36

972 31 1
                                    

"Patawarin nyo po sana ako sa nagawa ko. Yun na lang po ang naisip ko na tanging paraan nun para hiwalayan ako ni Jema." Nakayuko ako habang sinasabi yun.

"Bakit di mo sa amin sinabi anak? Para sana natulungan ka namin. Hindi man kami mayaman sa pera Deanna, pero kaya ka namin bigyan ng pagmamahal na kailangan mo at kayang ibigay ng isa pang magulang." Malungkot na sabi ni Tita Fe.

"Sorry po Tita. Sobrang gulo po ng utak ko noon dahil sa sakit ko. At yun lang po yung tanging paraan na naisip ko nun para maisalba ang buhay ni Jema at ng mga anak ko."

Niyakap ako ni Tita. Si Tito Jessy tahimik pa rin. Si Mafe naman nagexcuse muna at chineck yung mga pamangkin nya.

"Deanna.." Si Tito Jessy.

"Ngayon, naiintindihan ko na ang ginawa mo. Siguro kung sa akin nangyari yun e.. Hindi ko gagawin. Hindi mo dapat kinakalimutan na isama ang asawa mo sa lahat ng bagay. Mag asawa kayong dalawa ni Jema. Dapat ay magkasama kayo sa hirap at ginhawa. Para bang hindi mo binigyan si Jema ng pagkakataon na ipakita sayo ang pagmamahal na kaya nyang ibigay sayo." Naluluha na rin si Tito Jessy.

"Nakita ko kung paano nahirapan si Jema na ibalik yung dating ngiti sa mga labi nya nung nawala ka. Pasalamat na lang din kami at may iniwan kang mga anak sa kanya na syang naging inspirasyon nya sa lahat ng bagay simula nung iniwan mo sya.

Pero alam kong alam mo na nagkamali ka sa desisyon na yun." Tinapik ni Tito Jessy ang balikat ko. Patuloy lang ako sa pag iyak.

"Ngayon, masaya na si Jema sa piling ni JV. Sana hayaan mo ang anak ko na lumigaya kahit hindi na ikaw ang kasama nya." Tanggap ko naman na ang lahat. Malungkot pero kakayanin.

"Alam kong kasal parin kayo at may anak kayo. Pinapatawad na kita Deanna. At sana.. patawarin mo rin ang srili mo." Tumingin ako kay Tito Jessy. Nagpunas na rin sya ng luha nya.

Si Tita Fe naman tahimik lang. Ganito talaga silang dalawa. Si Tita Fe, madalas na nagsasalita. Si Tito Jessy minsan lang magsalita pero pag nagsalita na alam mong malalim ang sasabihin nya palagi.

"Pasensya kana anak kung di ka na naantay ni Jema ha? Sana maging magkaibigan kayo kahit para sa anak na lang ninyo." Hinawakan ni Tita Fe ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim.

"Tanggap ko naman po Tita na may iba na pong mahal si Jema. Ang gusto ko lang po ay mapatawad ninyo ako, ng mga anak ko at lalo na po ni Jema.

Kung si JV na po ang para kay Jema. Andito lang po ako para suportahan sila." Malungkot na sabi ko.

Niyakap ako ni Tita Fe. Kahit na ganito ang sitwasyon ko ngayon. At least napatawad na ako ng parents ni Jema.

"Pwede mo parin akong tawaging Mama Fe. Hindi kana iba sa amin Deanna."

Salamat Lord at okay na ako sa mga parents ni Jema. Tama sila kahit hanggang kaibigan nalang okay na ako doon.

Nagbonding na lang kami dito nila Mama at Tatay. Yes pati si Tatay, sabi nya tawagin ko na din daw syang Tatay ulit. Ang panget daw kasi pag Tito. Hahaha.

Saglit na oras lang ang tinagal ko dito at nagpaalam na rin ako na uuwi na ng bahay. Nakiss ko na rin mga anak ko tulog na kasi. Maya maya lang...

"Deanna? Anong ginagawa mo dito?" Alam nyo na kung sino yun.

Jema's POV

"Deanna? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Mukhang paalis na to kasi nakasalubong ko sya sa may pinto.

"Ahhh Jema, dinalaw ko lang sina Dino at Davi." Buti buhay pa to.

"Oh, okay ka lang ba? I mean dika ba sinaktan ni Tatay?" Chineck ko pa yung mukha nya. Pero syempre hindi ko sya hinawakan masyado.

Ngumiti naman sya bigla. Nagulat ako. Kasi parang may kakaiba akong naramdaman.

Teka.. erase! Erase!

"Okay lang Jema. Di naman ako nabugbog. Hahaha!" Aba! Patawa tawa ka pa talaga ah?

"Kinausap ko lang sina Mama at Tatay!" Ay wow! Close na kayo? Nakita naman ni Deanna yung mukha ko na nagtataka.

"Alis na ako Jema. Don't worry, walang bugbugan na nangyari." Tumatawa pa sya nung nasabi nya yun. Bakit ganun parang walang lumalabas sa bibig ko.

"Ahh.. Deanna.." sabi ko. Pagkaharap nya..

Bigla akong hinalikan ni Deanna. Napaatras ako. Hindi ko alam pero nawalan ako ng lakas para pigilan sya.

Mapusok yung mga halik nya. Nadadala na ako. Sa sobrang sarap ng kiss nya napabuka yung bibig ko saka nya pinasok yung dila nya sa loob. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umungol.

"Jema.. Jema..?" Nagulat ako kasi nasa harapan ko lang si Deanna. Anong nangyari?

"Kanina pa kita tinatanong may sasabihin ka ata e." Hindi ko alam kung gano katagal yun. Did I just imagine myself kissing her? Naku! Mali to.

"Ahh.. wala. Sasabihin ko sana na birthday na ni Davi next week. Sana makaattend ka." Yung tingin ni Deanna sakin kakaiba.

"Of course! I won't miss it for the world. See you Jema." Nagulat ako nung kiniss nya ako sa pisngi.

Lumabas na sya ng gate at tuluyan nang umalis.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon