17

842 22 0
                                    

Deanna's POV

Umalis ako ng bahay namin at tuluyan ko nang iniwan si Jema at ang mga anak ko. Alam kong hindi ito ang pinkamagandang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko.

I called mom and told her na about sa nangyari sa amin ni Jema. Syempre pinagalitan ako at madami pang sinabi. I didn't mind what she was telling me, wala e andito na ako.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon pero I've made sure na magiging maayos ang buhay nila Jema at ng mga anak ko kahit na umalis ako. Pinilit kong maibenta ang lahat ng meron ako para may maiwan akong pera sa pamilya ko.

Para kahit papaano, kampante akong hindi sila maghihirap. As for me, I just brought kung anuman yung perang natira sa akin sa pagbenta ko sa sasakyan ko.

Wala akong hininga ng tulong, even my parents. Nabayaran ko na din pala si Ate Bei. In this way, kahit mawala ako sa mundo, walang kahit sino ang maghahabol sa akin.

How funny it is na sa pangalawang pagkakataon, umalis na naman ako sa buhay ni Jema. Is destiny really playing tricks on us? Quotang quota na kami sa hiwalayan sa totoo lang.

Pagod na pagod na ako. Sobrang nasasaktan na ako. Paano kaya kung mabangga na lang ulit ako? What if I die tonight? Parang mas okay yun. Parang mas magandang ending ng buhay ko yun.

Jema's POV

After akong iwan ni Deanna, I told myself na hinding hindi ko na hahayaan ang sarili ko na maniwala ulit sa kanya. Masyado syang magaling magsalita o mangako pero paulit ulit lang din na hindi tinutupad.

Siguro naman I did my part na already na kahit anong gawin nya saking masakit, ready parin akong kalimutan lahat ng yun, magstay lang sya sa akin.

But this time, ayoko na. Napapagod na ako. I'll just focus on myself at sa mga anak ko. Tama sya, bata pa ako. If ever someone knocks on my door again, hahayaan ko ang sarili ko na mainlove sa kanya at sa kanya ko na lang ibubuhos at ibibigay ang lahat ng pagmamahal na natitira sa akin.

Tama na yung inubos at dinurog lang ako ng isang Deanna Wong. Close chapter na kaming dalawa. If ever we meet again, I'll make sure na nakamove on na ako at wala nang kahit konting pag asa na ibibigay pa sa kanya.

1 year later

Kinuha ako ng Creamline para maging headcoach nila for this season. O baka nagtataka mga bashers ko bakit ako ang naging coach ng CCS. E ako lang naman ata ang nag asawa at naghiwalay din after magretire. Lahat ng team mates ko happily married na. Sana all!

Masayang masaya ako kasi nakabalik ulit ako sa volleyball, ang sport na pinakamamahal ko.

Madami ang natuwa at madami din namang nagtaas ang kilay at bakit daw ako ang kinuha nila na coach ng CCS. Pero wala na akong pake sa kanila. Haha! Si Coach She nasa ibang bansa na, kinuha sya bilang assistant ni Coach Tai.

Madami na ring mga UAAP players ang nasa pro league ngayon. Medyo nakakapressure kasi naka grandslam kami noong bago kami magretire ni... Kaya ang taas ng expectations ng management lalo na ng mga fans.

Andito na ako ngayon sa 1st day training namin. Naipakilala na ulit ako ng management sa buong team. Wala na rin halos lahat ng staff namin mga nagsipag asawa na rin. Pero may isang tao akong makakasama dito na talagang nagpaexcite sa akin.

"Bes?" Yes.. kilala nyo na sya. Hehe!

"Guys, I want you to meet our assistant coach, Kyla Llana Atienza Casas." Nagpalakpakan naman yung mga players namin.

Oh, muntik ko na makalimutan.

Our players here are.. Nisperos, Bellen, Gandler, Eya Laure, Canino, Tubu and Pepito.

Ang lakas diba? Kaya doble ang pressure samin ni Kyla dito.

"Ky, kakayanin ko kaya? Ang lalakas ng players natin. Parang pag di tayo nagchampion kasalanan ko na lang talaga e!" Nag uusap kami habang nasa training mga players namin.

"Ano ka ba bes? Ikaw pa ba? Kayang kaya mo yan! Kahit mukhang di na kailangan ng training ng mga players natin e, push pa rin. Sayang ang datung!" Hahaha! Sabagay.

Inayos na namin ang training and we made sure na ayos ang katawan ng bawat isa at walang kahit anong iniindang injury.

Grabeh! Parang nakakabata naman kasi andito kami ulit sa Upperdeck gym, kung saan kami nagttraining dati. Nakakatuwa kasi madami kaming memories dito.

Naging maayos ang buhay ko after namin maghiwalay ni you know who. Yung iniwan nya sa akin na pera sa mga pinagbentahan nya ng resto, at ng bahay namin noon ginamit ko para makapagpatayo ng sarili kong sports training center. May badminton, volleyball, basketball and tennis.

Nakatira muna kami ngayon ng mga anak ko kina mama. Balak kong magpagawa ng sariling bahay namin pero syempre baka mga after 2 years pa kasi nag iipon pa ako.

So far, so good ang business ko. Ayaw ko na ng food business. Alam nyo namang hindi maganda naging alaala sakin ng mga yun.

Si Dino, he's already 7 years old, si Davi naman is turning 2 this year.

Andito ako ngayon sa Training Center namin para sunduin si Dino. Yes, nagttraining na rin sya sa volleyball as early as now. Wala e may pinagmanahan talaga. Ang nakakaloka pa e, setter ang posisyon nya.

Ayoko na lang magcomment tungkol jan. For da support na lang ang nanay kumbaga.

"Mommy!!" He kissed and hugged me. Napatingin ako sa mukha nya. Grabeh! Namumula talaga ang mukha nya lalo na pag pinagpapawisan. Tapos yung labi at kilay jusko po Rudy!

"Mommy, why are you looking at me like that? Is my face madumi po?" Jusko anak, pati ba naman yan namana mo?

"Ahhh nothing baby. I just find you super cute talaga. Kamukhang kamukha talaga kita." Niyakap ko sya tapos kiniliti ko.

"No, mommy! You know who's more of my kamukha diba? Si...." Tapos tinakpan nya yung bibig nya.

Kaya natawa ako. Kinausap ko kasi siya one time na yung name ni.. ng dada nya ay di na pwedeng banggitin. Although, nagtatanong sya kung bakit pero madalas tumatahimik na lang din sya.

I know lumalaki na ang mga anak ko. Kaya need na nila ng mag aalalay sa kanila.

Actually, meron naman na. Hehe. At sana sya na ang para sa akin.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon