23

881 19 0
                                    

Nameet ko ulit si JV 4 months after namin maghiwalay ni Deanna. Nameet ko sya nung mga panahong wasak na wasak ako. Sobrang sakit ng ginawa saking pag iwan ni Deanna na akala ko hindi na ako makakabangon ulit. Pero heto, dahil malakas nga ako kay Lord, He gave me JV. Someone na mamahalin ako kahit na may anak na ako, kahit na wasak ako. Binuo nya ulit ang puso ko, at pinasaya nya ulit ako. Bagay na akala ko hindi ko na magagawa ulit.

5 months na ligawan ang nangyari sa amin. Sinuyo nya ang pamilya ko pati na ang mga anak ko. Before ko sya sagutin, I even asked Dino's permission about it.

He said, he likes his Tito JV so much. Nung naging kami saka lang nila sinimulang tawagin na Dada si JV. Ewan ko, alam ko naman na isa lang ang Dada nila pero kasi.. yun na yung nakagisnan nila e.

Especially kay Davi. Halos hindi na nga nya maalala si Deanna. Which is a good thing din naman. At least, si Dino na lang ang kailangan kong isipin pag hinanap nya si Deanna.

Si Dino kahit na 7 years old pa lang sya, alam kong he understands everything. Nakakagulat na nga lang din kasi sa age nyang yun, parang ang bilis nyang nagmature. Siguro talagang gifted lang ang anak ko.

Speaking of, bukod sa magaling sya magvolleyball e.. top 1 din sya sa class nila. Hindi naman sa pagmamayabang, pero iyayabang ko narin. Hahaha!

Alam ng parents ni Deanna ang tungkol sa amin ni JV. Something na pinagpapasalamat ko kasi kahit nag end yung relasyon namin ng anak nila, pero para sa kanila manugang parin nila ako. They even told me na hangad nila lagi ang happiness ko at ng mga apo nila.

Sina Mama at Tatay naman ay boto rin kay JV. Si Tatay, galit sya kay Deanna. Lalo na nung nalaman nya yung tungkol sa kanila ni Mich. Hindi ko na sana sasabihin kaso, dahil ang daldal ng anak ko.. nasabi nya yung nakita nya na nagkiss sina Deanna at Mich noon.

Wag daw magpapakita sa kanya si Deanna kung hindi e, baka kung ano daw ang magawa nya kay Deanna.

Sa 3 months na relasyon namin, so far wala pa kaming pinag aawayan.

Nakakabilib si JV kasi sa edad nya madami na rin syang naachieve. May sarili na syang bahay, may business sya at napagtapos na rin nya mga kapatid nya. Isa na nga lang daw ang kulang e.. sabe nya sa akin.

Asawa daw, at parang ang ganda daw pakinggan ng Jessica Margarett De Guzman. Ay bet! Para kaming magkapatid tuloy ni Ate Jia. Diko maiwasan tuloy kiligin.

Naku! Sa haba ng kwento ko, nakatulog na yung mga anak ko. Napanik na rin ni JV sa kwarto.

"Hon, ang haba na ata ng nalakbay ng isip mo ah?" Nakabackhug sya sa akin. Natawa ako kasi totoo naman.

Hinawakan ko yung pisngi nya na nakapatong sa balikat ko.

"Masaya lang ako kasi, mahal mo yung mga anak ko. Hindi ko alam kung ano yung ginawa ko para maging deserving sa pagmamahal mo." Medyo naging emotional ata ako doon.

Pinaharap ako ni JV sa kanya.

"Deserve mo ang lahat ng pagmamahal ko Jema. Lahat ng saya, kilig at pagmamahal na kaya kong ibigay sayo, ibibigay ko. Mahal na mahal kita Jema. At napakasaya ko kasi nakita ulit kita. I've never been this happy and complete ngayon lang." Kinilig ang petals ko mga mars.

Nagkatinginan kami, parang gusto ko syang halikan. Palapit na nang palapit ang mukha namin. Parang yung balahibo ko sa katawan nag taasan na lahat.. pumikit ako, ngayon ko na lang ulit mararanasan to.

Yes, after ni Deanna wala pa ulit akong nahahalikan. Jusko, dry na dry na yung lips ko baka naman.

Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Ramdam ko na yung init ng hininga nya nang biglang...

"Ate.. pakiabot nga yung remote." Nagulat pa kami pareho ni JV. At inayos yung sarili namin. Nakakaloka ka Mafe. Andun na e!

"Ano ba Mafe. Anjan yung remote sa tabi mo." Medyo lumayo si JV sa akin. Nakakaloka. Nakakahiya muntik pa kaming makita ni Mafe na magkiss.

"Ahh.. hon, aalis na ako. Maaga pako sa resto bukas e." Yes, may resto si JV. Akala ko malalayo na ako sa ganyang business di parin pala.

Sumenyas sya kay Mafe at nagbbye na.

"Sige JV, bye. Ingat ka." JV lang talaga? Sinamaan ko sya ng tingin.

Tumango na lang din si JV.

"Bye hon, I love you!" Sabay kiss nya sa pisngi ko. Hinatid ko na sa labas si JV at inantay na makaalis yung kotse nya.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko si Mafe nagcecellphone. Di naman nanunuod ng TV.

"Hoy Mafe anong drama yung kanina? Di ka naman pala manunuod pinaabot mo pa yung remote." Naiinis na sabi ko.

"Manunuod sana ako Ate e walang magandang palabas kaya pinatay ko. Tsaka bakit ba nagagalit ka? Masakit ba puson mo? Hahaha!" Gagi! Nabitin yung kilig ko. Inirapan ko na lang sya at umakyat na ako sa taas. Nagready na akong matulog.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon