Deanna's POV
Andito ako sa may garden. Jema was trying to ask me kung anong problema ko. Ayokong malaman nya ang problema ko. Kung anuman yun akin na lang.
Kumuha ako ng beer and started drinking. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na malungkot.
A lot of questions are running in my mind.
Gusto ko lang naman maging maayos ang buhay ng pamilya ko. I just wanted a perfect life for them. Pero bakit parang ang hirap? Bakit parang laging may kulang?
Hindi ko ba deserve maging masaya?
Mga tanong na hirap na hirap akong sagutin.
Kinabukasan, umalis si Jema ng bahay. She texted me na she's going to Kyla's house daw.
Madalas ganito ako. Umaalis ako ng bahay at late na akong umuuwi. Ayoko na syang magtanong sa akin.
After I went sa resto to meet Jaycel, umuwi na ako. Alam kong late uuwi si Jema kasi ganun sila ni Kyla e. Kala mo di nauubusan ng kwento.
Maaga pa yun. Wala akong magawa dito sa bahay. Davi's sleeping also. So, naisip kong uminom ulit. Parang bitin ang inom ko kagabi.
I was shocked nung biglang dumating si Jema. I thought malalate sya ng uwi. Oh well.. wala na akong magagawa ngayon kung abutan nya ako na nag iinom. Tsaka mabuti na din to.
"Deanna ano ba to? Bakit ang aga aga umiinom ka?" Galit na tanong ni Jema. Paglapag nya ng bag nya dumiretso sya sa table para ayusin yung mga bote ng alak.
"Hayaan mo na yan. Ako na magliligpit nyan." Inaagaw ko sa kanya yung mga bote ng beer.
"Malapit na umuwi si Dino. Sinong magsusundo sa anak mo?" Ako naman kasi talaga ang sumusundo sa kanya.
"Ako syempre. May iba pa ba?" Pilosopo kong sagot sa kanya.
"Seryoso ka? Susunduin mo anak mo nang ganyan itsura mo at nakainom pa?"
"Deanna! Ano bang problema mo? Hindi ka naman dating ganyan ah?" Hindi na ako sumagot kasi nag uumpisa na akong mainis.
Kinuha nya yung cp nya at parang may tinatawagan.
Umalis na ako sa tabi nya at pumunta na ng CR. Naghilamos na lang ako at palabas na ng gate ng pigilan nya ako.
"Saan ka pupunta sa tingin mo?"
"Susunduin yung anak ko. Saan pa ba?"
"Hindi na pinasundo ko na lang kay Mafe si Dino. Nakakahiya naman sayo kasi mukhang busy ka."
Nagpantig ang tenga ko. Kaya bigla kong nahawakan yung kamay ni Jema.
"Anong sinasabi mo? Bakit ba ang aga aga ang ingay ingay mo Jema? Tang ina! Para akong nasa palengke ang ingay ingay mo!" I can see na parang nagulat sya sa ginawa ko.
"Wala kang pakialam kung gusto kong sunduin ang anak ko o hindi."
Hinarangan nya na naman ako.
Tapos natulak ko sya dahilan para matumba sya. Nabigla ako.
Aalalayan ko na sana sya para makatayo. Pero iniwas nya ang sarili nya sa akin.
Umiiyak na si Jema.
"Sino ka? Hindi na ikaw si Deanna. Hindi ikaw ang asawa ko." Kumirot ang puso ko sa nakikita ko sa mga mata ni Jema.
Bakas na bakas sa mukha nya yung galit.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sayo Deanna. Pero kung ginagawa mo lang to para iwanan kita, pwes hindi kita iiwan. Nangako ako sayo sa harap ng mga kaibigan at pamilya natin na mamahalin kita kahit napakahirap na." Umalis sya sa harap ko.
Naiwan akong mag isa dito sa garahe namin.
Umiiyak na rin ako. Hindi ko din ito gusto. Nahihirapan na rin ako.
Sa mga nangyayari sa akin ngayon, all I wanted is just to escape from this misery. Ayoko na syang pahirapan pa. Ayoko na syang bigyan pa ng reason to stay.
I'm sorry Jema but I don't want to drag you to my situation.
I am a failure.
Hindi mo ako deserve.
You deserve to be happy Jema,
I'm sorry. I really am.
Deanna's POV
It has been 2 months simula nung nalaman kong may sakit ako. 2 months after gumaling ni Davi at makauwi ng bahay.
I have PTSD or Post Traumatic Stress Disorder. According to the doctor, possible daw na nagkaroon ako nito because of two things. 1. Because of my car accident before and 2. Because of too much stress. Kumbaga pinagsamang physical and emotional trauma.
Yung stress na naexperience ko sa panganganak ni Jema, yung nangyari kay Davi and yung pagkalugi ko sa negosyo that triggered this disorder.
Dahil dito, madami na akong nararamdaman na even I can't even explain.
I've been seeing a doctor simula nun without Jema and my family knowing it. Sometimes nagkakaroon ako ng mga panic attacks kaya madalas ang pag aaway namin ni Jema.
Mabilis akong matrigger, magalit, nagiging aloof narin ako sa mga kaibigan ko at kahit sa parents ko ganun na rin ako. Madalas na rin akong hindi makatulog at dahil don mas lalong humina ang katawan ko.
Madalas rin akong umiinom dahil narin sa dami ng problema ko. I think nagiging addict na rin ako sa alcohol.
Simula nung nalaman ko ang sakit ko, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung anong tago pa ang gagawin ko sa asawa ko at sa pamilya ko ng problema ko. Madalas din akong magkaroon ng mga sudden anger outburst. Na kahit sino o ano na lang pinapatulan ko.
Even Ate Bei and I nagpang abot na rin nung minsang magkita kami.
Good thing Jaycel was there para pigilan kami. Medyo sumobra na rin kasi sa pakikialam si Ate Bea.
Flashback
"Deanna! Kung hindi mo to sasabihin kay Jema ako ang magsasabi sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo mo. Hindi ka nakikinig sa akin." Medyo naiirita ako sa mga sinasabi nya. Porket ba sa kanya ako lumapit at nangutang.
"Ano bang problema mo Ate Bea? Bakit ang pakialamero mo?" Galit kong sabi sa kanya.
"Wow! Pakialamero pako ngayon? Sorry ha? Tong pakialamerong to lang naman ang sumalba sayo para kahit papano masave mo pa yang mukha mo sa kahihiyan!" Nagpantig ang tenga ko kaya nasapak ko sya.
"Ate Deanna, Ate Bea ANO BA KAYOOOO!!!" Si Jaycel. Medyo huli na nung naawat nya kami kasi nasapak na din ako ni Ate Bea.
Pero ngayon hawak na ni Ate Bea ang kwelyo ko. Kitang kita sa mata nya na sobrang disappointed sya sa akin. Kita kong naluluha na din sya sa galit. First time kasi to. Never kami nagkaroon ng misunderstanding ni Ate Bei dati.
Binitawan nya ako nung nakiusap na si Jaycel. Naiiyak na rin kasi sya.
Inayos ko yung damit ko.
"Pag di mo inayos tong problema mo Deanna, mawawalan ka ng asawa sa ginagawa mo. Gusto mo ba yun? Gusto mo bang iwan ka ni Jema dahil jan sa ego mo?" I know Ate Bei's just worried about me. Hindi pa nya alam ang sakit ko. Nobody knows about it. Wala akong pinagsasabihan.
"I will do it Ate Bea. Just not now. Humahanap lang ako ng right timing." Kumalma narin naman ako.
"When is that Wong?" Tumahimik na lang din ako. Pero mukhang okay na kami balik na sa Wong ang tawag nya. Pag dude okay kami. Pag Deanna galit sya. Pag Wong medyo galit lang pero alam mong dapat sundin mo ang sinabi nya.
End of Flashback
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.