40

1K 24 2
                                    

"Pre, lasing ka na! Ang baduy mo!" Biro nya kay Marck pero ang daldal ng kuya mo!

"Alam mo ba Jema na muntik na din yan magpakamatay nung iniwan sya ni Christine?" Oo yung long time girlfriend nya. Nakwento naman nya sa akin yun dati. Pero gusto ko din tong madinig, yung version naman ng best friend nya.

"Pre, past na yun. Quiet ka na. Shhhhhh!" Si JV. Nilagay pa nya yung daliri nya sa nguso nya. Haha. Ang cute ng honey ko.

Hinawakan ko na lang yung tuhod ni JV para medyo kumalma sya. At hayaan na lang magkwento yung birthday boy.

"Hindi pre, bilib kasi ako sayo pagdating sa pagmamahal e. Alam mo yun. Bibigay mo talaga lahat ng kaya mo. Hindi material things ah? Kasi alam mo naman mas mayaman ako sayo." Natawa naman kami dito. Pero lahat kami halos nakikinig lang din sa kwento nya.

Naiiling na lang si JV na para bang alam na nya yung susunod na sasabihin nito.

"Kaya Jema, sana alagaan mo yung puso ng bestfriend kong to. Mabuting tao yan! Alam kong swerte si JV sayo pero masasabi ko ding swerte ka din sa kanya. Sana alagaan mo yung puso nya kasi kakatahi nya lang jan. Mga 3 years ago. Hahaha!" Natatawa sya sa part na yun pero ako hindi.

Grabeh! May ganito pa palang lalaki no? Akala ko sa teleserye o wattpad ko lang makikita o mababasa e..🤣

Nakatingin lang ako kay JV. Tapos tumingin din sya sa akin. Bigla nya akong niyakap. Dahilan para magsigawan mga tao dito.

Pero parang tumigil yung oras.

Umalis sya sa pagkakayakap sa akin. At hinawakan yung dalawang kamay ko.

"Jema, alam kong nasaktan ako noon dahil sa pag ibig. At alam kong posible pa rin akong masaktan dahil minamahal kita. Pero, wag mo sana akong mahalin dahil lang mahal kita.

Gusto kong mahalin mo ako, dahil mahal mo ako. At wala nang iba pang dahilan. I don't want you to force yourself to love me or choose me lalo na pag dumating yung oras na naguguluhan ka na." Napansin ko na wala na pala kaming kasama dito.
Pati yung madaldal na si Marck, umalis na din pala.

Hindi ko alam kung saan nanggaling yung sinasabi nya. Pero nararamdaman ko na natatakot sya dahil bumalik na si Deanna.

"JV if..." Pinutol nya ang pagsasalita ko.

"It's not because of Deanna. Gusto kong malaman mo na mahal kita. No but's, no if's. I just love you just the way you are." Niyakap ko si JV nang mahigpit.

Ano bang nagawa ko sa past life ko to deserve someone like you?

Don't worry JV, aayusin ko ang past ko para maging karapat dapat ako sayo.

Deanna's POV

After kong iwan sina Jema sa resto, dumiretso ako kay Ate Bei. Ayoko na sa bar. Alam nyo naman na allergic na ako doon e.

"O dude! Para kang pinagbagsakan ng heaven ah?" 

"Corny mo Ate Bei!" Dumiretso na akong pumasok sa loob ng bahay nila pagbukas pa lang nya ng pinto.

"Better to be corny kesa sawi sa pag ibig! Haha!" Buset na to.

Sumalampak ako sa sofa nila. Parang feeling ko pagod na pagod ako ngayon. Yung utak ko, yung puso ko. Kaya pumikit na lang din ako.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko.

"Care to share?" Inabutan ako ng redhorse ni Ate Bei. Kaya tinignan ko sya ng masama pagkatapos kong punasan yung luha ko.

"You know I don't drink na diba?" Tinaasan ako ng kilay ni Ate Bei.

"Wag ka nang KJ jan. Kailangan mo yan! Isang sipa para sayo! Hahaha!" Hindi nakakatawa. I looked at her. At napabago ko itsura ng isang Bea De Leon. Kala mo ah? Takot ka rin pala sa akin e.

"Dali na! Spill it!" Kinuwento ko sa kanya yung mga nangyari kanina. Lahat ng sinabi sa akin ni Jema.

"Deanna, I know you know na deserved mo lahat ng yun diba? Matigas kasi ulo mo e. Hindi ka nakinig sa akin." Nakayuko ako habang nakikinig sa kanya. Seryoso na po sya kaya alam kong mahaba haba ito.

"Una pa lang, I already told you na.. Jema deserved to know the truth. Sa lahat ng tao dapat asawa mo ang sasabihan mo ng problema mo. Pag masaya ka, worried ka. She needs to know. Hindi mo ginawa yung mga sinabi mo sa wedding vow mo kay Jema. And for that, isang kutos for you!" At ginawa naman nya. Ang sakit ah?

"You see Deanna, Jho and I's relationship? It was never an easy journey. It was never perfect. But we made a promise to each other e. Nung kinasal kami. Na kahit ano pa yung problema. Even if it will hurt me or her, we need to be really honest to each other. Kasi pinili namin ang isa't isa e. We are partners in marriage, partners in life. Walang iwanan dapat.

Yes, you made a decision na sa tingin mo para kay Jema and sa mga anak mo. Pero to be honest, para sa sarili mo lang talaga yun!" I was shocked to hear it. Hindi ko akalain na ito ang madidinig ko kay Ate Bei. I'm starting to feel really annoyed.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon