Deanna's POV
Nagising ako na nakayakap sa akin si Jema. Nasa likod naman nya si Davi. I looked at Jema's face. Pumapayat na rin siya, alam mong maga yung mata dahil sa pag iyak at pati narin siguro dahil sa puyat nya kakaantay araw araw sa akin. Pero, maganda parin talaga ang asawa ko.
Asawa? Asawa pa ba nya ako?
Everyday, I tried to sleep sa room ng mga anak namin at never na ulit akong tumabi sa kanya. It has been 3 months simula nung nagpunta si Charles sa bahay. Next week na din yung kasal nila, hindi ko sure kung makakaattend ako. Pero si Jema dadating yun for sure.
I was trying to do everything para totally makipaghiwalay sa akin si Jema. It's the only way I know para di sila masama sa kamalasan ng buhay ko.
"ATE DEANNNNNAAA!!!" Si Jaycel. Andito kami sa Starbucks ngayon para magmeet regarding sa buyer ng resto namin.
"Ate Deanna.." hingal na hingal syang humarap sa akin.
"Si Ate Jema..." Anong nangyari? With the look in her eyes. I think alam ko na.
Kinuwento na nya ang nangyari. Nakaramdam ako ng kaba, ng hiya. Pero wala na akong magagawa e.
Here it is. Yung araw na kinatatakutan ko.
Jema's POV
Nanginginig ako. Umiiyak. Nagagalit ako. Bakit nagawa nya sa akin to?
Flashback
Andito na ako ngayon sa resto namin. Bakit ganun tanghali na pero wala paring tao? Dati pag ganitong oras full packed na kami.
Habang naglalakad kami ni Davi papunta sa entrance, I saw a sign outside. Nagulat ako sa nakalagay doon.
Paanong...
Then I saw Jaycel and Kuya Lito, our guard talking.
Nung nakita ako ni Jaycel, kitang kita sa mukha nya ang kaba. Halos hindi sya makatingin sa akin ng diretso.
"Ate Jema..?" Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
"Magsabi ka sakin ng totoo Jaycel. Anong nangyari?" Kinuwento sa akin ni Jaycel mula umpisa. Hindi ako makapaniwala sa nadinig ko. Wala na ring tumatakbo sa isip ko kundi iconfront si Deanna.
Paano nya nagawang itago sa akin lahat ng to?
End of Flashback
After namin sunduin ni Davi si Dino sa school, umuwi na kami. Wala ako sa sariling nagpunta ng kwarto namin ni Deanna. Doon ko iniyak lahat.
Ngayon ko lang naramdaman na napapagod na ako. Na akala ko kaya kong tiisin ang lahat pero hindi pala.
Ilang oras na ang nakalipas simula nung umuwi kami ng bahay. Naasikaso ko na ang mga anak ko at andito kami ngayon sa living room namin nanunuod.
Cartoons ang pinapanuod namin pero umiiyak ako.
Sa kakaiyak ko, hindi ko napansin na lumabas pala si Dino at pumunta ng garden.
Sinundan ko sya at nakita ko syang nakatayo sa labas.
"Dino baby, what are you doing here outside?" He looked at me and asked..
"Is that Dada mommy?" Pagturo nya.. nakita ko si Deanna..
"Just go inside baby." Strikto kong sabi kay Dino.
"But mom.. why is Dada.."
"I told you to go inside!!!" Nasigawan ko ang anak ko ng wala sa oras. Patakbo syang pumasok sa loob ng bahay.
Nakita kong nadistract si Deanna dahil sa sigaw ko.
Nakita ko silang naghahalikan.
Dali dali akong lumapit sa kanya at pinagsasampal ko sya.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA GAWIN YAN DITO PA SA PAMAMAHAY KO!!!" nagulat yung babaeng kahalikan ni Deanna. Pero nagulat din ako kung sino yun..
"IKAW??!!" Sasampalin ko na sana siya. Pero pinigilan ako ni Deanna.
"Mich, I will just call you. Ingat ka!" Tumango lang si Mich. Yes, si Michelle Cobb, Deanna's ex.
Then tumingin sya sa akin. Yung tingin nya parang nag aapologize. Pero baka hiya yun. Hiya dapat ang maramdaman nya.
Tinulak ko ulit si Deanna at pinaghahampas ang dibdib nya.
"Bakit mo ginagawa sa akin to? Bakit Deanna???"
"Nakita ka ni Dino. Hindi kana nahiya dito mo pa ginagawa ang kalaswaan mo. Hindi ba kita napapaligaya sa kama kaya sa iba ka naghahanap ha?" Sinubukan ko syang halikan. Naglapat ang labi namin. Pero tinulak nya ako.
"Hindi na ba masarap yung halik ko ha? Tang ina Deanna sumagot ka!!!"
"I told you I wanted a divorce pero pinipilit mo parin yong relasyon natin." Walng emosyon na sagot nya.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.