20

846 15 0
                                    

Nung una halos murahin nya ako sa mga kwento ko lalo na sa mga ginawa ko noon kay Jema. Napakatanga ko daw para gawin yun sa babaeng mahal ko at pinangakuan ng pagmamahal na habambuhay. O diba? Ang lalim ko na magtagalog ngayon? Lahat yan dahil kay Ysa. Hahaha!

Nung nakwento ko sa kanya ang tungkol sa sakit ko, hindi na nya napigilan na maiyak. Doon nya lang din ako naintindihan kung bakit ko nagawa ang lahat ng nagawa ko noon kay Jema.

Nasabi nya sa akin na mukhang mabuting tao naman si Jema. Kung may mali lang daw talaga sa desisyon ko e, yun yung hindi ko sinabi sa kanya ang totoong lagay ko.

Napaisip din ako sa mga oras na yun.. pero kasi mas nanaig sa akin na wag nang pahirapan pa si Jema.

Nagkwento naman si Ysa ng tungkol sa kanilang mag asawa.

Maganda ang takbo ng relasyon nila ni Joshua. Maganda na din ang buhay nila. Naikwento sakin ni Ysa kung paano sila nagsimula, na parehong mahirap lang sila noon at ngayon naman e unti unti na ring umaangat.

Imagine nagsimula lang sila sa maliit na kubo, hanggang sa nakapagpatayo na sila ng malaking bahay dito. At may maliit din na kainan malapit sa cloud 9. Malakas daw ito lalo na pag madaming turista.

Yung isang buwan ko dito naging 2, 3 nagulat na lang ako na halos kalahating taon na akong andito. 5.5 months to be exact.

Sa loob ng 5.5 months na yun, hindi na ako inaatake ng kahit na anong mood swings. Hindi na ako basta basta nagagalit. Ibang iba sa Deanna noon.

Siguro yung lugar na sobrang relaxing, yung mga tao sa paligid ko, yung pressure sa buhay na dala dala ko noon e wala na. Hindi na rin ako umiinom ng gamot. Kaya mas nakakaipon na rin ako.

Simula nung dumating ako dito, natuto akong hindi magcp. Alam kong hinahanap na ako nila mommy at daddy. Nila Jaycel, Bea at Pongs. E sya kaya? Hinahanap nya rin kaya ako? Kamusta na kaya sya? Pati na rin ang mga anak ko?

Natuto din ako ng madaming bagay dito. Marunong na akong mangisda. At itinda yun sa palengke. Mga bagay na diko akalaing magagawa ko.

Nasa malalim akong pag iisip ng biglang..

"Deanna!" Patakbong yumakap sa akin si Ysa. At umiiyak.

"Ysa, anong nangyari? Bat umiiyak ka?" Hinahaplos ko yung likod nya.

"Si Josh Deanna.." nag away daw sila nito at muntik na syang saktan. Kaya napatakbo dito sa akin.

Kinwento sa akin ni Ysa na madalas umiinom ang asawa nya dahil sa problema nya. Naikwento din nya na niloko daw si Josh ng bestfriend nya ding seaman. Ninakaw yung inipon nyang pera sa barko.

Nagkaroon daw sila ng sagutan nun, dahilan para matanggalan sya ng trabaho. Mas kinampihan daw kasi yung kaibigan nya ng supervisor nila kesa sa kanya.

Umuwi sya dito sa Pilipinas na halos walang dala. Sa sobrang sama ng loob nya halos araw araw daw syang nag iiinom ng alak. At madalas na nasisigawan daw si Ysa pati na rin yung mga anak nya.

Nung medyo okay okay na si Ysa, niyaya ko na syang umuwi. Gusto ko pa rin naman na ayusin nila ang problema nila. Alam mo yun wala namang problemang di madadaan sa mabuting usapan.

(Wow! Sana all na lang Boss D.) ☹️

"Tara na Ysa, ihahatid na kita sainyo." Hinihila ko na sya para lang sumama sa akin. Pero ayaw nya talaga.

"Kailangan nyong mag usap dalawa. Ngayon nya kailangan ang suporta mo." Bigla ba naman akong binatukan. Aba loko to ah?

"Ahhh talaga ba Deanna Wong?" Pang aasar nya sa akin. Natawa naman ako.

"Napakayabang mo Wong! Kala mo talaga magaling syang magadvise e. Just to refresh your memory, wala ka ngang ginawa noon sainyo ni Jema. Ni hindi mo nga sya binigyan ng chance na makapag usap kayo e." Nabigla ako sa pagbatok nya pero mas nabigla ako sa sinabi nya.

"Kaya wag na wag mo akong mabigyan bigyan ng advise jan. Sabihin mo yan sa sarili mo. Hahaha!" Pumasok na sya sa kwarto pero iniwan ako sa labas na patawa tawa pa. Pang asar din e.

Kanina iiyak iyak ngayon nang aasar na. Adik din e.

Hinayaan ko na lang muna na makatulog sya sa bahay. Sa sala na lang din ako natulog.

Kinabukasan, paggising ko wala na si Ysa. Hindi naman na ako gumagamit ng cp kaya hindi ko alam kung pano ko sya kakamustahin. Ayoko namang puntahan sya sa bahay nila, baka kung ano pang isipin ng asawa nya.

Pinagpatuloy ko na lang yung mga gawain ko dito. Araw araw na pangingisda at pagtitinda sa palengke ang ginagawa ko. Masaya ako kahit ganito lang kasimple ang buhay ko.

Napapaligiran ako ng mga positibo sa paligid ko. Maganda at tahimik na lugar, mga taong mapagkakatiwalaan. Buhay na walang masyadong pressure at stress. Mga bagay na hindi ko naramdaman noon.

Dati, I feel so pressured sa lahat ng bagay. Sa business, sa future ko, lalong lalo na para kay Jema at sa pamilya ko. Masaya ako dito. Pero hindi nga lang kasing saya kung kasama ko si Jema.. pati na rin ang mga anak ko.

Ilang araw din ang lumipas na hindi na dumadalaw si Ysa dito. Siguro, nagkaayos na rin silang dalawa.

Kinabukasan, habang nagkakape ako at nagreready na rin para manghuli ng isda..

"DEANNA!!" sobrang lakas ng katok ng tao na nasa labas.

Alam ko yung boses na yun kaya dali dali kong binuksan ang pinto. Pumasok si Ysa na takot na takot akala mo may humahabol. Nagulat ako na bitbit nya yung dalawa nyang anak. Parehong umiiyak. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanila. Ang babata pero ganito ang nararanasan.

Inasikaso muna namin yung dalawang bata hanggang sa nakatulog na sila. Andito kami ngayon sa sala ni Ysa.

Tinitignan ko lang sya at inaantay na magsimulang magkwento.

Nagsisimula na naman syang umiyak.

"Nag away kami ni Joshua. Muntik na nya akong saktan pati na rin ang mga anak ko." Iyak sya nang iyak at kitang kita mo sa mukha nya na nasasaktan sya ng sobra.

Nagpatuloy lang sya sa pagkukwento ng mga nangyari.

Hindi nakaligtas sa akin ang sinasabi ng mga mata nya. Pamilyar sakin ang gantong mga mata. Hindi ko din tuloy maiwasang malungkot.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon