11

862 19 0
                                    

Jema's POV

Simula nung nagkasagutan kami ni Deanna nung naabutan ko syang nag iinom ng tanghaling tapat, hindi narin kami masyadong nag uusap.

Although, inaayos ko parin naman ang mga damit nya pagpapasok sya sa trabaho at lagi kong hinahanda ang food nya pag aalis at pag dadating ng bahay, pero hanggang doon lang muna yun. Medyo may tampo pa ako.

Pero syempre, need naming ayusin to. Hindi na kami magjowa ngayon, mag asawa na kami. Hindi pwedeng konting problema lang e bibigay na kami at maghihiwalay.

Lately madami akong napapansin na pagbabago kay Deanna. Mula sa parang hirap sya o walang ganang kumaen. Knowing Deanna, food is layp diba? Tapos bigla bigla na lang nagagalit. Ayaw din makipagkita kina Bea at Pongs. Pag dumadalaw pa sina mommy at daddy parang halos ayaw magpakita kung diko pa hihilain palabas.

Para syang laging stressed at pagod na pagod.

Naalala ko nung one time na kakaen na sana kami.

Flashback

I went inside our room.

"B, kakaen na tayo. Tara na." Nanunuod pala sya ng basketball nung pumasok ako. Parang walang nadinig kaya inulit ko.

"B, lika na. Baba na tayo." Kinalabit ko lang naman sya. Hindi ko alam kung nagulat ba sya. Pero bigla nya na lang akong sinigawan.

"ANO BA JEMAAAAA!!!" Nashock ako parang first time yung ganung kalakas na sigaw. Kaya naasar ako.

"Problema mo Deanna Wong? Inaaya ka lang kumaen ah?" Nakasalubong kilay nya na kala mo ang laki ng kasalanan ko.

"Nakita mo nanunuod yung tao. Kumaen ka mag isa mo doon." Shocks! Hindi ko alam kung anong dapat kong mafeel. Dahil first time to. Na parang nabastusan ako sa kanya.

Bumaba ako s sobrang inis ko. Talagang binalibag ko yung pinto ng kwarto namin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nung nakita ko syang pababa ng hagdan. Pero nagulat ako nung nagmura sya.

"TANG INA!!!" Napatakbo ako sa kanya. Nakita ko na natapakan nya yung laruan ni Dino. Sakto naman na pumunta si Dino sa harapan nya. Nagulat din kasi ang anak namin lalo na nagmura pa sya..

Deanna Wong yung bunganga mo." Nakita ko na sinamaan nya ako ng tingin tapos bigla syang tumingin kay Dino. Kitang kita ko nung hinawakan nya yung balikat ni Dino.

"Is that your toy Isaac?" Pag ganito ang tawag nya alam kong galit talaga sya.

"Dada.." tumango tango sya. Pero umiiyak na.

"I'm so..." Magsasalita pa yung anak namin nung parang inipit nya yung balikat ng anak namin dun na ako lumapit at tinulak si Deanna.

"Dino baby, go inside your room." Umiiyak na tumakbo si Dino.

Binalikan ko ng tingin si Deanna.

"Anong problema mo Deanna? Bakit kailangan mong gawin yun sa anak mo?" Nahampas ko yung balikat nya.

"He's like that kasi kinokonsinti mo!" Siraulo ba sya.

"Bata yan malamang naglalaro yan. Tsaka ganyan ba dapat gawin pag nagkamali mga anak mo? Ha Deanna?" Napalakas na yung sigawan namin kaya biglang lumapit si Manang Lucing dala dala si Davi at umiiyak.

Napunta atensyon ko kay Davi. Kahit inis pako kay Deanna.

Habang pinapatahan ko si Davi panay ang lakad ni Deanna na parang di mapakali. Ano bang nangyayari sa kanya?

"PUTANG INA ANG INGAY!!!" sumigaw sya sa harap namin ni Davi kaya mas lalong lumakas ang iyak ng anak namin lalo na't nagulat. Nagulat din ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang naiiyak narin ako sa sobrang inis ko?

Kaya di na ako nakapagpigil.

"Kung naiingayan ka. Umalis ka dito. Hindi yung pinag iinitan mo mga anak ko."

"Kung ayaw mong pag initan ko sila. Disiplinahin mo. Do your job properly Jema." Sabay alis ng bahay.

Nakatayo lang ako sa sala kung saan ako iniwan ni Deanna. Bakit ganito ang nangyayari sa amin? Bakit ganito si Deanna?

Napatahan ko na si Davi at tuluyan na syang nakatulog. Nailagay ko na sya sa room nya. After nun pinuntahan ko naman si Dino. Alam ko masama ang loob nya sa Dada nya.

Nagulat ako na nakatulog na si Dino sa kwarto nya. Pero alam mong nakatulog dahil sa kakaiyak.

Buong gabi kong inantay makauwi si Deanna pero walang Deanna Wong ang nagpakita sakin hanggang umaga.

May pasok pa yun san na kaya nagsususuot yun? Yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon