30

929 28 15
                                    

"Joke yun Deanna. Jokes are half meant though! Hahaha!" Sabay pa silang tumawa mga lasing na.

Nakakailang bote na rin pala kami.

"So anong plano mo bud?" Ano nga ba?

"Hmmm.. siguro sisimulan ko muna sa mga anak ko. Miss na miss ko na talaga sila e. Kaso.. may kondisyon si Jema. Sasabihin na lang daw nya kay mom kung kailan ako pwedeng dumalaw sa kanila." Malungkot na sabi ko.

"Dude, are you aware that they're just living on the next block from here?" Hala! Lasing na nga nageenglish na si Pongs ng diretso. Haha!

"Yeah I know that! But I respect Jema's decision Pongs. I just need to wait. okay?" Nagkwentuhan na lang kami at uminom ng uminom. Wala e. Kahit na ilang alak pa siguro inumin ko, hindi parin maaalis yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hala si Ate Bei. Lasing na. Yari ka sa anak mo. Hahaha!

Jema's POV

Today is Saturday. Sakto wala kaming game at training ngayon. Wala ding pasok si Dino. JV is busy din ngayon sa resto nya.

Naisip kong today na lang yung pagkikita ni Deanna at ng mga anak ko.

1 week din ang lumipas after namin magkita ni Deanna nung birthday ng anak ni Ate Jia. Pinag isipan kong maigi yung desisyon ko ngayon. Tama may karapatan pa rin naman si Deanna sa mga bata.

I texted mommy na sabihin kay Deanna na magkita kami.

1 message received

Anak, Deanna told me you can go to your, I mean her house na lang daw. You still remember parin naman diba? I mean, yung bahay nyo dati?

Nagulat ako sa sinabi ni mommy. Bahay namin? E diba binenta na yun? Mamaya ko na lang siguro tatanungin si Deanna.

Yes po mommy. Ihahatid ko na lang po sila doon. Thank you

Sent!

Nakaready na yung dalawa pero diko pa rin sinasabi sa kanila kung saan kami pupunta.

"Mom? Are we going to the mall?" Si Dino. Si Davi naman nag aantay ng sagot tapos tumatalon talon pa.

"Nope baby. But I have a surprise for the both of you." Sabay hawak ko sa baba ng anak ko. Ngumiti naman sya.

"Sulplise mommy?? I yike that! Yeeeey!" Niyakap naman ni Dino si Davi na parang nanggigil.

Umalis na kami ng bahay. Dinala ko na yung sasakyan ko. Malapit lang naman ang bahay ni Deanna. Ihahatid ko lang sila tapos aalis din ako agad.

Nakarating na kami sa labas ng bahay ni Deanna. Napansin kong tahimik lang si Dino at nakatingin sa labas.

"Babies, we're here!" Tinignan ko si Dino. Wala parin siyang imik.

"Yey! We're here. Let's go na kuya!" Yaya ni Davi.

Bumaba na ako para pagbuksan ng pinto ang mga anak ko.

Hawak ko na si Davi at bababa na. I looked at Dino.

"Baby? Let's go." Mababakas mo sa mukha nya yung lungkot. Niyakap ko na lang sya.

"Do this for mommy please?" Naramdaman ko naman na tumango sya habang yakap ako.

Habang papalapit kami sa gate ng bahay ni Deanna. Yung pakiramdam ko parang ang bigat. Parang gusto kong umiyak.

Then we saw Deanna waiting outside. Hindi nya alam ang gagawin nya.

I looked at her eyes. Mga matang nag aalala.
Pagbukas ng gate ni Deanna..

"Dino.. Davi?" Bigla nyang niyakap yung dalawa.

Naiyak naman ako sa eksenang to. Iyak ng iyak si Deanna..

"Dada?" Si Davi yun. Inalis ni Deanna yung pagkakayakap sa kanila at tumingin kay Davi.

"Yes baby. It's me.." Niyakap ni Davi nang mahigpit si Deanna. Nakakatuwa na naalala sya ni Davi.

Hindi namin namalayan na pumasok na pala sa loob si Dino.

Tumakbo na rin papasok si Davi sa loob. Tumayo si Deanna. Nasa harapan ko sya. Nagtama ang mga mata namin.

Kitang kita ko sa mga mata nya yung saya na nakita yung mga anak namin. Pero mas ramdam ko yung lungkot doon. Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin.

"Baby, I missed you!" Hinayaan ko na lang din sya.
Pero grabeh yung mga yakap nya. Ewan! Parang namiss ko. Parang gustung gusto ko. Pinikit ko ang mga mata ko. I just want to feel this moment kahit ngayon lang.

"Dada?? I'm hungry na po." Si Davi yun.

Kumalas na kami pareho sa yakapan namin. Bakit ganun? Bakit parang gusto ko pa.

Tumawa si Deanna at lumevel sa anak namin.
Habang nag uusap sila. Napatitig ako kay Deanna.

Ang aliwalas na ng itsura nya. Ang ganda ng ngiti. Jusko yung labi nya parang.. parang.. teka! Erase erase. Napapailing na lang ako sa mg naiisip ko.

Diko naman maiwasan na mag isip. Ang Papi na nya ulit jusko. Kaso.. bigla kong naalala na baka kaya ang cute na ulit nya ngayon kasi happy na sila ni Mich.

"Jema? Okay ka lang? Kanina pako nagsasalita dito e." Napabalik ako sa ulirat ko.

"Ha? Ano nga yun?" Ngumiti naman sya bigla. Yung ngiti nya grabeh. Ganun parin. Kung bakit ako nainlove sa kanya noon.

Jusko! May jowa na ako. Tama na tong tukso na to!

"Wala! Sabi ko pasok na tayo kasi gutom na yung anak natin.. I mean si Davi."

"Mom yet go na!" Haha. Cutie ng baby ko. Teka.. si Davi tinutukoy ko ah?

(Okay mare!)

"Ahhmm Deanna sorry but I have to go. Hinatid ko lang talaga sila dito. Mamaya susunduin ko na lang din sila mga 6pm okay lang ba sayo?" I asked her baka mamaya busy sya e. Makaistorbo pa kami.

"Pasok ka muna Jema kahit saglit lang?" Wala naman kasi talaga akong pupuntahan. Ayoko lang talaga na... Haaay! Bahala na nga.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon