Pumasok na kami sa loob ng bahay. Si Deanna pinuntahan muna mga anak namin. Parang hinayaan nya muna ako kasi ang bagal ko maglakad. Alam nyo na parang nagrereminisce ako sa pagpunta ko dito.
"Jema?" Si Manang Lucing. Nagulat ako bakit andito pa rin sya? Niyakap nya ako.
Pagkatapos ng yakapan namin.
"Manang? Ahmm.. paanong..?" Nagtataka ako kasi, umalis din si Manang nung sinabi kong binenta na tong bahay e.
"Nung araw na umalis tayo dito, umuwi din ako nun sa probinsya. Siguro mga 6 months ago din ata yun. Tinawagan ako ni Deanna na bumalik daw ako dito." Deanna at Jema lang ang pinapatawag namin kay Manang. Mas matanda parin naman sya amin at pamilya na ang turing namin sa kanya.
"Talaga po? Pero diba binenta na tong bahay?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod. Tinapik ako ni Manang at saka umalis sa harap ko.
"Yes binenta ko to. Pero.. kinuha ko ulit. Gusto ko kasing mapreserve lahat ng magandang alaala ng bahay na to." Si Deanna. Nakatingin sya sa mga mata ko. Tingin ng pangungulila.
Pilit kong iniiwasan ang mga tingin nya. Kasi, may bf na ako. And I respect our relationship.
"Deanna, gusto ko lang malaman mo na..." Hindi pa ako tapos magsalita.
"I know. I know Jema." Malungkot na sabi nya.
"Magpapaalam na muna ako sa mga bata. Babalik na lang ako dito pag susunduin ko na sila. Pasensya ka na Deanna but I have to go." Tumango na lang sya at di na nagsalita.
Hinanap ko yung 2 bata. Nasa may sala ako. Nakita kong may mga pictures na nakasabit sa walls. Pictures namin to ah? Wala naman kaming ganitong pictures dati.
I looked at it one by one. Theres a picture nung baby pa si Dino. Saan galing to. Every month na pics nya hanggang sa nag 1 year old sya. Hanggang ngayon na 7 yrs old sya. And same with Davi.
Paanong meron sya nito? I think si mommy to. Pero nakakatuwa naman kasi ang effort nya sa part na to. Then napalapit ako sa center.
I saw... Our picture? Pero bakit? Diba.. sila nila Mich? Habang iniisip ko yun, isa isa ko ulit tinignan mga pictures doon.
Merong picture namin nung first time namin nagkakilala, first date, first monthsary, first anniv, proposal and nung kasal. Bakit andito lahat ng pics na to?
Naguguluhan man ako e nagpatuloy na lang ako sa paghahanap sa 2. Nung diko sila makita..
"Jema, nasa taas sila. Mukhang namiss nila yung kwarto nila dati. If you want I will just call them." Tumango na lang ako. Kailangan ko nang makaalis dito kasi iba na yung pakiramdam ko. Sobrang weird.
"Mommy!!" Bati nung dalawa.
"Mommy's leaving na. Behave kayo dito ha? I'll pick you up later okay?"
"I love you mommy!" Then they both kissed me.
Umalis na ako ng bahay ni Deanna. Kailangan ko ng hangin. Jusko.
Deanna's POV
Pag alis ni Jema, lumapit sa akin si Davi.
"Ahmm.. Dada can I watch cartoons po?"
"Sure baby." Pinisil ko yung pisngi nya and I turned on the TV. Makikinuod sana ako pero napansin kong wala si Dino.
So iniwan ko sa sala si Davi at hinanap si Dino. He's outside pala. Nakatayo sya kung saan nya kami nakita ni Mich dati.
"Dino baby? What are you doing here?" He looked at me.
"Why did you leave me?" Masungit pero alam mong nagtatampo lang.
Yumuko ako at saka nagsalita.
"I'm sorry baby. Dada's a coward before." Lumapit ako sa kanya.
"Dada wants to make up with you. Can you forgive me baby?" Tumingin sya sa akin at niyakap ako. Umiiyak na rin sya.
"I'm really sorry anak. I promise I won't leave you again." Tumatango sya pero mahigpit parin ang yakap nya sa akin.
"Promise Dada?" I nodded. Napaiyak na rin ako. Sana ganito lang din kadali na mapatawad ako ni Jema. Sana..
Namiss ko mga anak ko. Babawi talaga ako sa kanila. Yung isang taon na hindi kami nagkita at nagkausap, babawiin ko sa lahat ng oras na pwede ko silang makasama.
Nagbonding lang kami dito sa bahay. Ang saya saya na I'd get to spend so much time with my two kids.
Nanuod ng cartoons, naglaro.. nanuod din kami ng volleyball game. Grabeh! Diko alam na Dino's playing volleyball din pala. And a setter like me too. Nakakaproud!
Oo nga pala, I forgot to tell you. I'm planning to have my restaurant back again. Gusto kong iredeem ang sarili ko sa food business na ito. Bukod doon gusto ko rin ibalik ang dating ako. Yung dating minahal ni Jema. I know meron na syang special someone. Pano ko nalaman?
The power of social media right?
Wala. Gusto ko lang ipakita kay Jema yung taong minahal nya kahit wala na kami. Gusto kong makita nya na I'm deserving of her love parin kung gugustuhin nya. Kung willing syang balikan ako. You know if things go wrong sa kanila nung bf nya.
Sa totoo lang, pwede ko parin naman ipagpatuloy yung resto namin before ni Jema. Nasabi sa akin ni Jaycel na may chance pa kami makabangon ulit but it will take a while.
Kaya binenta ko na lang yung resto to secure the future of my family.
That time, ang focus ko lang siguro is for Jema and my kids. Kahit di na ako kasama doon.
Kaya, I did almost everything para magalit sya sa akin. My mind was not at it's best. Kaya nagkaroon tayo ng mga maling decisions before.
But this time, magaling na ako. Kaya I'll do everything para maitama ko lahat nang mali ko.
"Deanna, nasa labas na si Jema. Susunduin na daw nya yung dalawa." Bakit di man lang sya pumasok dito?
"Sige po Manang. Thank you!" Saka ko pinuntahan ang mga anak ko.
"Babies, mommy's outside already. Let's go na." Tumayo na sila pareho at sabay na yumakap sakin.
"I'm gonna miss you both! I'll see you again okay?" Tumango sila at sabay kiss na sa akin.
Palabas na kami ng bahay ng biglang bumalik si Dino at niyakap ulit ako.
"Dada, don't forget your promise okay? I love you po!" Awwww! Ang sweet ng anak ko. Niyakap ko na lang ulit sya. Bali, nakalevel ako sa kanya.
"I promise baby! I love you!"
Maya maya tumakbo din si Davi at yumakap sa akin. Wow! Ang sarap sa feeling ng ganito.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.
