"E paano kung coincidence nga aber??" Seryoso ka talaga Ate Jovs?
"Edi wow na lang masasabi ko!" Sabay lakad ko, at iniwan na sila. Nadinig ko pang sinabi nila..
"Hindi daw nagseselos. Wag kami Pangs!" Ewan ko sainyo.
Inirapan ko na lang sila. Masisiraan na ata talaga ako ng baet.
Pagpasok ko sa room namin. Nun ko lang naalala yung cp ko. Nadala ko naman sya. Pero sa sobrang preoccupied ko, hindi ko na naalala na nagchat na pala sa akin si JV.
10 missed calls and 10 messages. My goshness!
Hon, I miss you too! - 8 hrs ago
Hon, watcha doin? - 7 hrs ago
You busy? - 5 hrs ago
Hon? - 5 hrs ago
Honey ko, i love you.😘😘😘 - 4 hrs ago
Honey, nagtatampo na ako. - 4 hrs ago
Hon.... - 4 hrs ago
Hon? Naiwan mo ba cp mo? - 3 hrs ago
Hon naman e.. - 3 hra ago
Okay, looks like your busy. - 2 minutes agoHala sya!!! Never naman naging ganito si JV kaclingy. Is it because nagseselos sya kay Deanna o talagang busy lang ako kanina?
Honey Ko calling...
JV:
Jema: Hon, sorry na. Naging busy lang ako kasi yung 2 sobrang kinulit ako magswim e. Kaya diko nahawakan cp ko.
JV:Kahit saglit lang?
Jema: Sorry na talaga hon? 😭
JV: Oh, don't cry na. Next time ha? Promise me na hindi na to mauulit. Chat me lang na later ka makakareply so I won't get worried.
Jema: Okay honey. Thank you. Lab mo ako talaga!
JV: Of course! Sige na hon, pahinga ka muna video call tayo later. Mag uusap pa kami ni David.
Bye, I love you!
Jema: Bye!End call
Si David, friend nya nung high school. Gusto syang maging business partner sa resto bar na gustong itayo nito.
Haaay JV! Napakaswerte ko talaga sayo. Sobrang understanding mo. Sana dika magsawa sa akin.
Deanna's POV
A lot has happened today. Mga ganap namin ni Christine tapos si Jema.
Christine is my doctor nga pala sa US. Naipakilala ko naman sya sa mga anak ko at sa Galanza fam except Jema na friend ko sya sa US. Diko pa lang nasabi sa kanila na sya yung doctor ko.
Eto namang si Jema hindi ko maintindihan bakit ganun ang treatment kay Christine. Nagseselos ba sya? Napahinga na lang ako ng malalim habang nag iisip.
"Lalim nyan Dude ah?" Natawa ako.
"Oo Dude! Ikaw kasi e. Inaasar mo pa si Jema kanina." Diko talaga maintindihan mga reactions nya kanina e. Pero kinikilig talaga ako everytime binibigyan nya ako ng food. Sweet parin ng Jema ko, este ni Jema.
"Dude, densed ka ba o talagang takot ka lang sa ex asawa mo? E halata namang mahal ka pa nun e. Selos na selos sakin. Jusko! Hindi tayo talo no. At lalong di kita type." Wow ha? Tinignan ko naman sya ng masama.
"Ugali mo kaya di ka na nagkajowa ulit e. Teka.. sino nga pala yung naging jowa mo? Na sinabi mong iniwan mo 3 years ago." Yung kanina nyang nakangiting mukha biglang nagbago.
"Ahhhh.. wag na natin pag usapan yun. Di pa ako handa e." Talaga ba?
"Dali na!!! Ang arte neto!" Pagpipilit ko.
"Dude, 3 years na yun. Baka naman pwede nang magmove on?" Kitang kita ko sa mata nya yung sagot. She can't.
"Actually, the reason why I'm here, is because I want him back. Gusto ko syang balikan ulit. Kaso.. balita ko may bago na syang girlfriend." Ewan kung anong meron sa tingin nya nung sinabi nyang bagong girlfriend. Haaaay! Hayaan ko na nga sya sa gusto nya.
"Hayaan mo dude. Pag need mo ng resbak sa pagsuyo jan sa ex mo, tutulungan kita!" Kasi yan din kailangan ko e. Resbak para balikan ako ulit ni Jema.
"Gugustuhin mo talagang tulungan ako." Pabulong na sabi nya pero nadinig ko. Adik talaga to e!
"What? Bakit naman?" Kala nya diko nadinig.
"Wala Dude! Inom tayo. Dami dami mong sinasabi. Let's go!" Naglakad na sya at iniwan na ako.
"Hoooy Doctor Alliah Christine Nuguid, may I remind you I'm not a drinker anymore!!!" Pasigaw na sabi ko habang hinahabol sya. Nakita ko pang tumatawa yung loka loka.
(A/N: Ayan guys, someone requested to include yung ex ni JV sa kwento. Salamat sa idea. Hehe!)
"Oh inumin mo yan!" Tumingin pa ako sa kanya bago kunin yung beer na inabot sakin.
Andito na kami sa may veranda ng room nya. Ang ganda ng room nya dito. Syempre resort namin to kaya lahat maganda.
"Inumin mo yan Deanna Wong! Di mo yan ikakamatay." Sarcastic na sabi nya.
"Sinabi ko ba? Ayoko lang makita ako ng mga anak ko na umiinom no!" Tinignan nya ako ng masama.
"Malala ka na talaga Dude. Kasi ang OA mo na!" Hahaha! Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Oh sige na. Iinom na po madam. Ikwento mo na yang love life mo!"
Sya nga pala, kaya andito din si Christine sa resort, hindi ko sya ininvite guys ah? Nagkataon lang talaga na sabay kami ng pagpunta dito. Tsaka si Jema ang nagplan nito. Kahapon ko lang din nalaman na may outing sila. At si Jema lang ang di nakakaalam na sinama ako nila Mama. Hehe.
Nasabi ko na din sa kanya once tong resort namin nila Ate Bei nung minsang magkachat kami. Kaya andito sya.
Halos sabay kaming umuwi ng Pinas, nauna lang siguro ako ng mga 2 days.
Nagulat ako na ubos na nya yung unang bote nya. Wow! Alak na alak lang?

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
Roman d'amourHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.