Jema's POV
It was a wonderful 3-day experience sa resort na yun. Lahat nag enjoy especially my two babies. Maganda yung lugar and andaming fun activities doon na never ko pa natry sa ibang beaches na napuntahan ko before.
I also heard na 4 yung may ari nung resort and mga sikat daw na volleyball players noon. Hindi na nga ako masyadong nakimarites kasi nung napansin ako ng isang staff doon bigla silang tumigil sa pag uusap. Pero isipin mo "omina oeneta" ang name ng resort. Ewan pero hindi maganda yung name diba?
Hindi ganun kacatchy!Okay na sana yung last day namin doon except nung nagkamoment kami ni Deanna. Ayoko na sana na pag usapan pa namin yung nakaraan namin pero siguro dadating talaga yung oras na yun, kahit ano pang iwas namin.
Flashback
Lumabas ako ng room namin kasi medyo nainip ako. Hindi ko naman makausap si JV kasi ang busy nya. Last day na namin dito at bukas ng umaga kami magcheck out.
Lahat sila pagod sa mga pinaggagawa namin kanina pero ako hindi dinadalaw ng antok. Hindi ko na rin kasi alam ang dapat kong maramdaman ngayon.
Kanina kasi I saw Christine and Deanna sobrang sweet nila. Hindi sila ganung kasweet nung unang beses ko syang nakita dito. Ewan ko! Naiirita talaga ako kung pano nya hawakan si Deanna sa kahit na anong part ng katawan nito. I know, wala akong right para pagbawalan sila pero kasi nakikita sila ng mga anak namin e.
Naisip ko tuloy kung nagseselos ba ako? I don't know. Hindi na kasi dapat talaga e. Wala nang kami at ayoko ng maging kami ulit.
Yes, I've decided na ayoko na talaga. I don't want to risk my heart again kay Deanna. Para saan pa? Para saktan nya ulit ako? Para iwan ulit?
If I leave JV, will I be happy? O babalik na naman ako sa taong laging pipiliin lang na iwan at saktan ako.
"Jema? Bakit mag isa ka dito?" Andito kasi ako sa bench na malapit sa dagat. Tinitignan ko lang yung alon. This time may jacket na akong dala.
"Anong pake mo? Sayo ba tong resort na to?" Sorry! Pero buong araw akong naiirita sa kanya talaga.
"Bakit ang sungit mo? Nagtatanong lang naman yung tao." Medyo nakonsensya naman ako. Kaya medyo pinigilan ko na sarili ko.
"Wala bored lang ako." Tumabi sya sa akin pero may space naman. Napapansin ko din na halos hindi ako masyadong kinakausap ni Deanna at hindi rin sya masyadong lumalapit sa akin. Iniiwasan ba ako nito?
Tumabi lang sya sa akin at hindi nagsasalita.
"Sobrang close nyo ni Christine no? Gano na kayo katagal? 1 year?" Sarcastic kong tanong. I really want to know kung anong meron sa kanilang dalawa. Tsaka curious din ako kasi may Mich na may Christine pa. Aba iba ka na Deanna Wong!
"Ha? What are you saying?" Sus! Nagmamaang maangan pa. Napairap tuloy ako.
"Tell me na. Ikaw naman para kang others!" Sarcastic kong sabi sa kanya.
"I don't know what you're saying. Mabuti pa mauna na ako sa room ko." Tumaas naman ang kilay ko.
"Sa room mo ba talaga ikaw pupunta?" Takte yan! Mali ang lumabas sa bibig ko. Kasi naman buong araw kung iniisip kong sila ba ng Christine na yan kasi nga sobrang sweet nila. Pag naiisip ko na baka may ginagawa na sila sa room ni Deanna o kaya sa room nung Christine na yun naiirita talaga ako.
"What do you mean Jema? Gusto mo ba sa room mo? Andon mga anak natin." Wow! Ang tapang ha?
"In your dreams! Kahit siguro magunaw na ang mundo. Hindi na ako ulit lalapit sayo!" Nakita ko na nagbago yung expression ng mukha ni Deanna.
"Oh.. okay! Sabagay! Sino ba naman ako para lapitan mo. Sige na Jema, mauna na ako." Aalis na sana sya nung hinila ko yung kamay nya.
"Wag mo akong tatalikuran kinakausap pa kita." Nakita ko naman na parang naasar na din si Deanna.
"Oh ayan.. nakaharap na ako sayo. May sasabihin ka pa ba? Kasi kung gusto mo akong kausapin at sumbatan ngayon. Sige, makikinig ako! Kung yan ang makakapgpasaya sayo!" Sumisigaw na sya kaya nairita ako.
"Wow! Talaga lang ha? Kung makapagsalita ka parang wala kang ginawang kasalanan sa akin. Baka nakakalimutan mo na niloko mo ako Deanna!" Sumbat ko sa kanya.
"Oh sinabi ko bang nakalimutan ko Jema? Hanggang ngayon nga naaalala ko pa rin e. Ilang beses na ba kitang tinry na kausapin? Pero ayaw mo naman akong bigyan ng chance diba?"
"Ahh so nagsasawa ka na? Sabagay. Jan ka naman talaga magaling e. Yung magsawa, yung umayaw!" Nakayuko na yung ulo ni Deanna. Alam kong nasaktan ko sya. Pero kailangan kong ilabas to. Kasi sasabog na ako.
Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya at tumingin sa akin. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Kahit siguro ano pang gawin ko Jema, hindi na magbabago ang tingin mo sa akin. Kahit pa anong gawin ko, hindi ko na mababalik kung anuman yung meron tayo noon. Sana lang one day, you'll have the courage to listen to what I'm gonna say to you. Pag nadinig mo yung paliwanag ko and still you don't want me to be part of your life anymore, I'll accept it. Just don't ask me to stay away from my children." Umalis na sya sa harap ko at iniwan na ako.
Napaupo na lang ako sa bench na inuupuan ko kanina. Bakit ba ako nagkakaganito? Masyado na ba akong masama kay Deanna? Pero nasasaktan ako e. Natatakot ako. Na pag pinagkatiwalaan ko ulit sya.. tapos saktan ako ulit baka diko na talaga kayanin.
Siguro nga, ito na talaga yung end ng love story namin. Siguro hanggang dito na lang talaga kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.