38

971 31 6
                                    

Anyway, wala naman tayong magagawa. Kaya binigay ko na lang sa kanya yung address at nagstart na magdrive.

Tahimik lang sya at hindi ako kinakausap. Kaya nagstart na lang ako ng topic.

"Ahh Je.." Naputol yung sasabihin ko.

"Bakit dito mo ako dadalhin?" Biglang sabi nya sa akin. Halatang galit sya. Pero bakit?

"Ahh.. kasi ano e.. ahmm.." Hindi ko alam sasabihin ko e.

"Akala mo ba hindi ko alam tong address na to?" Syempre alam mo asawa kita e.

"Jema, I'm sorry! Gusto ko lang naman na isuggest na jaan sana natin gawin yung party ni Davi." Nakakatakot pag ganito si Jema.

Hindi na lang sya kumibo. Hindi sya nagsalita simula nun hanggang makarating kami sa resto.

Pagbaba nya.. nakatulala lang sya.

Tapos bigla syang tumingin sakin nung nasa likuran na nya ako.

"Toi et Moi?" Hindi ko mabasa yung mukha nya.
Kaya nagdahilan na lang ako.

"Tara na Jema. Pasok na tayo." Hahawakan ko pa sana sya sa likod kaso hindi na lang. Nakakapaso na yung tingin nya e what more pa yung katawan nya.

Pag pasok namin. Binati kami ng mga staff doon. Nakatawag ako ahead of time na magpretend sila na hindi nila ako kilala. Ayokong malaman ni Jema na sa akin tong resto na to. Para saan pa?

Okay na sakin to yung nakakasama ko sya at nakakausap.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit maayos parin ang pakikitungo sa akin ni Jema simula nung magkita kami sa bahay ni Ate Jia. Although I tried to talk to her at ayaw nya.

Pero thankful pa rin ako na kinakausap nya ako ng kahit casual lang though alam kong nasaktan ko sya.

"Ang ganda dito ah! In fairness." Natuwa naman ako kasi nagustuhan nya yung resto namin.. resto ko pala. Iniba ko na lang ulit ang usapan para hindi na nya ako matanong about dito.

"Ahhh Jema, order ka na." Tumingin naman na sya ng menu. Nagulat ako na napatingin sya sa isang page ng menu. Ang tagal nya bago nagsalit at nakakunot pa yung noo bago tumingin sa akin.

"Eifel for You?" Tanong nya sa akin.

Yun kasi yung isa sa best seller namin. Which is yung buttered shrimp ala Jema. Yes, yung eksaktong timpla ni Jema pag nagluluto sya para sa akin noon. Favorite kasi namin to pareho.

Hindi ko alam kung kumunot ba noo nya kasi buttered shrimp lang naman yun o dahil sa pangalan nung dish na Eifel for You. You know naman na mahalaga samin pareho yung lugar na yun.

"Mukhang masarap Jema. Gusto mo to diba?" Tinignan lang ako ni Jema at inirapan. Jusko! Meron ba sya ngayon? Apakasungit!

Nag order na rin ako ng favorite din namin na steak.

After 30 minutes naserve na sa amin yung food.

Tahimik na naman si Jema. Kanina, nagkkwento na sya about kina Dino at Davi e..

Tingin pa lang nya sa food. Alam kong naalala na nya e.

Kinuha na nya yung spoon and fork nya atsaka nagsimulang tikman yung pagkain.

Nagulat ako nung bigla nyang binaba yung fork nya.

"Sayo ba tong resto na to?" Nagulat ako sa tanong nya. Nakatingin lang sya sa akin na para bang iiyak.

"Sayo ba to Deanna?" Hindi ko na nagawang magdahilan kaya tumango na lang ako.

Biglang tumayo si Jema at tuluy tuloy na lumabas ng resto. Sinundan ko naman sya agad.

"Jema!!" Tinry kong hawakan ang kaliwang kamay nya. Ang bilis lumakad.

"Jema ano ba?! Mag usap naman tayo nang maayos! Bakit ka ba nagwawalk out?" Nakarating na kami ng parking.

"Bakit mo ba ako dinala doon ha? Deanna! Konting respeto naman may bf na ako." Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"What did I do ba? Niyaya lang kita dito. May masama ba doon?" Medyo nainis na rin ako e.

"Meron! Kasi lahat ng andon sa resto na yun ang nagpapaalala sa akin ng lahat ng meron tayo noon." Natulala na lang din ako sa sinabi nya.

Jema's POV

"Ano bang akala mo na kapag dinala mo ako dito, pinakaen mo sakin yung mga paborito nating pagkaen noon e, okay na ulit ako. Okay na ulit tayo?

I tried to be civil with you kasi nirerespeto parin kita dahil may anak tayo. Pero hanggang dun na lang yun. Kasi wala na akong planong balikan ka pa!

Anong tingin mo sa akin Deanna? Na pag okay kana kaya mo na lang balikan nang ganun ganun na lang? Tapos pag ayaw mo na ulit iiwan mo na lang din?" Nagsisimula nang pumatak ang mga luha ko. Pero kailangan kong pigilan. Kailangan kong ipakita sa kanya na totally nakamove on na ako.

"Hindi na ako yung babaeng iniwan mo noon."

Kitang kita ko sa mukha ni Deanna yung lungkot. Alam kong nasaktan ko sya. Pero mas malala ang ginawa nya sa akin noon.

Huminga sya ng malalim. Alam mong nagpipigil na rin ng luha.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon