21

829 20 6
                                    

Dahil napamahal na din sa akin si Ysa, para ko na syang bunsong kapatid, hindi ko mapigilang magalit kay Josh. Kahit hindi naman talaga dapat.

Kahit na ano pa yung pinagdadaanan nya, hindi nya dapat saktan ang asawa at pamilya nya.

(True yan. Diba Boss D?) 😭

Nang mahimasmasan si Ysa, pinatulog ko na sya at saka lumabas ng kwarto.

Madami akong naiisip sa mga oras na to. Naiinis ako, nagagalit. Pero nakakagulat kasi parang kaya ko nang controllin ang emotions ko. Hindi katulad dati. Na pag gantong mataas ang emosyon ko, bigla na lang sumasakit ang ulo ko at lagi kong hinahanap ay alak.

Pero ngayon, mas nakakapag isip na ako. Mas malinaw sa akin ang mga desisyon ko.

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay. Iniwan ko muna sina Ysa doon at ang mga anak nya. Balak kong puntahan si Joshua.

Kumatok ako sa pinto ng bahay nila Ysa. Binuksan ni Joshua ang pinto. Kita mo din sa mga mata nya ang lungkot at halatang umiyak.

"Joshua, pwede ba kitang makausap?" Tumango naman sya at pinapasok ako.

Kilala naman na nya ako. Madalas daw akong ikwento ni Ysa sa kanya.

"Gusto mo ba ng kape? Boss D?" Natawa naman ako. Kasi ang laking tao pero mukhang takot sa akin.

Tumango na lang ako at ngumiti.

Habang umiinom ako ng kape..

"Kamusta na si Ysa, ang asawa ko? Pati mga anak ko?" Nagulat ako nung nakita kong nagpupunas na sya ng luha nya.

Tumahimik ako saglit at tinignan sya. Humanap ako ng magandang timing para magsalita ulit.

"Josh, bakit?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Hindi ko na din alam Boss. Pakiramdam ko wala akong kwentang ama at asawa." Malungkot na sabi nya.

Kinuwento sa akin ni Joshua ang nangyari sa kanya. Simula nung niloko sya ng kasamahan nya, hanggang sa mawalan sya ng trabaho. Halos mabaliw na daw sya noong nasa barko sya at gusto na lang nyang tumalon sa dagat para mamatay..

"Alam mo yung pakiramdam na wala na akong silbi? Yung kahihiyan ko na uuwi ako dito pero magiging pabigat lang din naman ako sa pamilya ko.

Sana namatay na lang ako nun e. Bakit kasi niligtas pako ng kasamahan ko nung aksidente akong nahulog sa dagat e. Edi sana milyonaryo na si Ysa. Dahil may insurance naman ako. Edi sana hindi maghihirap ang pamilya ko kahit mawala ako."

"Pakiramdam ko mas mahihirapan lang din ako kung andito nga ako pero wala naman akong maibibigay na mabuting buhay sa pamilya ko." Tumatango ako kay Josh, kasi parehong pareho kami ng naramdaman noon.

Ramdam na ramdam ko yung pagsisisi nya. Yung takot nya na magiging pabigat lang sya sa pamilya kahit sya dapat ang mag angat sa buhay nila bilang padre de pamiya.

Tuluy tuloy lang ang kwento ni Joshua pero pakiramdam ko iba na ang tumatakbo sa isip ko. Ganito din ako noon. Naisip ko din na sana namatay na lang ako kesa maging failure lang sa pamilya ko.

"Alam ba ni Ysa yung muntik ka nang mamatay?" Naiyak ako sa sagot na nadinig ko.

"Hindi, hindi ko sinabi sa kanya. Kasi alam na alam ko magiging sagot nya e."

Mas gugustuhin ko pang maghirap na kasama ka. Kesa yung mabuhay ako nang di ka naman namin kasama."

"Malamang yan ang sinabi nya sa akin." Dagdag pa ni Josh.

"Nung nalaman ni Ysa na wala akong naiuwing pera galing sa pagseseaman ko.."

Kahit ano pang nangyari sayo. Kahit maghirap tayo magkasama lang tayo. Tayo ng mga anak mo. Okay na sakin yun. Okay lang sa akin, sa amin. Ikaw ang gusto ko hindi ang marangyang buhay na gusto mo. "Yan yung sinabi nya sa akin."

Nashock ako. That hit me.

Parehong pareho sila ng sinabi. Diko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak.

Hindi na nagulat si Joshua sa naging reaction ko.

Bumalik lahat ng memories namin ni Jema. Lahat ng mga sinabi nya sa akin noon nung kinasal kami.

"Alam kong nasaktan ko si Ysa, Boss D. Pero babawi parin ako sa kanya at sa mga anak ko..magsisimula kami ulit. Hindi ako pwedeng sumuko lang dahil sa pagsubok na to. Mas matindi ang pagmamahal ko sa pamilya ko kaya lalaban ako." Sa tagal ko dito natuto na talaga akong magtagalog at makaintindi ng tagalog.

Napayuko na lang din ako sa sinabi ni Joshua sa akin. Parang nahiya ako sa kanya. Alam mo yung feeling na pinamukha nya sa akin ang mga bagay na dapat ginawa ko noon. Hindi yung iniwan ko na lang si Jema at ang mga anak namin.

"Hindi ko hahayaan na yung pagmamahal ni Ysa sa akin e, sasayangin ko lang. Sya ang buhay ko.

Nung kinasal kami, sinabi ito ni Ysa sa akin.

Na sa bawat pagsubok na dadating sa atin.. lagi kong kakapitan ang pagmamahal ko sayo. Na kahit sobrang hirap na iintindihin kita, at mamahalin pa rin kita." Napatingin ako sa kanya ulit.

Bakit parehong pareho sila ng sinabi. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahalan nila. Napangiti ako. Ganun din si Josh.

Maybe, narealize na nya ang dapat nyang gawin.

"Kaya Boss D, ikaw din ilaban mo yan. Deserve mo rin naman ng 2nd chance. O kung 3rd pa yan o 4th.. pag mahal mo madaming chances dapat. More chances of winning. Hahah!" Nakita ni Josh na parang nagtataka ako. Nasabi nyang naikwento na rin sa kanya ni Ysa yung about samin ni Jema nung nasa barko pa daw sya.

Ngayon naman nagtatawanan na kami ni Josh. Para kaming baliw dito.

"Boss D, alam ko magiging mahirap ang lahat. Pero  pag nagmamahal ka, kasama doon ang pagtanggap mo na nagkamali ka at maluwag sa puso mo na tanggapin kung anuman yung magiging desisyon nya. Ibigay mo lang yung pagmamahal na kaya mong ibigay o ang nararapat para sa kanya. Kung di nya tanggapin ulit, okay lang. At least napakita mo sa kanya yung pagmamahal na sa kanya mo lang gustong ibigay." Wow! Ang lalim pero gets na gets ko yun.

Parang may nabuhay na pag asa sa akin. Hindi lang para kay Ysa kundi para na rin kay Jema. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti.

Babalik ako Jema. Aayusin ko muna ang sarili ko. Pag okay na ako. Babalikan kita. Pangako, Baby ko.

Pero sana hindi pa huli ang lahat. Sana ay maantay mo pa ako kasi this time.. hindi na ako bibitaw.

This time.. Paninindigan na Kita!

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon