Days have passed and malapit na magstart ang PVL. Madami ang nagsasabi na kami nga daw ang team to beat. Sana nga. Sana maging maganda ang season namin. Lalo na first time kong magcocoach.
Andito kami ngayon sa presscon ng PVL. Ang daming teams ang andito. May mga bago ng teams simula nung huling beses na naglaro ako. Madami parin namang pamilyar na mukha ng mga players para sa akin kasi I still watch PVL parin naman kahit dati pero yung ibang mga coaches diko na talaga kilala.
Isa isang nagsidatingan ang mga players and coaches dito. Nagulat ako nung nakita ko sya.
"Kyla, totoo ba to? Bakit andito sya?" Nagtataka talaga ako. Wala naman akong nabalitaan na part sya ng coaching staff ng F2.
"Diko alam bes! Last minute changes daw ang balita ko jan e." Nakakaloka! Akala ko never ko nang makikita ang pagmumukha nya.
Nagkatinginan kami. Yung mata nya, nahihiya parin hanggang ngayon.
I looked at her, yung tingin na nakakamatay. Kung nakakamatay yung tingin ko nakaburol na to kanina pa.
"Easy lang mare. May time pa tayo para kalbuhin yan. For now, smile muna tayo. Oki?" Nagsmile na lang din ako pero alam mong plastik lang.
Natapos na din yung presscon. Lahat ay very hyped and excited. Mukhang magiging maganda ang labanan ngayon kasi kita mo talagang ang lalakas ng bawat teams. Lalo tuloy akong napressure. Haaay! Sana kayanin ko.
Isa isa nang nagsilabasan ang mga players and coaches. Isa kami ni Kyla sa nagpahuli na lumabas. Ayoko kasing makita pa sya ulit at makasabay.
Habang naglalakad ako papuntang parking...
"Jema.." Tang ina! Alam ko yung boses na yun. Sa lahat ng taong kakausap sakin.. eto pa.
"What?" Nakacross arms ako at galit akong humarap sa kanya.
"Ahmmm.. I just want to say...I'm reallys sorry for what happened nung gabing yun. If you wi.." Tinaas ko yung kamay ko para sumenyas na tumigil sya.
Madami akong dapat pang asikasuhin sa buhay ko. At hindi sya kasama doon.
"Una, sa lahat. Wala akong time para pakinggan ang paliwanag mo. Second, wala na akong pakialam sa kanya. 3rd, wag na wag mo na ulit akong kakausapin." Mataray kong sabi sa kanya.
"Goodluck and it's so not nice seeing you again.. Michelle!" Tumalikod na ako at binilisan ko yung lakad ko.
Jusko sa lahat ng makikita ko sya pa. Inis na inis ako habang hinahataw ko yung manubela ng kotse ko. Magsama kayong 2 mga hayup!
3 days later
First game namin ngayon at gaganapin pa sa MOA. Nakakaloka ang laki ng venue so expected talaga na dadagsain ng tao ang game namin. Lalo na at F2 pa kalaban namin. Naalala ko pa na after namin magretire noon, bawat season F2 lang lagi ang nakakatalo sa Creamline. Kaya additional pressure pa lalo to sa akin.
"Bes, kalmahan mo ang petals mo! Kaya natin to!" Natawa naman ako bigla kaya medyo nawala yung kaba ko.
"Okay girls, listen up! Stay with the game plan okay? Just be happy sa loob, no pressure tayo. Laro lang! Okay?"
"Creamline... Happy!!"
Then nagstart na yung game. Ang ganda ng depensa ng F2. Kahit binabaon na ng mga spikers ko mga palo nila, narereceive parin kahit minsan wala na yung libero nila sa loob.
Close ang set 14-16 lamang kami ng 2. Biglang nag time out ang F2. Sya nga pala, si Mich Cobb ang coach nila. Kaya added motivation ko talaga to, to win the game.
Bawat maling calls nagchachallenge talaga ako. Lagi kong tinatanong ang mga players ko bago ako magchallenge. Kaya laging successful ito.
Nasa final play na kami ng 1st set ng bigla akong kabahan. Naramdaman ko na to noon e. Gantong ganto yun e..
23-24 ang score, at nasa match point na kami.
Hindi ko alam pero parang biglang tumigil ang oras, biglang tumibok ang puso ko. Nagising lang ako sa ulirat nung narinig ko nang..
Biglang nagsigawan ang mga tao sa loob ng arena. Lahat ng players, fans ay nakatingin sa malaking screen. Kinakabahan man ako pero.. unti unti kong tinaas ang ulo ko at tumingala.
Nagulat ako sa nakita ko.
There... I saw.. I saw her again. Si Deanna..
Nakatitig lang ako sa screen. Yung taong pilit kong kinalimutan ng 1 taon, andito na. Napangiti ako ng mapait. Erase.. nakaramdam ako ng inis.
Napatingin ako sa mukha nya.. She looks great ah? Sana all. Sabe ko na lang sa sarili ko.
Kumaway sya at nagsmile sa camera. Nagtilian at nagsigawan naman ang mga tao dito. Nakita ko syang umupo sa likod ng bench ng F2.
Wow! Talaga ba? Edi kayo na! Nasa ganun akong pag iisip nang tapikin ako ni Kyla.
"Bes, yung kilay mo. Nagsasabunutan na naman. Teka.. parang nasabi ko na to dati." Sabay tawa nya. Kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Ahmmm.. coach?" Si Bella. Diko namalayan tapos na pala yung first set at nanalo kami.
Hindi ako agad nakapagbigay ng instructions kaya si Kyla na lang ang nagsalita.
Nagsimula na yung 2nd set pero yung utak ko lumilipad parin.
"Bes, baka naman pwedeng ibaba mo yung kilay mo. Baka magulat na lang ako may inispike ka na sa likod ng bench ng F2." Tawang tawa pa talaga sya sa joke nya e.
"Tigilan mo ako Kyla. Baka makapatay ako ng wala sa oras ngayon." Sabay tingin ko na lang sa mga players ko.
"Araayy! Ang harsh ng bes ko." Diko na sya pinansin. Kahit kelan talaga e.
Natapos yung game na halos wala akong naiambag. Nanalo kami 3 sets to 1. Nakuha nila yung 2nd set kasi halos wala na ako sa sarili ko nun. Bumalik lang ako sa ulirat nung diko na sya makita sa arena.
Umalis na kaya sya? Nasa ganun akong pag iisip nung siniko ako ni Kyla.
"Ano na naman?" Pasigaw kong sabi kay Kyla habang papasok kami ng dug out.
"Alam mo bes, ikaw lang yung nanalo pero yung mukha mo parang naeliminate na agad tayo. Ayusin mo yang fes mo at may post game interview ka pa." My gosh! Oo nga pala.
Best player namin ngayon si Faith. Andito sya kasama ko sa media room.
"So Jema, how does it feel to be back here sa PVL pero this time as a coach naman?"
"Ahmm.. Honestly? Mixed emotions e. Dati naglalaro lang ako, pumapalo nagrereceive, ngayon iba na. Sa akin na sila nakikinig." Sabi ko.
"Ako na rin ang nagpapahirap ngayon. Haha!" Biro ko pa.
Natawa naman yung mga tao dito. Si Faith, tango pa ng tango. 🤣
"How does it feel naman na yung mga dating players na kalaban mo noon e kalaban mo pa rin ngayon pero as a coach naman. Just like Mich Cobb?" Bakit di mo rin kaya tanungin kung anong nararamdaman ko para jan sa Mich Cobb na yan.
Ramdam ko na nagbago yung facial expression ko kaya medyo sinimplehan ako ni Faith. Bumalik naman nako sa ulirat ko.
"It feels good knowing there's still competition between us. Trabaho lang walang personalan. Hahaha!" Yikess! Bakit ganun ang naging sagot ko? Jusko. Hello bashers again Jema.
Natapos na yung interview.
Just like I thought, sumabog na naman nga ang notifications ko. Ilang taon din akong natahimik lalo na nung nagretire na ako..
Well, part naman talaga ng buhay ito. May mga sisira sayo, magsasabi ng masasakit na salita, may magmamahal sayo tapos sa huli iiwan ka lang din naman.
(Wow hugot yorn?) Oh hey there author!
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.