22

808 18 1
                                    

Jema's POV

Dahil sa nakita ko si Deanna sa arena, diko mapigilan ang sarili ko na tawagan si mommy. After namin maghiwalay ni Deanna, wala na akong naging balita sa kanya. Sina mommy at daddy naman umuwi din ng US siguro mga 5 months ago din. Medyo matagal nga sila doon e. Akala ko dito na talaga sila titira since bumili na sila ng bahay malapit kina Ate Cy.

Mommy Judin calling...

Jema: Hi mommy! Kamusta po kayo? Nakauwi na po kayo dito?

Judin: Hi! Anak! Actually, kakadating lang din namin dito kagabi. Kamusta ka? Yung mga apo ko? Miss na miss ko na kayo anak!

Jema: Miss na miss na din po namin kayo. Ahmmm mom? Pwede po ba kaming dumalaw ng mga bata jan? Hinahanap na po kasi nila ang GrandLa at GrandLo nila e.. heheh!

Judin: Naku anak! Kami na lang ang pupunta jan sa bahay ninyo. Bukas na bukas din. Magpapahinga lang muna kami ng daddy mo at pareho pa kaming may jet lag.

Jema: Okay po. Ahmmm...mommy?

Judin: Yes anak?

Jema: Ahh.. wala po. Sige po mommy. Ingat po kayo palagi. See you po.

Judin: See you anak!

End call

Gusto ko pa sanang kamustahin si Deanna. Wala lang, parang nacurious lang naman ako what happened to her. Ganun lang. Hanggang dun na lang talaga yun.

And besides, masaya na ako ngayon.

1 message received

"Hon, I'm outside your house. You forgot our dinner tonight?" Shocks! Oo nga pala, may dinner nga pala kami ni John Vic. Yes, may boyfriend na ako. Si JV, dati din syang volleyball player. Kasamahan namin ni Ate Mela dati sa Virtual Playground.

Di na ako nagreply at agad na akong lumabas. Nakita ko sya sa labas ng kotse nya. May dalang bulaklak.. sweet naman.

"Hi Hon!" Sabay kiss ko sa pisngi nya. Hinawakan ko yung pisngi nya kasi mukhang nagtampo kasi nakalimutan ko yung dinner namin.

"Wag ka na magtampo hon. Nawala lang talaga sa isip ko dahil sa game kanina." Shocks! Baka isipin nya dahil nakita ko si Deanna.

Pero hindi sya ganun. Kasi napakaunderstanding nyang tao. Di nga ata to marunong magselos e.

Nakita ko di pa rin sya nagsasalita. Kaya niyakap ko sya. Naramdaman ko naman na yumakap na rin sya. Yieee! Kinilig.

"Okay na ba ang honey pie ko?" Sabay pisil sa pisngi nya at nagsmile na sya.

Inabot na nya sa akin yung bulaklak. Kaya napangiti na rin ako.

"Tara na hon. Ang arte arte mo. Hahaha!" Saka sya tumawa at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Nasa sala sina Dino at Davi. Si Dino nanunuod ng volleyball, si Davi naman naglalaro.

"Dada JV!!!" Haha! Dada talaga ang tawag nya kay JV. Halos nasubaybayan na rin kasi ni JV and paglaki ni Davi kaya parang sya na yung tinuturing na Dada ni Davi at hindi si..

"Hey buddy! How are you? I missed you!" Kinarga nya si Davi at hinalikan. Saka nya binaba si Davi.

Napansin nyang di sya sinalubong ni Dino at nanunuod pa rin ng TV.

"Mommy Jema, I think someone's making tampo here." Kunwari nag iisip pa kami pero nakatingin kami lahat kay Dino. Alam na nya kasi mangyayari after nito e.

"Dada JV. Stop! Don't come near me!!!" Nagtatatakbo na sya sa sala. Kasi alam nya hahabulin sya ni JV at kikilitiin.

Nung nahuli sya nito, kiniliti na sya ni JV at nakisali na rin si Davi. Tawa lang sila ng tawa.

Ang sarap nilang panuorin. Nakakakilig!

Nung napansin nilang nakatingin lang ako..

"Stop! Tigilan nyo ako ah?" Yung 3 nagtinginan pa muna. Akmang aalis ako pero wala e.. ang bibilis nila.

Ayun.. wala na akong nagawa kundi humagikgik kasi wala na silang tigil sa kakakiliti sa akin.

Natigil lang sila nung.. may nadinig silang tumunog na tyan.

"Looks like someone's hungry!" Hahaha. Sabay sabay kaming tumingin kay Davi.

Tapos bigla syang tumawa, singkit na singkit at walang mata. Ang cute cute ng anak ko.

Ang saya saya namin pag ganito lang. Simple lang yung bonding pero alam mong worth it.

Hindi na natuloy yung dinner namin sa labas. Dito na lang sa bahay kasi nanuod na yung 3 ng cartoons.

Ewan ko pero ganitong ganito din sila nila Deanna noong magkakasama pa kami. Yung kilitian at cartoons bonding nila. Diko maiwasang maicompare sila. Ang tanging kaibahan lang siguro nila.. kaya akong panindigan ni JV kahit na hindi nya tunay na anak yung dalawa.

Kaya hindi ko ren talaga maiwasang mahulog ng tuluyan kay JV. Hindi dahil sa nakikita ko yung ginagawa nya ngayon sa ginawa noon ni Deanna pero, dahil na rin sa pagmamahal nya sa mga anak ko.

Nakakatuwa silang panuorin. Si davi nakahiga yung ulo sa lap ni JV, si Dino naman nakasandal kay JV. Habang yung kamay nya nakaakbay din kay Dino. Sa sobrang sweet nila sa isa't isa, aakalain mong mag aama sila.

I can say na ang swerte ko kay JV kasi tanggap nya ako pati mga anak ko. Mahal na mahal nya yung 2 bata. Alam ko masyado pang maaga pero sa tingin ko, kung magtatanong si JV, ready na ako. Ready na ulit akong magpakasal.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon