6

879 20 0
                                    

2 weeks later
Hospital

Jema's POV

Nagising ako na hawak hawak ni Deanna ang kamay ko. Bakit ganun parang ang haba ng tulog ko?

"B.." hinaplos ko ang mukha ng asawa ko. Namiss ko sya.

Nagmulat ng mata si Deanna.

Nanglaki ang mata nya nung nakita akong gising na. Ang OA naman.

"Babbyyyyyyy..." Niyakap nya ako nang mahigpit. Tapos tuluy tuloy ang luha nya. Nagtataka man ako pero nadala narin ako sa pag iyak nya.

Agad nya namang chineck yung mukha ko.. yung ibang parte ng katawan ko. Okay lang ba talaga sya?

"Baby how are you feeling? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba?" Heeey! Pakalma ng petals please?

(Let's use petals for kepay. Haha!)

"Baby.. bakit ang OA mo?" Hindi parin tumitigil kaya nagpout na lang ako. Pero di ako pinansin.

"Wait baby I'll just call the doctor ha?" Aalis na sana sya nang magsalita ako.

"DEANNA WONGGGG!!!!" natigil sya at saka tumingin sa akin.

Napatitig ako sa kanya. Anong nangyare sa asawa ko? Maga ang mata na parang kakagaling lang sa iyak. Tapos mukhang walang tulog. Parang nag adik sya ng diko namamalayan.

Teka.. diba nanganak na ako? Huling naalala ko nandito na kami sa ospital e. Hindi narin mabigat yung tyan ko. So nanganak na nga ako.

"Wait lang Deanna Wong. Mamaya kana. Asan na anak ko?" Tumatawa kong sabi sa kanya.

Pero yung mukha nya..nalungkot bigla.

"Baby, may problema ba? Asan ang anak ko? Asan si Davi?" Naiiyak na ako. May nangyari bang masama sa kanya?

Kinuwento sa akin ni Deanna ang nangyari sa amin.
2 weeks na pala akong tulog simula nung nanganak ako. The operation went well naman daw but si Davi is still in the NICU (Neonatal Intensive Care Unit).

Umiiyak kaming pareho sa kwento ni Deanna. Naawa ako sa anak ko.. pero mas naawa ako sa kanya. Imagine kung gano kahirap ang magdecide that time.

Tama si Deanna. Kung conscious ako nun, isa lang talaga ang magiging desisyon namin ang iligtas ang anak ko. Good thing parin naman ay may nagawang iba pang paraan ang mga doctor para masave kaming mag ina. Yun nga lang, need pa magstay ni Davi dito sa hospital.

After 2 days, nakalabas narin ako ng hospital. Sabe ng doctor okay na ang lagay ko and I don't have any complications na rin. Si baby Davi na lang.

Several days have passed pero hindi parin nagiging okay ang lagay ng baby namin. Sinabi ko rin kay Deanna na ako nang bahala magbantay sa ospital. Dahil madame na syang naiwang trabaho. Hindi naman namin pwedeng pabayaan ang business namin.

Si Dino naman na kina mama muna nagsstay. Nagschool narin kasi siya di naman sya pwedeng mag absent lagi para makasama lang namin sya.

Lagi akong nagdadasal sa Panginoon na pagalingin nya ang anak namin. Alam kong di nya kami pababayaan. Malakas ako kay Lord e.

3 months later, dumating na ang pinakaiintay naming lahat. Okay na ang baby Davi namin at pwede na namin siyang iuwi.

We thanked all the doctors and nurses sa hospital para sa pag aalaga sa akin at kay baby. Nagpahanda pa sina sa dad sa hospital bilang pasasalamat sa kanila.

Sabi ko sainyo malakas ako kay Lord e.

Welcome Home Dean Avery Vincent Galanza-Wong!

(A/N: Pasensya na po kung anu ano na lang sinasabi ko dito. Haha!)

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon