16

795 18 4
                                    

"Mag asawa tayo Deanna. Natural lang na ipaglaban kita. Pero tang ina naman para gaguhin mo ako ng harap harapan e iba ka na!"

"Now that you know what happended sa resto, ngayong alam mo na na may relasyon kami ni Mich, siguro naman alam mo na talagang ayoko na. I want out Jema." Ganun lang yun? Ganun lang kadali yun sayo?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magbreakdown. Pagod na pagod na ako. Sobra na akong nasasaktan.

"Bakit...bakit ang hirap hirap mong mahalin Deanna?" Tinignan ko sya sa mata. Same expression months ago.

"I told you, I needed a divorce. Pero ayaw mo." Tang ina!

"For almost 3 years nang pagsasama natin, hindi ko kahit kailan naisip o ginusto na hiwalayan ka."

Nagflashback sa akin yung araw ng kasal namin, yung araw na nangako kami sa isa't isa. Napangiti ako nang mapait.

I'm still holding on to that promise hanggang ngayon. Wala nang tigil ang pag iyak ko.

"I will love you kahit na mahirap na ang sitwasyon natin..kahit na nahihirapan na tayong makita ang daan natin pauwi. I will always look for you. I will always find my way back home to you. I love you baby! My Jessica Margarett!" Sinabi ko yung vows she made for me. Habang tumutulo ang mga luha ko.

"Yung mga salitang yun? May kahulugan paba yun sayo? Yung mga salitang sinabi mo. Na kahit na nahihirapan na tayong makita ang daan natin pauwi, mamahalin mo parin ako." Nasasaktan ako. Napapagod. I've never been this tired kahit nung una kaming naghiwalay.

Hindi ko alam pero parang hindi na ako makahinga.

"Jema.." Tinignan ko sya.. This time, iba na ang nakikita ko. Sana natauhan na sya nung pinaalala ko sa kanya yung wedding vows nya sa akin.

Hindi na tulad nung mga nakaraang buwan. Madaming emosyon.. Kahit papano may nagudyok sa akin na magmakaawa sa kanya. Doon ako nagkalas ng loob na sabihing..

"Deanna please? Baka kaya pa nating ayusin to. I know baka pressured ka lang sa lahat ng bagay. Lahat ng nangyari ngayon, I promise you kakalimutan ko na lang. Wag naman ganito oh!

Pag usapan natin yung problema natin. Aayusin natin to nang di naghihiwalay. Please nangako ka sa akin diba? For better or for worse?" Lumapit ako sa kanya. At pilit ko syang niyayakap pero umiiwas sya.

"Deanna.. pano mga anak natin? Gusto mo ba ng broken family para sa kanila? Hindi na nga tayo tanggap dahil our family is not normal tapos broken pa. Maawa ka naman sa mga anak mo o! Kahit di na para sa akin.. Kahit para sa kanila na lang Deanna." Hindi ko kaya na mawala sya.. na mawalan ng Dada ang mga anak ko.

"Maghiwalay na tayo Jema." Ganun lang kadali na sabihin yun?

"Deanna, please?" Nagmamakawa kong sabi.

"Jema, kailangan kong gawin to. Para sa sarili ko. I'm not good enough to be the head of this family." Wala akong pake!

"Kahit ano ka pa Deanna. Kahit ano pang mangyari sayo. Kahit maghirap tayo magkasama lang tayo. Tayo ng mga anak mo. Okay na sakin yun. Okay lang sa akin, sa amin. Ikaw ang gusto ko hindi ang marangyang buhay na gusto mo."

"Baby please. Nagmamakaawa ako sayo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Luluhod na sana ako sa harap nya. Please naman wag ganito.

"Jema, don't do this?" Pinilit nya akong tumayo.

"Deserve mo ang sumaya Jema. Deserve mo ang lahat ng bagay sa mundo. Not me.. not a failure like me." Umiiyak na rin sya. I know and I can feel na mahal nya parin ako.

"Kahit anong sabihin mo hindi kita iiwan dito. Kahit maghirap kami ng mga anak mo. Sasamahan kita dito."

"Hindi na kita mahal Jema." Hindi na uubra sakin yan Deanna. Nadinig ko na yan.

"Please iwan mo na ako. You're better off without me." Kahit ganun ang lumalabas sa bibig nya.. Niyakap ko sya. I want to feel her love for me.

Isang sabi nya lang na mahal nya ako, kakalimutan ko lahat ng issues namin.

"Hindi na ako masaya Jema. I know that I will never be. I'm really sorry!" Puro iyak na lang ang nagawa ko. Pano at bakit kami umabot sa ganito?

"Here, Jema." May binigay syang envelope sa akin. Kahit hindi ko masyadong mabasa dahil sa pag iyak ko, pinilit ko parin.

Cheke yun.. na galing sa pagbenta nya ng resto namin.. sa savings namin.. sa pagbenta nya ng bahay namin. Nilukot ko yun. At tinapon sa mukha nya.

"Hindi ko kailangan yan Deanna. Ang kailangan ko yung asawa ko." Tinignan ko sya sa mga mata nya.

"Hindi ako ang kailangan mo Jema." Hinawakan nya ang mga kamay ko.

"If this is the only way para di ka masaktan, mahirapan.. kayo ng mga anak ko.. gagawin ko parin ito ng paulit ulit." Tinanggal nya yung wedding ring namin at nilagay sa kamay ko.

"I'm really sorry Jema. Patawarin mo sana ako." Hinalikan nya ako sa noo. At saka tuluyang umalis.
Umalis sya sa tabi ko.. umalis sa buhay ko, namin ng mga anak ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaupo at umiyak nang sobra. Yung taong nangako na mamahalin ako habambuhay.. mas pinili na lang na iwan ako.

Nakatingin lang ako sa wedding ring na sinoli nya sa akin. Kung kanina ay gusto ko pang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, ngayon unti unti ko nang nararamdaman ang sakit ng ginawa nya.

I hate you Deanna wong. Sana hindi na kita makita ulit. Kung magkita man tayo.. I'll makes sure na hindi na ako yung taong sinasaktan at dinudurog mo lang nang paulit ulit.

Sana maging masaya ka.

Mga salitang binitawan ko na ako lang ang nakadinig.

Damn those promises that you made. Damn those vows that you told me nung kinasal tayo. Damn this heart for loving a self centered, egoistic person like you.

Alam kong kakayanin ko ang bumangon mag isa, para sa sarili ko, para sa mga anak ko.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon