34

989 27 14
                                    

Jema's POV

Andito ako ngayon sa bahay nila JV para magdinner. Ininvite ako ng parents nya. Ito yung official na pagpapakilala sa akin as girlfriend ni JV sa family nya. First meeting kasi namin e nung birthday ng pamangkin nya. Naipakilala naman ako nun pero di kami masyadong nakapag usap.

"Good evening po Mam." Sabi ko sa mama ni JV. Nagulat naman ako nung niyakap ako nito.

"Bakit Mam ang tawag mo sa akin Jema? Call me Tita o kaya Mommy na rin if you want." Saka sya ngumiti. Ang genuine nung smile nya. Nahiya naman ako bigla.

"Sorry po.. Tita!" Ngumiti na lang sya at niyaya na ako pumasok sa loob. Si JV naman nagexcuse muna saglit pupuntahan lang yung pamangkin nya.
Si Tasha. Kaedaran lang din siya ni Dino.

"Jema, iha. Kamusta ka na?" Yung dad ni JV. Andito na rin si Ate Grace. Mama ni Tasha.

"Hello po Sir. Okay naman po ako. Kayo po? Hi po Ate." Tumaas naman yung kilay ng daddy ni JV.

"Bakit Sir? Do I look like your teacher? Hehe! Joke lang Jema. Daddy Tom na lang sana."

(A/N: Diko po knows family ni JV De Guzman gawa gawa lang po ito. Hehe.)

"Hehe! Okay po Daddy Tom." Ngumiti naman ito at tinapik ako sa balikat.

"Jema, long time ah? Tagal mong di nagpakita s akin." Si Ate Grace, ate ni JV.

"Oo nga Ate e. Alam mo naman medyo busy." Nagtawanan na lang din kami.

"Oh iha asan ba si JV nang makakaen na?" Tanong sa akin ni Tita Anet.

"Pakitawag na rin Jema, anak." What? Nagulat ako sa sinabi ni Tita. Tinignan ko si Daddy Tom at Ate Grace. Di naman sila nagulat. Ako lang ata.

"Ahhh.. sige po Tita." Hinanap ko na lang din si JV. Jusko. Nakakaloka ang pagwelcome sa akin ng pamilya ni JV. Nakakataba naman talaga ng puso.

Nakita ko si JV at Tasha na naglalaro. Nakatitig lang ako sa kanila. Parang ang hirap nila istorbohin habang naglalaro at tumatawa.

Nagulat ako nung may magsalita.

"Alam mo ba mahal na mahal ni JV yan si Tasha? Nung pinanganak yan si Tasha halos di ako pansinin ni JV. Ewan siguro kasi nagseselos sya na may baby na ako. Bunso e. Tsaka parang ako yung nanay talaga nya.

Tapos ayun, ilang days after ko manganak kinakausap na nya ako. Tapos lagi na lang sya nasa kwarto ni Tasha nilalaro. Hanggang sa ngayon na naging sobrang close na nila.

Nakakatuwa naman kasi talaga yung bond nila. Parang ang sarap maging asawa ni JV.

(Woiii mare!) Char lang muna. Masyado pang maaga.

"Kaya Jema, sana wag mong sasaktan ang kapatid ko ah? Masyado kong mahal yang kumag na yan." Napangiti naman ako kay Ate Grace. Niyakap nya ako ng patagilid.

"No pressure Jema ha? Hehe! Alam ko naman na part ng pagmamahal ang masaktan. Ayoko lang talagang makita na masaktan yan si JV." Nakatingin lang kami pareho ni Ate Grace kina JV at Tasha.

Nung nakita na kami nila JV ay pumunta na kami sa dining area at kumaen. Masaya yung naging salu salo namin. At never kong nafeel na maout of place.

Lagi pa nga nilang inaasar si JV sa harap ko e. Ang cute lang.

"Welcome to the family nga daw!" Sabi nilang lahat sa akin. Nakakatouch naman na kahit may anak na ako, tapos babae pa yung naging asawa ko noon e hindi naman nila ako jinudge. Ramdam kong tanggap na tanggap nila ako.

Nasa kotse na kami ni JV at ihahatid na rin nya ako pauwi.

Hinawakan ni JV yung kamay ko. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.

"Masaya ako na tanggap ka ng pamilya ko Hon." Pinisil ko yung kamay nya kasi masaya din ako e.

"Masaya din ako hon. Alam mo yung kahit na may anak na ako tanggap pa rin nila ako." Hinawakan ni JV yung pisngi ko at pinaharap ako.

"You know what? Mas minahal kita lalo dahil may anak ka na. Nakikita ko kung gano mo kamahal sina Davi at Dino and how you are with your parents. Nakakaproud maging boyfriend mo Jema." Shocks kinilig ako.

Tinitigan nya ako. Ang saya saya ng mga mata ni JV. Napakaswerte ko naman sa lalaking to.

Lumapit sya ng konti sa akin at ganun din ako. Eto na ba yun? Siguro naman matutuloy na. Wala nang pwedeng umeksena samin na pamilya ko. Imposible na to.

Palapit ng palapit.. kinakabahan ako. First time namin to.

Pumikit sya.. at ganun din ako. Habang hawak nya ang pisngi ko ramdam ko na malapit na yung labi nya.

Binaba nya ng konti yung ulo ko.

Ayun na nga.. lumapat na ang kiss nya.. sa noo ko.

Whaaaatt?? Bakit dito lang? Nagtataka man ako e.. okay na muna yun.

"Next time hon. Pag kasal na tayo." Oh em geee!! I never thought na, yun yung gusto nya.

Nakakataba ng puso na he respects me so much. Haaay! Unti unti na talaga akong naiinlab sayo JV. Sana magtuluy tuloy na.

(Bakit hindi ka pa ba inlab mare?) Inlove naman author kaya lang.. parang nasa ibang level pa.

Nakauwi na ako ng bahay. Hindi na rin pumasok si JV sa loob.

Napansin ko naman na may nakapark na kotse sa labas namin. Parang kotse ni...


Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon