Deanna's POV
I'm here now sa favorite spot ko dito sa house namin noon ni Jema.
Haay! I missed this house, I missed Jema and my two kids.
I don't know what to feel right now. Nakakamiss yung nagtatakbuhan yung 2 anak namin, while me and Jema are just watching them.
Mga sweet and funny moments namin dito. Ang sarap lang balikan ng lahat.
Iniisip ko what if I told her everything noon? Paano kung nasabi ko sa kanya yung sakit ko? Magiging okay ba lahat o mas lalo lang kaming nagkagulo.
O baka magkasakitan kami to the point na mawala na yung pagmamahal namin pareho sa isa't isa.
I don't want to justify that what I did before was right. Gusto ko lang naman na hindi sya mdamay sa kamalasan ng buhay ko.
1 message received
Hi M' Deanna. Already delivered na po yung flowers. Thank you po ulit sa tip.
Napangiti naman ako sa nabasa ko. Sana yung mga problema sa puso madaan na lang sa bulaklak no? Para okay na kami agad. Sana ganun lang kadali ang lahat.
Umupo ako sa favorite bench namin ni Jema. Nagreminisce ng mga nangyari noon. Mga what if's, mga what should have done's.
Naalala ko yung time na.. kailangan kong mamili sa buhay ng anak ko o ni Jema, halos mamatay ako noon. I remembered all the pain I felt before, every bit of it actually. Na parang kahapon lang din nangyari.
Diko mapigilang maluha. Imagine I dealt with all of it alone. Wala akong pinagsabihan kahit na sino. Pero thats what I regret the most. What could have happened kung nasabi ko agad kina Ate Bei o kina mommy ang situation ko. Maghihiwalay pa rin kaya kami?
My decision would be different siguro and my situation now. Pero tapos na yun. I just need to do everything para balikan ako ni Jema. Para makasama ko na ulit sila.
#Get my baby wife back! And I'll be needing all the help of my friends. This time, gagawin ko ang lahat para bumalik sya sa akin at maging masaya na kami ulit.
Jema's POV
"Ate Jema, may delivery para sayo. Nilagay ko sa kwarto mo okay?" Si Mafe. Kanino naman kaya galing to?
Kakatapos ko lang maligo kaya nag ayos muna ako bago ko tignan yung delivery na sabi ni Mafe.
Nung natapos ako, chineck ko na yung delivey.
Bulaklak? Kanino galing to? Ang adik ko din e no? Malamang sa boyfriend ko.
Chineck ko kung kanino galing, may card pa sa loob.
Roses are red, violets are blue you know you are amazing that's why I love you!
Naks! Ang dameng alam ni JV. Jusko ang petals ko kinikilig na naman.
I texted him a sweet message para naman ganahan sya today. Kasi yun ang nararamdaman ko ngayon. Ganado ako dahil sa maaga nyang pagpapakilig.
Maya maya lang tinawag ako ni Mama para bumaba. Andito daw si JV.
Ano ba naman tong honey ko. May padelivery pa e pupunta rin naman pala sa bahay.
"Hi, hon!" Sabay halik sa pisngi nya. Nagulat ako sa dala dala nya. Bulaklak din. Ano to unli pabulaklak?
"Hello hon, for you." Nakakapagtaka man e tinanggap ko narin.
"Ahhh.. hon? May balak ka bang magtayo ng flower shop?" Nagtataka man sya e sumagot nalang din.
"Bakit?" Sabi nya.
Lumapit ako sa kanya at pinisil ang pisngi.
"E kasi po may pinadeliver ka pa kanina na bulaklak tapos may dala ka pa ngayon. Baka naman sa sobrang sweet mo maging diabetic na ako nyan. Sige ka." Natatawang sabi ko.
Biglang sumeryoso ang mukha nya.
"Bakit hon, may nagpadala ba sayo ng bulaklak? Kasi kung meron, it was not me." Laking gulat ko sa sinabi nya.
"Ahmmm oo hon. Teka!" Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang bulaklak. Tapos pinakita ko sa kanya nung nakababa na ako. Same kasi ng bulaklak na hawak nya e.
Nakita ko na lumungkot yung mukha nya. Kung di sa kanya galing to e kanino?
"I guess may secret admirer ka." Halata sa boses nya ang pagseselos. First time to.
Nilapitan ko sya. Tapos niyakap ko. Yung ulo ko nasa dibdib nya tapos yung baba nya nasa ulo ko. Niyakap ko lang sya at di ako nagsasalita. I just want him to feel na mahal ko sya at wala syang dapat alalahanin.
Umalis ako sa yakap nya at hinawakan yung dalawang kamay nya.
"Hon, kahit na may secret admirer man ako.. I don't care. Kasi.." tapos tumingin ako sa mga mata nya.
"Ikaw lang pows zapat nah!" Tapos tumawa ako ng malakas. Pati sya natawa na rin.
"Ang cute mo po magselos hon. First time to ha?" Pinisil ko nang mahina yung ilong nya.
Hinila nya ako tapos niyakap nang mahigpit.
"Wag mo akong ipagpapalit kahit kanino ah? Kung ayaw mong marunning attack ko tapos mafacial hanggang sa humiwalay yung ulo sa leeg nya." Yikes!
Natawa kami pareho sa sinabi nya.
"Grabeh yorn hon! Hahaha!"
Haaay! Ang cute ng honey ko magselos.
Nag ayos na ako ng sarili ko at nagready na para sa game namin later.
Sabay na kami ni JV pumunta ng arena, Sunday ngayon kaya free day nya.
Habang on the way kami sa arena, tahimik lang ako. Iniisip ko parin kung kanino galing yun..
Hindi kaya...

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.