Deanna's POV
Hanggang ngayon di pa rin maalis sa labi ko yung ngiti ko kanina pa. Kahit nung nakababa na si Jema ng sasakyan ko. Ang saya lang kasi parang happy family na kami ulit. Alam mo yun? Never have I imagined na ganito kasaya na makasama ko ng buo ang pamilya ko. Hindi man kami ni Jema pero parang kumpleto na rin ako.
Naisip ko tuloy yung sinabi sa akin ni Ate Bei. What if sinabi ko noon kay Jema? What if naging matapang ako noon to tell her the truth?
Kaso, wala na tapos na tayo sa mga what if's and what could have done's na yan.. andito na tayo sa what shall I do? What can I do also?
Alam kong happy na si Jema kay JV, wala akong balak umeksena sa kanila. Basta gagawin ko lang yung gusto ko para mapakita ko kay Jema na special parin sya sa akin. At kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
"Kuys! Lalim ng iniisip natin ah?" Si Mafe kasama jowa nyang si Bea.
Tumawa lang ako tapos tinignan si Bea.
"Hi Bea! Sana matibay pa helmet mo ah? Kawawa tong hipag kong hinog pag iniwan mo! Hahaha!" Tumatawa naman si Bea pero si Mafe di maipinta yung mukha.
"Ate Deanna, matibay to. Gawa sa bakal to no!" Sabay smile kay Mafe. Namula naman yung isa. Manang mana sa Ate nya pag kinikilig.
"Yieeeee!! May naalala!" Ako naman ngayon ang inasar nilang dalawa.
"Tara na daw Kuys, kakaen na sabi nila Mama." Nagkita lang kasi kami sa may lobby. Hinahanap ko kasi saan yung room ng mga anak ko e pati ng nanay nila..charot lang!
Since di alam ni Jema na kasama ako kaya nakabook yung room ko as solo lang. So ako lang talaga mag isa sa room. Sad no? Sana may yumakap sa akin dito lalo na malamig.
(Gusto mo may yumakap sayo Boss D? Kaso malamig din sya! Hahaha!) SHUT UP AUTHOR!
(Duwag nga pala to! Hahaha!)
Nasa resto na kami ng resort. Andito na pala silang lahat. Kaming 3 na lang nila Bea at Mafe ang inaantay.
Umupo na kami. May dalawang upuan na magkatabi. So malamang sa magjowa yun. Tapos isang upuan na lang na katabi ni Davi. So sabi ni author dun daw ako. Hehe.
Bali sa table napapagitnaan ni Davi at Dino si Jema. Nasa kaliwa ako ni Davi tapos nasa kanan naman ni Davi si Jema.
Nakapag order na rin ng food sila Jema. Natakam ako kasi halos lahat ng andito favorite ko. Napangiti naman ako. Kasi alam pa rin talaga nila ang paborito ko.
Nagsimula na kaming kumuha ng food. Inasikaso namin ni Jema yung food nung 2 anak namin. Ako kay Davi at sya naman kay Dino.
Napapansin ko na nakangiti yung mga tao sa paligid namin ni Jema. Pero di sila nagsasalita.
Nung okay na food nung 2, kukuha na sana ako ng food ko nang abutan ako ng plato ni Jema na may food na.
Namula ako bigla. Gosh! Hindi ko inexpect to. Ganito na talaga sya dati pa sa akin. Siguro nga Old habits die hard. Pero kilig pa rin ako.
"Uuuyy may kinikilig." Si Mafeng baliw. Nagtawanan naman sila dito. Ako kang yung namula. Kasi si Jema parang walang nadinig. Parang sinasabi nya.. "Anong problema nyo e dati ko nang ginagawa yan?" Sabagay naman talaga.
Nung patapos na kaming kumain. May lumapit na sa amin at kinantahan na si Davi ng happy birthday. Tuwang tuwa yung anak namin. Singkit na singkit habang tumatawa. Haaaay! Ang saya nang ganito. Yung walang problema.
"Oh dahil birthday ng bunso naming apo.. Jema, ikaw na nga magtranslate. Ayaw kong magenglish." Haha! Si Tatay Jessy.
Tumawa naman kaming lahat pati yung 2 naming anak. Kala mo talaga naintindihan nila e.
"Happy birthday Davi na lang po Tay." Sabi ko. Nagtawanan ulit kami dito.
Masaya ang salu salo namin. Kwentuhan lang ng kaunti at di maaalis ang asaran. Madalas kami ni Jema ang topic.
After kumain binigay na nila yung mga gift nila kay Davi. Tuwang tuwa naman ang anak namin. Nakakatuwa kasi ang appreciative nyang bata, silang 2 ni Dino. Nakakaproud kasi napalaki sila ni Jema ng maayos.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na magemote.
"Boss D, parang paiyak ka na ah?" Naiyak na po talaga. Nakita ako ni Tatay na nagpunas ng luha ko.
Ngumiti lang ako. Kasi lahat sila tumingin sa akin kahit si Jema.
"Oh ganito na lang message na lang for Davi. Ako na lang magttranslate. Sabi ni Jema." Nagtawanan na lang ulit kami lahat dito.
Isa isa nang nagbigay ng message ang bawat isa. Alam namin na hindi naman maiintindihan masyado ni Davi mga sasabihin namin. Like hello? 2 years old lang yung anak namin.
Ewan ko dito kay Jema kung anu anong naiisip.

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.