Deanna's POV
Pagkagaling ko ng Siargao, I immediately asked mom na tulungan ako. Yes, nagpatulong ako sa kanila para magpagamot. Something that I should have done long time ago yun ang sabi ni Dad. Hindi pa daw sana nawala ang pamilya ko sa akin.
Which is very true naman. Ewan ko. Siguro dahil narin sa weak na ang pag iisip ko noon and because of too much emotion that time, that's why I made a very irrational decision.. a heartbreaking decision to leave the woman I love the most.
Back then, parang ang complicated ng lahat ng bagay. Ang malas ko sa business, may problema din sina mom and dad tapos may sakit pa ako.
Parang that time it was the best decision for me. Pero hindi pala. I realized na lalong mali ang naging desisyon ko when I met Ysa and Josh.
6 months after ko magstay sa Siargao, we went back sa US kasama sina mom. Doon umattend ako ng therapy sessions para tuluyan akong gumaling.
The doctors there were amazed kasi I was doing so well sa bawat therapy na ginagawa namin. Bihira daw yung ganun for persons with PTSD. They also said na my stay in Siargao helped me a lot.
Siguro one reason also is yung willingness ko na gumaling at bumalik sa dati. Something na wala ako nung panahong kasama ko pa si Jema.
Gladly, fully healed na ako ngayon. Wala na akong sakit sa isip.. sa puso na lang.
Kaya starting today, I'm going back to the person na minahal ko at minamahal ko pa rin hanggang ngayon. Si Jema.. pati na rin ang mga anak ko.
Sana naantay nya parin ako. It took me a while baby, pero andito na ulit ako.
From the airport, I went straight sa MOA to watch their game. Yes, I know na naging coach sya ng CCS. And I was very happy when I foud out about it.
Bihira magkwento sina mom about Jema, mostly sa mga anak ko lang. Kaya I'm not sure kung taken na ba sya o hindi. Okay lang naman kung jowa pa lang no? Wag lang kung kasal na. Pwede ko pang maagaw pag nagkataon.
Yes, ilalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya.
Tsaka.. hindi pa naman kami divorced. If ever na hingin nya yun, pahihirapan ko muna sya. Char!
Pero if ever na meron na syang bago.. hiwalayan na nya dapat yun. Char ulit. I'm just praying na sana wala pa. Malakas din naman ako kay Lord e.
I'm here now inside the arena. I heard also that Mitch is F2's coach din. Natuwa sya nung nalaman nya na andito na ako. She even sent me tickets para makanuod ako ng game nila. Ayos to! Nakita ko na yung kaibigan ko, makikita ko pa ang mahal ko.
Yes, you heard or you read it right. Hehe! Mich is just my friend. Later na lang yung paflashback ni author.
Ayun, yung ticket na binigay sa akin sa likod lang naman ng bench nila. Sosyal diba?
Ang worry ko baka makita ako ni Jema at kung ano pa ang isipin. Bahala na. At least andito na ako. Abot kamay ko na ulit ang babaeng mahal ko.
Pagdating ko pa lang sa arena, madami na ding tumitingin sa akin. Yung iba parang nagdadalawang isip pa kung ako ba talaga to. Haha.
Ang tan ko na kasi. Ikaw ba naman magstay sa Siargao ng 6 months hindi ka ba naman magkulay uling diba? Thanks to the next six months sa US at medyo nabawi ko yung nagastos kong pang gluta noon. Haha!
Nung nasa malapit na ako sa bench ng F2 nagulat ako nung nakita ko yung mukha ko sa screen na malaki. Shocks! Nahiya naman ako bigla kasi nagtilian at nagsigawan na yung mga tao dito. Kilala pa rin pala nila ako.
So no choice na ako kundi kumaway at magsmile sa camera.
Nung wala na yung focus ng camera sa akin, nakita ko yung reaction ni Jema nung tumingin sya sa screen. Halatang nagulat sya. Nasa kanya lang ang focus ko kaya alam na alam kong halos di na sya makapagconcentrate sa ginagawa nya.
I know her too well no! Alam ko yung effect ko sa kanya.
She was lost sa buong second set. Kaya natalo rin sila. Nawala sya sa focus. So I've decided na umalis na lang ng arena para di na sya tuluyang madistract.
I just came sa arena to see her again. Kahit sa malayo lang. Grabeh a year have passed pero yung ganda nya hindi parin kumukupas. How I wish I could hug and kiss her again.
Pero alam kong matatagalan pa yun. Gagawin ko ang lahat para balikan nya ako. This time, diko na sya bibitawan.
Umuwi muna ako ng bahay namin.
Yes, bahay namin ni Jema. Jema thought na binenta ko yun pero totoo naman. Ang di ko lang alam na ang buyer pala nun e si Ate Bei din.
Flashback
"Ate Bei, ito na pala yung bayad ko sa utang ko sayo. Galing yan sa pinagbentahan ko ng bahay at ng resto. Salamat talaga ha?" Naiiyak kong sabi sa kanya.
"Ang arte mo Deans! Halos parang kapatid na kita." Natouch naman ako.
"Hindi rin naman kita sinisingil. Tsaka..." Hindi pa nya natutuloy yung sinasabi nya, tumatawa na.
"Ang panget mo pala talaga pag seryoso no?" Aba loko to ah?
"Ha? Nag aadik ka na ba Ate Bei?" Nagtataka kasi talaga ako sa mga sinasabi nya.
"Kasi naman po Boss D, yang binabayad mo sa akin ngayon e, sa akin din naman galing. Hahaha! Ako yung buyer ng bahay mo no." Ha? Talaga ba? Pero bakit?
"Deans, I still believe that you will come running to me para tulungan ka kay Jema. Kahit ilang buwan kang magtago sa amin ni Pongs hindi mo kami matitiis. Matagal ko nang alam na may problema ka at di mo sa akin sinasabi. Kahit na ano pa yan, I understand you. Hindi kita ijujudge. Dahil alam ko one day, youll realize na mali lahat ng ginawa mong decision at babawi ka sa kanya, sa kanila.
So I bought your house. Para if ever balikan mo ang pamilya mo, anjan paren ang bahay nyo.
Madami kayong memories don ni Jema at ng mga inaanak ko. So I don't want you to just give up on that house. The house that you built for your future family. Diba yun ang sinabi mo sa dad mo noon?" Hindi na ako nakapagsalita. Ang haba ng sinabi nya pero sobrang natouched ako. Niyakap ko na lang si Ate Bei.
"Hoy Deanna Wong! May utang ka pa rin sakin kaya tigilan mo yang pagyakap mo sakin no." Natawa na lang din ako sa kanya.
End of Flashback

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
Storie d'amoreHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.