"Jema, anak?" Jusko mama!!!!
Bigla kong naitulak si JV, dahilan para malaglag sya sa bench.
Paglapit ni mama nagulat sya na nasa sahig si JV.
"Oh Jema bakit naman jan mo pinauupo si JV? Hindi ba kayo kasya jaan sa bench na yan. Sa susunod nga'y palalagyan ko ng isa pang upuan dito nang magkasya kayo."
Yung totoo? Anong meron sa inyo ni Mafe bakit lagi kayong istorbo. Nakita yata ni mama na nakasimangot ako.
"Oh bakit anak? Para kang nabitin ng kung ano jaan ah?" Natatawang sabi nya. Alam kong namula ang mukha ko. Jusko po!
"Oh JV iho akala ko'y pauwi ka na kanina?" Ano ma? Pinapaalis mo naman ngayon? Hala kayo!
"Ahhh.. Tita, pauwi na po talaga ako. Goodnight po." Sabay tayo agad ni JV at bumeso na lang sa akin.
Nagmano na rin sya kay mama at tuluyan nang lumabas ng gate at sumakay sa kotse nya.
Bumusina muna si JV bago umalis.
At etong mama ko dahan dahan pa sanang aalis.
"Heeeeep!! Anong drama yung kanina mama ha?" Kala mo ma makakaligtas ka sakin ah?
"Anong drama ba sinasabi mo anak?" Sus! Kunware pa. Tinignan ko lang si mama na parang sinasabing "Kilala kita mama." Di na sya makakaligtas ngayon. Silang dalawa ni Mafe. Parehong pareho.
"Anak, papasok na ako sa loob. Mahamog na. Tara na!" Hinila pa nya ako para lang di na ako magsalita.
Jusko! Bakit ba ganito ang pamilya ko? O si Tatay na lang ang pipigil sa halik namin ni JV. Bingo na!
Deanna's POV
Nakatingin lang ako sa ceiling dito sa kwarto namin dati ni Jema. Bukas pupunta ako sa resto at magmemeet kami ni Jaycel, Pongs at Ate Bei about sa resto na ipapatayo namin. Yes, namin! Pero ako muna ang sole owner nun. If it succeeds daw, then we'll have another branch na kaming 4 na yung may ari.
Same location sa previous resto namin ni Jema pero iba na yung name. This time, it's Toi et Moi or Ikaw at Ako in French.
(Bakit ang hilig mo sa French Boss D?) Haha! Wala lang.
I can feel na this time, magiging okay na ang lahat. The difference before though is, hindi na kami ni Jema ngayon. Although kasal parin naman kami pero iba yung nahahawakan ko sya. Nayayakap, nahahalikan, nararape. Este make love!
Wala e! Ganun talaga ang buhay parang life. I need to respect her new relationship. All I wanted was to be friends with her. Kahit na ex can't really be friends. Malay nyo sa amin pwede na.
Kinabukasan, nameet ko na yung 3 bugoy. Okay naman yung kinalabasan ng meeting namin and we're all excited. Actually, sila yung excited for me. "Ang Pagbabalik ni Boss Deanna Wong Mapagmahal!" Yun ang tawag nila sa project kong to. Mga loko talaga.
Isa pa palang diko pa nasasabi ay, nakaipon ako ng pera when I went back sa US. Pinaghandle ako nina Mom ng business nila na muntik na rin bumigay habang bumibigay din yung utak ko nun dahil sa sakit ko. Sila din yung gumastos ng therapy ko noon. Parang thank you gift daw nila yun for coming back to their lives. Namiss daw nila ang Sachi nila. Yieeee!
We we're able to save that business and tuwang tuwa si Dad sa nagawa ko. Kaya, meron akong malaking pera to start my own business. Although di pa ako bayad kay Ate Bei dun sa binili nyang bahay ko, that can wait naman daw. Wag lang daw sanang umabot na ikakasal na rin si Brad. Haha.
Halos kaedaran lang ni Brad si Dino, so 8 years old na rin sya ngayon. Kung 25 sya mag aasawa, I still have 17 years to pay for it.
O diba ang bait naman talaga ng isang Bea De Leon. Hehe.
I'm on my way home now. Naisip ko na dumaan sa bahay ng mga in-laws ko before. Pero syempre I need to check kung andon ba si Jema tsaka yung bf nya. Baka alam mo na makaistorbo ako. So I need to ask Mafe.
Yes, in good terms kami ni Mafe. I remember one time na I messaged her before ako umalis papuntang US.
Flashback
"Mafe, can we meet?" Nung una ayaw pa nyang sumagot. Mga 2 years bago sumagot e. Alam ko naman na baka galit sya sa akin dahil sa nagawa ko. Pero bahala na.
Hipag Kong Hinog calling...
Mafe: Sige meet tayo sa SB malapit sa UST. Dito ka sa teritoryo ko para pwede kita pabugbog.
Deanna: Sige Mafe. I'll see you. Don't worry, di ako lalaban.
Alam ko graduate na to e. Pero bakit doon kami magkikita? Well, no choice na rin naman tayo.
End call
"Oh, anong kailangan mo?" Grabeh! Manang mana sa ate nya kung tarayan ako.
"Mafe, baka.. pwedeng umupo muna tayo? Order anything you like." Jusko! Lahat ba to like nya? May frappe na tapos 3 cake pa yung inorder. Pero syempre okay lang to. Need ko pang suyuin ang hipag kong hinog e.
"Oh magsalita ka na ngayon. Kasi kahit ilibre mo pako ng ilang ganito at kahit magramen pa tayo o ibili mo ako ng kahit na anong BlackPink na merchandise hindi mo ako masusuhulan." True ba? E parang alam ko na next kong gagawin e.
Kinuwento ko na lahat kay Mafe. Kahit yung kiss namin kuno ni Mich. Yes, hindi po totoo yun.
(Teka may paflashback pa sa mismong flashback? Nalilito narin ako. 🤣)
Kinuwento ko sa kanya yung buong pangyayari mula sa bago ipanganak si Davi hanggang sa nahuli kaming magkiss ni Mich.
Hindi sya makapaniwala sa nadinig nya. Hindi rin naman daw kasi kinuwento ni Jema ng buo yung paghihiwalay namin. Hindi nya nga rin sana sasabihin yung about sa kiss kaso nakita nga daw ni Dino yun. Kaya napilitan na syang sabihin yun
This is what I like about Jema. Kahit hindi maganda yung huli naming pagkikita, she still tried her best na hindi maging pangit ang tingin sakin ng pamilya nya.
Imbis na magalit sa akin si Mafe ay naawa na rin sya sa lahat ng pinagdaanan ko. Kaya ayun, sabe nya magpagaling daw muna ako. At pag ready na akong bumalik, makakaasa daw akong hindi pa mag aasawa yung ate nya.
Actually, may constant communication kami ni Mafe. At sya ang power of social media ko. Hehe.
End of Flashback
Andito na ako sa labas ng bahay nila. Mafe told me na walang Jema at bf dito sa bahay nila. Gusto ko lang talaa makausap sina Mama at Tatay. Alam kong galit sila sa akin. Pero I need to face them. It's now or never.

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomanceHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.