46

1K 38 8
                                    

"Thank you!" Sabi ni Deanna. Sabay kuha ng 2 plate galing sa amin nung girl na kasama nya. Expected na nya kasi na bibigyan ko sya ng food kaya nakaabang na yung kamay ni Deanna.

Ewan ko kung napakilala na sa akin to. Pero silang lahat dito kilala na sya.

"Ahmmm excuse me? Who are you again?" Nakakunot noo ko pang sabi. Nakatingin naman sa akin yung girl pero nakangiti.

Si Deanna nakayuko naman parang baliw. Takot kang ipakilala bago mong kalandian?

Si Mafe at Ate Jovs kita kong nagpipigil ng tawa. Kaya pinandilatan ko ng mata pareho.

"Jema siya nga pala si..." I cut her. Kausap ko ba sya? Tinignan ko ng masama tong katabe ko.

"Ikaw ba tinatanong ko?" Medyo mahina lang baka sabihin ng mga anak ko ang rude ko sa Dada nila.

"Mommy, she's Tita Christine." We already met her a few times already. Si Dino yun.

Ay wow! Napakilala na pala sa mga anak ko iba din ang Deanna Wong!

"She's my.." I cut her again. Wala akong pake.

"Oh, okay." Tumahimik na ako at kumuha na ng food ko.

Napapansin ko naman na parang di mapakali si Deanna. Kaya kinalma ko na rin sarili ko. Alam nyo na takot sakin tong asa.. ex ko e.

Habang kumakain kami, panay ang tawanan nila. Ako naman hindi nakikinig. Bahala kayo jan.

"Ahmmm Jema? I heard you're coaching pala?" Nakatingin na silang lahat sa akin. Since ayoko namang maging rude, sasagutin ko na lang ang tanong nya.

She sound nice naman ewan ko bakit naiirita ako sa kanya. Kahit first time ko lang syang nakita.

Napatingin ako kay Mama na parang sinasabi nya sa akin na..

"Umayos ka jan, andito mga anak mo." Panay kasi ang tingin nya dun sa 2 anak namin.

"Yeah! I'm coaching Creamline. Dati naming team ni Deanna." Tumango naman si Deanna at nagkwento na rin.

Daming kinuwento. Yung love story natin sana sinama mo na rin. Arggghhh!! Naiinis talaga ako.

"Wow! That's wonderful. I used to watch volleyball then before I went to the US. Siguro about 3 years ago. But last year when Deanna and I met yun na lang ulit yung time na nanuod ako ng volleyball. Pinilit ko na kasing kalimutan yun e." Bakit parang may hugot sya?

"Wow! Last year kayo nagkakilala at sa US pala ha? Hmmmm.." Tinignan ko lang si Deanna and said..

"Good for you!" Mukhang confused naman si Christine bakit ganun yung nasabi ko. Yung isa naman dito di na maipinta yung mukha.

"I mean, good for you kasi nakita mo sya last year ako kasi.."

"Ahhh Jema anak, pakikuha mo nga yung hipon. Tapos tikman mo na din. Para kasing may ibang lasa e." Si Mama. Alam ko naman na pinapatigil na nya akong magsalita pa. Panay ang salita ng mata at kilay nya sa akin e.

"Parang ang paet nga ng hipon Ma!" Tapos tumingin sa akin si Mafe habang tumatawa.

Okay, okay, titigil na ako. Tinignan ako ni Mama na parang nagbabanta.

Si Mafe naman di makatingin sakin. Isa pang hirit mo papasok ko sa bibig mo tong hipon na sinasabi mo.

Nagkwentuhan na lang ulit sila dito, tapos nakita kong binulungan ni Deanna si Christine tapos tumawa sila bigla.

"Anong nakakatawa?" Nagulat naman si Deanna sa reaction ko.

"Wala naman. Si Deanna kasi ang kulit e. Anyway, who wants to go banana boat riding?" Pag iiba nya ng usapan.

Lahat naman sila nag agree. Except me. Parang wala ako sa mood. Pero wala na akong nagawa kasi pinilit ako ng dalawang anak ko.

Sa totoo lang, mukhang mabait naman tong si Christine. Naiirita lang ako sa closeness nilang dalawa ni Deanna. Ay mali nilang lahat dito. Parang ako pa yung hindi part ng family sa sobrang gaan ng kwentuhan nila. Pati mga anak ko close sa kanya.

Lumipas ang ilang oras at pabalik na kami sa kanya kanyang rooms namin. Enjoy naman! Lalo na kasama ko pamilya ko lalo na yung dalawang anak ko.

Sobrang alaga ni Deanna sa 2. Halos nakatingin nga lang ako sa kanila all throughout ng pagswimming namin e. Hindi naman sila ganung magkasama nung Christine.

Kung iisipin mo, parang wala naman silang relasyon. Ako lang ata talaga ang mahalay ang imahinasyon.

(Matagal na Mare.) Tse!

I can see how Deanna takes care of our children. Nakakatuwa! Nakakamiss! Ganitong ganito na sya simula nung magsama kami except nung months after ko manganak kay Davi.

Nabalik na naman ako sa pag iisip ko nung mga panahon na yun. Ano kayang nangyari kay Deanna? Meron ba akong hindi alam?

Nasa ganon akong pag iisip nang sikuhin ako ni Mafe. Silang dalawa ni Ate Jovs. Yung mga jowa nila nakasunod samin.

"Anong inarte mo kanina ha?" Tanong ni Ate Jovs sakin.

"Naiirita ako e. Bakit ba parang close na close kayo sa babaeng yun?" Curious lang ako ah? Baka sabihin nyo nagseselos ako. Sorry pero hindi.

(True ba?) True na true!

(K!)

"E kasi naman Pangs, mabaet yun si Christine. Nameet namin sya nung minsan sinundo ni Deanna si Dino sa bahay para ihatid sa school.

Nagkakilala nga daw sila ni Deanna nung nasa US sila." Nakatingin naman sakin ng kakaiba si Mafe.

"Tigilan mo ako sa mga tingin mo Maria Fe! Kasi unang una, hindi ako nagseselos. Pangalawa, napakacoincidence naman na magkita rin sila dito unless ininvite sya ni Deanna." Pagsusungit ko.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon