Jema's POV
Nakita ko yung pagbalik ni Dino para lang yakapin si Deanna. I can see na okay na ulit ang mag ama ko. Wait.. what?
Ahh okay na ulit sila ni Dino. Diko naman mapigilan na maluha sa nakikita ko. Masaya ako sa totoo lang. Hindi ko akalain na mangyayari ulit to samin.
Honey Ko Calling...
"Hi hon! Kamusta ka?"
"Hon, where are you? Andito ako sa bahay ninyo e. You went out pero di ka nagpaalam?" Shocks! Nakalimutan ko nga.
"Sorry hon, lumabas kami ng mga bata. Pero pauwi na kami. Just wait for me there. Okay?" Patay! Sana di magdaldal ang mga anak ko.
"Okay, I love you!" Binaba ko na yung call. Andito na kasi yung 2 sa loob ng kotse. Di na ako nakapag I love you back.
Binaba ko yung window ko.
"Sorry Deanna, may kausap lang ako sa phone kanina." Tumango naman sya at nagsmile.
"Sige na Jema, go na. Thank you ulit ha?" Nagsmile na lang din ako. Then nagdrive na paalis.
"How are my babies?" Tinignan ko sila pareho sa mirror.
Nagkwento na sila pareho. Si Davi tuwang tuwa sa mga kwento nya. Si Dino naman tawa ng tawa.
Haaaay! Ganito pala talaga effect ni Deanna sa kanila. Iba pa rin pala talaga pag kasama nila ang Dada nila.
Sana magtuluy tuloy na to. Di man kami ni Deanna at least okay ang relationship nila ng mga anak namin. Kahit yun na lang masaya na ako.
Pagdating namin sa bahay sinalubong na kami agad ni JV.
"Tito JV!" Sabi ni Dino. Oh my! Kitang kita ko sa mukha ni JV ang pagtataka.
"Tito JV!" Yumakap din si Davi sa kanya. Pumasok na yung 2 sa loob. Ako naman naiwan dito nakatulala.
Kiniss ko na lang si JV sa pisngi. Saka niyakap.
"Kamusta ka hon, namiss kita ah?" Nagsmile lang sya pero tahimik lang.
Diko na pinansin ayoko nang magtanong pa sya.
Hinawakan ko yung kamay nya at pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Oh anak, sakto kakaen na rin tayo." Si Mama. Nagkiss muna ako sa kanila ni Tatay.
Pumunta na kaming lahat sa dining area at nagsiupo na.
Katabi ko sa kaliwa ko si Dino at Davi. Sa kanan ko naman si JV, Mafe at Mama. Katapat ko naman si Tatay.
"So kamusta mga pogi kong apo?" Tawa ng tawa si Davi kasi nagpapacute sa amin. Tuwang tuwa naman kami kahit si JV na kanina pa nakabusangot.
"MamaLa! Dada's house is so ganda po. I yike my room there." Omg! Nakatingin lang ako kay Davi na tumatawa habang ngumunguya. Dahan dahan akong tumingin kay JV. Tahimik parin sya.
"Really baby boy? When are you coming back there so I can go with you." Si Mafe. Pinandilatan ko sya ng mata.
Sa totoo lang nung naghiwalay kami parang si Mafe lang di nagalit sa kanya. Ganun siguro talaga pag idol mo e.
"Tita Mafs, Tito JV is here. Be quiet po." Si Dino. Sabi sainyo 39 na yang anak ko e.
Tumahimik din si Mafe after nun. Pero nag peace sign pa. Loko talaga.
"So JV, may sinasabi ka kanina diba? Nagyayaya ka ng outing. Alam na ba ni Jema?" Ha? Outing? Kelan? E kakasimua lang ng season namin.
"Opo, Tito. Siguro po after ng conference na to nila Jema." Ahhh... Buti na lang! Kasi di ako makakasama pag nagkataon.
"Is Dada coming with us too?" Si Davi. Jusko anak! Matulog ka na nga.
"Ahhh.. yes Davi. Is she wants to come, why not?" Alam ko namang labas sa ilong pero sinabi parin nya. Tumingin lang ako kay JV pero sya hindi tumitingin sa akin.
"Yey! I will tell my Dada about that." Nakangiti na naman ng nagpapacute.
Haaay anak! Pinapahamak mo talaga si mommy.
Pagtapos ng dinner namin, nagkanya kanya na kami ng buhay. Char!
Sina Davi at Dino sinamahan na ni mama at tatay na mag clean up. Si Mafe naman naiwan sa dining area para magligpit.
Nakapagpaalam na si JV kina mama at uuwi na rin.
Ihahatid ko lang sya sa labas. Pero nagulat ako nung umupo sya sa bench.Alam ko na susunod dito.
"Bakit di mo sa akin sinabi na nagpunta kayo kina Deanna?" Hmmm... I need to be honest with him.
"Kaya pala Tito JV na lang ang tawag nila sa akin kasi bumalik na yung Dada nila." Malungkot na sabi nito.
"Hon, I'm really sorry kung hindi ko sinabi. Hinatid ko lang din naman yung 2 sa kanya. I was with Kyla the whole day. And about sa pagtwag ng Dada, wala naman tayong magagawa doon e. At alam mo naman yung reason diba?" Paliwanag ko.
"Still, di mo pa rin sinabi." Nagtatampo yung tono ng boses nya. Kaya hinawakan ko yung kamay nya.
"Don't you trust me?" Tinignan ko sya sa mata nya. I can see pure love in his eyes.
Niyakap nya ako ng mahigpit.
"I'm just scared Jema. Na any moment pwede ka nyang agawin sa akin." Awww! Ang sweet talaga ng honey ko.
Tinanggal ko ang pagyakap nya at saka tumingin sa mga mata nya.
"Masaya ako sa piling mo. Sa relasyon natin. Kaya wala kang dapat ipagaalala. And.. alam din ni Deanna ang about sa atin. And she respects that. Si Dino and Davi lang talaga ang tanging reason bakit need namin magkita. Okay?" Nagsmile na sya.
Shocks ang guwapo. Bigla akong nakaramdam ng init sa tenga ko. Kasi naman yung mga tingin nya sa akin. Kakaiba na.
Palapit nang palapit ang mukha namin sa isa't isa. Naaamoy ko na yung hininga nya. Eto na ba yun? Yung makakahalik na ako ng iba bukod kay Deanna?
Pinikit ko ang mga mata ko.. hinawakan ni JV ang baba ko. Unti unti nyang nilalapit ang mukha nya sa akin.
Hanggang sa...
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomansaHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.