Diko maiwasan na mapangiti. Ang cute nilang tignan kasi ang saya saya ng dalawang anak ko.
Yung kaninang serious face ko, ngayon medyo naglighten up. Ewan! Iba talaga effect ni Deanna sa mga bata e.
"Uy Bes! Ganda ng kuha nung camera man no? Imagine nakafocus sayo tapos sumunod sa mga anak mo naman. Naks! 1 big happy family! Yieeeee!" Kiniliti pako sa kili kili. Pigilan nyo ako baka masapak ko to.
Natapos na yung game at nanalo kami. Tama pinagbigyan ko si Coach O ng isang set. Hehe!
Nung nagshake hands na mga players, pinuntahan ko din si Coach O at nakipagkamay.
"Isang set lang talaga binigay Mare. Babawi ako sayo! Sobrang inspired mo naman kasi ata. Hahah!" Pano ba naman simula nung nakita ko yung mag aama ko.. este sina Deanna, parang ginanahan ako bigla. Kung naglalaro lang ako. Baka ako ang POG ngayon. Hehe.
"Sorry Coach! Magagaling mga bata ko e. Yung 2 ko ba namang players e galing sayo. Kaya salamat ha? Haha!"
Pagtapos ng huddle sa dug out and post game interview, pinuntahan ko na rin yung pamilya ko. Dinala na rin nila yung gamit ko na gagamitin ko para sa outing. Para diretso na daw kami sa Batangas. Ewan ko sobrang excited ng mga to.
Nung nasa parking na kami, nakita ko na yung pamilya ko na parang may inaantay.
"Oh ano na? Kanina mga excited kayong umalis ah?" Gamit namin yung van namin para kumasya kaming lahat dito.
"Mommy, we're still waiting for Davi's special guest." Ha? Sino naman yun?
"Yes mommy! We're waiting for Dada po." Oh em gee! Bakit diko alam to. Nakita naman ni Davi na nakasimangot ako.
"Why mommy? You don't want Dada to come?" Nakapout pa na parang iiyak. Jusko! Ako ang kamukha nito ni Davi pero pag ganito sya, para silang pinagbiyak na kilay ni Deanna. Nakakainis!! Kayong mga Wong kayo tigilan nyo ang pagpout. Please lang!!!
(Uy, Mare baka nakakalimutan mong Wong ka parin.) Tse!
"Of course baby Dada can come with us." Nakita ko naman na lumiwanag mukha ni Davi tapos kiniss ako ng madami. Haaay! Ano pa bang magagawa ko.
Tsaka, anak naman nya to. So may karapatan pa rin sya. Medyo kailangan ko lang din dumistansya sa kanya kasi may bf na ako.
"Hi!" Bati sa akin ni Deanna. Bakit naman ganun mga lods. Hindi ko alam pero napatitig ako sa labi nya.
Inalis ko na lang yung tingin ko.
"Hi! Himala ata at nagpakita ka at di mo tinupad sinabi mo. Sabagay dun ka naman talaga magaling!" Aray ko! Biglang may sumabunot sa akin. Si Mama yun.
Naku! Ewan ko sayo Mama kung tong si Deanna ba talaga totoo mong anak e.
Nakakagulat yung pagsabunot ni Mama pero mas nakakagulat nung tumawa pa si Deanna sa sinabi ko. Nailing na lang din ako ng wala sa oras.
"Magchichikahan lang ba kayo dito o aalis na tayo?" Si Mafe. Excited yern? Di naman sya yung magbabayad.
Sasakay na sana ako ng van ng napansin ko na hindi pumasok yung dalawang anak ko.
"Heeeepp!! Where do you think you two are going? Sabay pa silang tumingin sa akin.
"In Dada's car mom." Si Dino. Anak naman, hindi kayo sanay na di ako kasama sa byahe e. Wag nyo naman pahirapan si Mommy please.
"Come on mommy! Let's go!" Si Davi. Ayan na nga ba sinasabi ko e.
"Jema, sumakay kana sa sasakyan ni Deanna. Hindi ka na kasya dito." Pag chineck mo yung sasakyan kasya pa sampu e. Kung jeep to pwede pang maging bente ang sakay.
"Bilis na!" Tinulak pa ako ni Mafe tapos biglang sumakay sa van at sinara na nila yung pinto.
"Bye Ate. Hinay hinay lang ah? Wag kang bibigay agad. Ang PAPI pa naman ng asawa este ex asawa mo." Mga buset kayo! Inirapan ko na lang sya.
Kahit ang bigat ng paa ko na pumunta sa sasakyan ni Deanna no choice na ako.
Inantay pako netong Wong na to sa labas ng kotse nya. Para pagbuksan ng pinto.
Sa likod sana ako sasakay pero..
Sina Dino at Davi nauna na sa akin sa loob ng kotse. So sa harap ako uupo talaga? Dino ikaw na lang dun please anak?
Pero alam ko nang di mangyayari kasi..
Yung 2 anak namin nasa bintana pa yung kamay at nakasilip saming 2. Na kala mo may pinapanuod na magandang palabas e.
Arggghhh!!! Nakakainis talaga!
"Shall we?" Si Deanna na todo ngiti pa. Akala mo cute ka. Tse!
Pumasok na ako ng kotse at umupo na. Sa sobrang inis ko hindi ko na napigilan ang sarili ko na takpan yung mukha ko.
Maya maya..
Bigla ko na lang naramdaman na parang may nakatingin sa akin. Diko na pinansin. Hahayaan ko na lang sana. Nung pagtanggal ko ng kamay ko sa mukha ko. Nakita ko yung mukha ni Deanna ang lapit na sa akin. Nakatitig lang sya.
Kaya.. napalunok ako.
Parang bigla naman akong kinabahan. Teka.. anong ginagawa mo. Andito mga anak naten.
(Mare, yun talaga concern mo?) Tumigil ka jan Author!
Palapit nang palapit si Deanna sa akin. Yung 2 anak ko nadidinig kong naggiggle pa sa likod. Pati kayo kinikilig? Jusko. Di pa ako ready dito. Tutulak ko na sana sya para ilayo yung mukha nya sa akin nang bigla syang magsalita.
"Seatbelt please!" Tapos sabay alis sa harap ko. Buset na to talaga e!
Nakita ko sa peripheral vision ko na natatawa sya pero pinipigilan nya. Nakakainis! Naisahan nya ako doon.
Habang yung 2 sa likod hagikgik ng hagikgik, habang ako naman dito pulang pula. Haaay! Pano ba kaininin ng lupa?
(May ibang gustong kumain sayo Mare. Ayaw mo lang!) Woi author! Madinig ka ng mga anak ko. 🤣
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.