35

850 19 0
                                    

Deanna's POV

Nandito kami ngayon sa living room kasama mga parents ni Jema at Mafe. Si Mafe lang yung nagpapasok sa akin kanina sa bahay. Kaya nagulat yung parents ni Jema nung nakita nila ako.

Yung 2 anak ko nasa taas pinaakyat muna nila.

"Mama, Tatay, wag nyo naman pong takutin si Ate Deanna." Natatawang sabi pa ni Mafe. E kasi naman nakayuko na ako ngayon. Nakakatense mga tingin nila sa akin pareho.

Biglang nagsalita si Tatay este si Tito Jessy.

"Anong ginagawa mo dito Deanna?" Si Tatay Jessy na halata sa boses nyang galit sa akin.

"Ahmm.. Ta.. Sir, gusto ko po sanang magpaliwa.."

"Diba sinabi ko sayo na oras na saktan mo ang anak ko e hindi mo na sya makikita ulit?" Matigas na sabi ni Tito Jessy.

"Opo Sir. Pero gusto ko po sa..." Nacut na naman ako sa pagsasalita. Nakatingin lang sakin si Tita Fe.

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Makakaalis ka na!" Jusko po. Napataas na lalo ang boses nya. Pero ayokong sayangin yung pagkakataon na to.

"Sir, gusto ko po sanang magpa.."

"Ayokong..." Nacut na rin si Tito. Tinaas ni Tita Fe yung kamay nya at nasa mukha na ni Tito Jessy.

"Jessy ano ba? Hindi mo pinapatapos yung salita ni Deanna. Pano naman tayo magkakaintindihan dito?"

Natawa bigla si Mafe. Kaya nakatingin kaming tatlo sa kanya.

"Tay kasi ang kulit mo e. Si Mama lang pala makakapagpatigil sayo e. Hahaha!" Tawa pa sya ng tawa pero ako yung tingin ko kay Mafe parang ano ba Mafs, baka lalong uminit ulo sa akin ni Tito e.

"Manahimik ka jan Maria Fe kung ayaw mong ilublob kita mamaya sa pool." Tawa pa rin sya ng tawa. Bahala ka jan Mafe.

"Oh, Deanna anak sige magsalita kana." Tumingin muna sya ulit kay Tito Jessy saka nagsalita ulit.

"Manahimik ka jan Jessy ah? Kung ayaw mong dalawa kayong malublob ni Mafe sa pool." Kahit muntik na akong matawa sa itsura ni Tito diko na lang pinahalata. Baka mabugbog ako ng wala sa oras.

Nakatingin na silang tatlo sakin ngayon.

"Gusto ko po sanang humingi ng tawad sa nagawa ko kay Jema. Alam ko pong isang taon din akong nawala sa buhay nya at ng mga anak ko. Alam ko rin pong walang kapatawaran ang ginawa ko kay Jema." Kinuwento ko ang nangyari sa restaurant, yung sakit ko at yung kiss namin ni Mich na di sinasadyang nakita ni Dino.

Flashback

"Mich, please kailangan ko ang tulong mo?" Sinundan ko si Mich kahit na ang bilis nyang maglakad.

"Deanna, ano kaba? Hindi ko gusto yang idea mo." Piinipilit ko sya sa plano ko para maghiwalay kami ni Jema.

"Mich please?" Tumigil na sya sa paglalakad.

Hinawakan ko ang mga kamay nya at nag uumpisa na akong umiyak.

"Give me one good reason why you wanted to do this." Madiin na sabi niya.

"I need to let her go Mich. This is the only way para magalit sya sa akin at tuluyan na akong iwan. I need to let her go bago pa mahuli ang lahat.

You see halos lahat ng meron ako naibenta ko na. Yung resto ko, yung bahay. Yung savings namin ni Jema, halos paubos na. Pag nagpatuloy pa yung pagsasama namin lalo lang kaming maghihirap." Hindi ko pa naeexplain sa kanya yung totoong sakit ko.

"Kahit na Deanna. Lahat yan maiintindihan ni Jema. Asawa mo sya eh!"

Habang tumatagal lalo akong lumalala Mich. I have PTSD na nakuha ko dahil sa aksidente ko before at yung trauma ko nung muntik nang mawala si Jema at Davi sa buhay namin.

I am not financially stable right now. At kung hindi ko sila iiwan at ipipilit na ituloy to, lalong maghihirap ang pamilya ko. Walang wala na ako Mich." Umiiyak na ako.

"Deans, bakit hindi mo sabihin sa parents mo? They can help you." Totoo naman kaya naman nila mommy na tulungan ako. Maybe ego ko narin talaga ito.

"I can't Mich. May problema din sila mommy ngayon sa business nila. At ayoko ng dumagdag pa. Alam nila ang tungkol sa sakit ko and mom is constantly checking up on me at hindi na halos umuuwi ng US to monitor our business. And eto, ngayon may problema na din sila because of me." Naaawa na rin sa akin si Mich.

"Deans, bakit di mo na lang sabihin kay Jema? bakit mas gusto mong saktan pa sya?" Gustuhin ko man pero hindi ko magawa.

"Kasi hindi ako okay Mich. Yung utak ko madalas magulo. Lagi kong nararamdaman na need ko syang layuan pati yung parents ko. Parang lagi kong gustong mag isa. Muntik ko na rin masaktan si Dino nung hindi ko na napigilan yung galit ko.

Halos ayaw kong makipagsocialize, sa mga friends ko ayaw kong magpakita sa kanila. Even kia mommy. Mas gusto ko pang mag isa kesa sa makausap at makita sila. And worst.. nagiging alcoholic narin ako. Ang dami dami kong ginagawang bagay na hindi ko akalain na magagawa ko." Paliwanag ko pa.

"Pero asawa mo sya Deanna. Kailangan mong sabihin sa kanya." I can see a look of concern kay Mich. Kahit naging ex ko sya, naghiwalay kami ng maayos at may fiancee na rin to.

"I'm a hopeless case Mich. Hindi na ako gagaling."

"Mich, please. I just don't want them to suffer lalo na si Jema."

"Pero Deanna you're pushing her away. Mali to e."

"This is the only way. Kailangan ko pa bang lumuhod sayo?"

The next day..

Alam kong nakauwi na si Jema kaya andito na kami ni Mich sa may pool area namin.

"Deans are you really sure about this?" Tumango na lang ako at saka sya pekeng hinalikan. Magkadikit lang ang mga pisngi namin.

"I told you to go inside!!!" Narinig kong sabi ni Jema. Shit! Bakit andito ang anak ko?

Dali daling lumapit sa akin si Jema at pinagsasampal ako.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA GAWIN YAN DITO PA SA PAMAMAHAY KO!!!" Kahit alam naman namin na dadating si Jema, nagulat parin si Mich sa sigaw nito.

"IKAW??!!" Sasampalin na sana nya si Mich pero pinigilan ko. Hindi pwedeng masaktan sya dahil lang sa akin.

"Mich, I will just call you. Ingat ka!" Tumango lang si Mich. At tuluyan nang umalis.

End of Flashback

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon