Deanna's POV
Buong gabi akong iniwasan ni Jema. Pag nag attempt akong lapitan sya, gumagawa sya ng way para makipag usap sa iba. Sawi tayo ngayon mga mars.
I respect her decision naman. May tamang venue para sa pag uusap namin. Ayoko naman na masira ang birthday ng inaanak namin dahil lang pinilit kong mag usap kami.
Nakipagbonding na lang ako sa mga dati naming team mates.
Maya maya, isa isa nang nagsisialisan ang mga bisita. Parang gusto ko na rin mauna. Mukhang wala naman akong chance na makausap sya e.
"Baby D!!!"
"Ate, kanina pa kita hinahanap. Magpapaalam na din sana ako e, uuwi na ako." Tinaasan ako ng kilay ni Ate Jia.
"So?" Anong so? May ginawa ba akong mali? Nakita nya siguro na I looked puzzled.
"Wala ka man lang bang gagawin para makausap mo si Jema?" Yung tingin ko sa kanya it's as if saying, wala talaga ate e. Haha!
"Nako! Jan ka lang sesenyasan na lang kita pag okay na." Ano ba yun Ate Jia? Kakaloka ka.
Nadinig ko na lang na nag papaalam na si Jema na uuwi na sya. I heard din na dapat magbobook na lang sya ng grab.
"Ano yun Ate Ji?" Tanong ko.
Then I saw Ate Jia make a sign. Ahhh eto pala yun.
I love you Ate Jia talaga! Todo smile pa ako. Sya naman umirap sakin. Lab mo ko talaga Ate Ji. Hihi.
Akala ata ni Jema umalis na ako. So hinahanap mo din pala ako. Kakilig naman po.
Mukhang no choice na talaga sya kaya napilitan nang sumama sa akin.
Pinagbuksan ko ng pinto si Jema. Nagulat pa sya sa itsura ng car ko. Hmmm.. bagong bili lang kasi talaga to. As in, kanina lang nadeliver.
Syempre, ang aking reyna ang una kong passenger. Yieeee!
"Wow! Daming pambili?" Bigla nyang sabi. Parang kinabahan naman ako. Di tuloy ako agad nakapagsalita.
"Ahhhh... Di naman. May extra lang! Tsaka masaya ako kasi.. you're actually my first passenger." Sana kiligin ka naman. Kung pwede ko lang lagyan ng name mo yung passenger seat dito e. Ginawa ko na.
But sad to say mga boss, walang reaction ang mare nyo.
Pumasok na lang din ako ng sasakyan at nagsimula nang magdrive.
Habang nagddrive ako. Tahimik lang si Jema. Natatakot akong magsalita baka barahin nya ako e. Kaya hanggang sulyap na lang muna ako.
Ang ganda pa rin nya. Kung pwede ko lang syang hilain at yakapin ginawa ko na.
Nadinig ko na tumunog yung cp nya. Binasa nya yung message sa kanya at bigla na lang syang ngumiti.
Hindi ako pwedeng magkamali. Nakita kong kinilig sya. Alam ko kung kelan sya kinikilig, naiinis may topak o kung ano pa. Kabisado ko lahat ng yun. Kaya diko maiwasang maging malungkot.
May nagpapasaya na sa kanya.
Mukhang huli na ako. Kaya pala masyado syang iwas sa akin buong gabi.
Hindi ko tuloy maiwasang malungkot at maging senti.
Binuksan ko na lang yung spotify ko. Para naman mawala yung di magandang mood ko.
Pero parang sumasabay yung kanta sa nararamdaman ko ngayon.
Nagulat kami pareho nung ang tugtog ay..
Ikaw at Ako ni Moira.
Jusko po! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano. Pero parang kinakapos ata ako ng hininga.
Nagulat ako nung biglang pinatay ni Jema yung sounds.
"Sorry!" Sabay naming sabi.
"Para saan?" Matigas na sabi nya.
Humanap ako ng pwede kong pagparkan. If this is the chance para makausap ko sya, I'll grab it.
"Bakit tayo huminto?" Galit na sabi nya without even looking at me.
"Look Deanna, I just said sorry kasi pinakialaman ko yung sounds sa kotse mo. Yun lang yun. Hindi mo na kailangan itabi pa yung kotse mo." Yung bawat salita nya alam mong malalim ang galit nya.
Pagkakataon ko na to.
"Jema, gusto ko lang magsorry sayo! Hindi dahil sa sounds sa kotse ko. Sa lahat, sa.." Tinaas nya yung kamay nya. Signalling na I should stop whatever it is that I'm going to say.
"Alam mo Deanna, I think you're a year late to say sorry. Masaya na ako ngayon. The least you could do is just to ask me kung kamusta na ang mga anak natin." Nakakalungkot man na madinig sa kanya ang mga to, pero I think I deserve it.
"Jema.. if you will only let me tell you everything.."
"If I will only let you? Nadidinig mo ba yung sarili mo?" Nag uumpisa nang tumaas ang boses ni Jema. Natatakot ako. Pero mas natatakot ako na any moment gugustuhin nyang bumaba ng sasakyan ko at umalis na lang.
"Okay Jema, I get it. sorry! Just please allow me to see my kids? Pwede ba yun?" Malumanay na sabi ko. Nag isip sya at medyo natagalan sa pagsagot.
"Okay, pero I can't promise na they'll be happy to see you ah? Especially si Dino. Kakausapin ko muna sila then I'll tell mommy kung kelan mo sila pwedeng makita." Bakit kay mommy pa, bakit di sa akin?
Parang nabasa naman nya yung nasa isip ko.
"I'll just call mommy to inform you. Mag uusap lang tayo tungkol sa mga anak natin wala ng iba. Hindi ko kasi basta basta binibigay kung kani kanino lang ang number ko." Huling sabi nya. Kung kani kanino? Ang sakit naman nun.
Nahurt ako sa sinabi nya. Muntik na akong maluha. Haaaay! If this what I get from leaving her. Siguro nga I deserve everything.
Tumango na lang din ako sa huling sinabi nya at di na ako nagsalita.
Nagdrive na lang ako ulit at hinatid na sya sa bahay nila. Sinabihan na rin nya ako na hindi ko muna pwedeng makita ang mga anak ko sa ngayon.
Ayaw daw nyang ma out of focus sila lalo na si Dino kasi exam week na rin nila. I understand naman. I told her na aantayin ko na lang yung tawag nya kay mommy para makita ko na ulit ang mga anak ko.
Sobrang cold ni Jema sa akin. Eto naman talaga ang ineexpect kong magiging treatment nya sa akin. Kaya need kong tiisin. Mabuti na lang talaga na maayos na ako ngayon at wala ng sakit.
Sana in time mapatawad mo parin ako Jema at mapatawad din ako ng mga anak ko.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.