb, yung ex nya. Hindi ko alam kung yung sakit ba na nararamdaman ko e yung nakita sya ng anak namin na may kahalikan na iba o yung makita ko na dito sa mismong bahay namin nya ginawa yung kalokohan nila." Halata namang gulat parin si Kyla at hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala. Pero nakikinig lang din sya sa akin.

"Ky, alam mo bang nagmakaawa pa ako sa kanya para lang kami ang pillin nya. Na sinabi kong kakalimutan ko lahat ng issues namin para lang wag nya akong iwan.  Pero wala e.. iniwan pa rin nya ako." Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Parang any moment bibigay na rin ako.

"Bes, alam kong quota na kayo ni Deanna sa hiwalayan kaya kahit ako hindi ko na rin alam ang sasabihin e." Pareho naman kami. Gusto ko lang talaga ng kausap ngayon kasi baka mabaliw na ako.

Sumandal ako sa balikat ni Kyla. Hinayaan nya lang akong umiyak nang umiyak.

Ilang sandali pa ay bigla na lang syang nagsalita.

"Bes, matanong nga kita.." pinunasan ko muna ang mga luha ko at tumingin sa kanya.

"Do you honestly think na kaya kang lokohin ni Deanna? I mean, sobrang inlove nung tao sayo. Halos ang perfect na nga ng buhay nyo e. Kailan mo ba sya napansin na nag umpisang mag iba? Diba sabi mo after mong manganak kay Davi diba? Hindi kaya.." Napaisip din ako sa mga sinabi nya. Kung kanina iyak ako nang iyak pero ngayon naisip ko na parang may point nga si Kyla.

"Ano Kyla?" Curious kong tanong sa kanya.

"Hindi kaya.. naturn off sya sayo kasi hindi ka na ganun kaganda? Hahahah!" Buset na to. Akala ko pa naman seryoso.

"Ako Kyla matagal na akong nanggigigil sayo ah?" Tawa pa rin sya ng tawa. Natawa na rin ako.

Ang adik lang e no? Kanina iyak nang iyak ngayon naman tawa ng tawa. Malapit na ata akong mabaliw e.

"Ikaw talaga best. Pinapatawa lang kita. Ang heavy kasi ng mga scenes nyo kanina. Wala bang romcom dito? Lagi na lang may drama e.

Pero sige bes, kidding aside.. isipin mo ha? Nagbago si Deanna after mo manganak kay Davi? Hindi mo ba naisip na baka may nangyari sa mga panahon na yun? I don't think kasi na lolokohin ka ni Deanna e. E halos bahay at resto nga lang yung tao diba?" Napaisip din ako sa sinabi nya.

End of Flashback

Totoo yun. Simula nung kinasal kami hindi na sya yung lumalaboy kasama mga barkada. Madalas kami lang ang kasama nya pag lumalabas. Bihirang bihira yung nakakasama nya sina Pongs at Bea.

May nangyari ba sayo Deanna na hindi ko alam?

Nasa ganoon akong pag iisip ng may biglang tumabi sa akin si Tatay.

"Ang lalim ata ng iniisip ng anak kong maganda ah?" Sweet talaga ng Tatay ko. Pero may gusto talaga akong malaman kaya tatanungin ko na siya.

"Tay, ano po bang nangyari nung bago ako nanganak kay Davi?" Nakita kong nag isip maigi si Tatay.

"Nung nalaman namin yung kalagayan mo, pumunta agad kami sa hospital nun. Pagdating pa lang namin, sinalubong na agad kami ni Deanna. Magang maga ang mga mata nya. Alam kong may hindi magandang balita nun kahit na hindi pa nya sinasabi sa amin ang totoong lagay mo." Pinagpatuloy na ni Tatay ang kwento.

Nakaramdam ako ng awa kay Deanna. Alam ko na ang kwento na to. Pero iba pa rin pag galing kay Tatay e.

"Nagagalit ako kay Deanna, kasi niloko ka nya. Ang masakit pa doon e.. nakita pa ng apo ko yung ginawa nyang kalokohan. Gustuhin ko mang ilayo kayo para hindi na kayo makita ni Deanna. Pero anak.." nakikinig lang din ako kay Tatay.

"Kasal parin kayo at may karapatan pa rin sya sa mga anak nyo. Kung... Kung hindi mo na sya mahal. Kahit na ipakita nyo lang sa mga anak nyo na okay kayo, siguro kahit yun na lang ang ibigay mo kay Deanna." Tama si Tatay. Andito na rin si JV sa buhay ko. Okay na ako sa ngayon. So hindi na dapat ako magpaapekto sa kanya. Tapos na kami. Tapos na ang story naming dalawa.

Niyakap ko lang si Tatay. Ganito lang ang gusto ko sa ngayon. Comfort ng mga taong nagmamahal sa akin.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon