Deanna's POV
Nung nakita kong pumasok na si Jema sa loob ng bahay ay agad na akong umalis. Hahayaan ko na lang muna siguro na lumamig ang ulo nya bago ko sya ulit subukang kausapin.
Sana by that time, hindi na mainit ang ulo nya. At kahit paano pakinggan nya yung mga gusto kong sabihin sa kanya.
I messaged Ate Bei and Pongs. Baka pwede ko naman makita mga busy busyhan kong best buddies.
May group chat nga pala kami.
TakusaPongs
Bea: Hanep! Buhay pa pala tong GC na to!
Pongs: 🤣🤣
Pongs: At hanep din! Kasi hanggang ngayon natatawa parin ako sa group name natin.
Deanna: Guys, punta kayo dito. Lungkot ng life!
Bea/Pongs: typing...
Bea/Pongs: DASURRRRRVVVVV!!!
Deanna: Deanna left the group
Bea: HAHAHHAHAHAHA!
Pongs: Arte mo bud! Papunta na ako. Nagpaalam na ako kay Sean.
Bea: Ako din buti pinayagan na ako ni Brad. 🤣🤣
Deanna: see you guys!Pagtapos ko magsend ng message, niready ko na yung mga beer. Yes! Mag iinom kami ngayon. Hayaan mo na kahit may pasok yung dalawa bukas. Haha.
Maya maya lang ay nakarating na din sa bahay yung dalawang baliw.
"Oh Deans! Apakadami neto ah? Papakamatay na ba tayo?" Si Pongs.
"Nako Deans! Bago ako payagan ng inaanak mo.. alam mo ba ang sinabi?" Pareho kaming nakatingin ni Pongs sa kanya.
"Don't make lasing too much Dade or else you will sleep outside daw po sabi ni Mom!" Tawa kami ng tawa.
"Ano ba yan Ate Bei? Hanggang ngayon ba takot ka parin sa asawa mo?" Pang aasar ko sabay abot ng beer sa kanya at kay Pongs.
"At least ako may asawa pa. E ikaw?" Biglang natawa si Pongs pero ako no reaction. Buset na to!
"Booooooom panes!!" Kumaldag pa si Pongs nung ginawa yun. Imbes na matawa ako, nilagok ko yung beer na hawak ko.
Ang paet!! Parang yung pakiramdam ko ngayon.
Tumahimik na yung dalawa. Sign na to na need ko na magkwento.
"Galing kami kina Ate Jia, ayun.. akala ko ang swerte ko na kasi nagkaroon ako ng chance para makausap sya. Hindi pala. Hindi nya na ako pinagsalita e. Akala ko yun na yung time namin para makapag usap."
"Deans, wag mong madaliin. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ni Jema nung iniwan mo sya." Si Ate Bei.
"1 year yun bud! 1 fucking year!" Si Pongs naman ngayon. Ano ba lasing na ba to agad?
"Just so you know Deans ah? Hindi na kami papasok ni Pongs bukas para sayo. Kaya yang kwento mo lubusin mo na." May pagbabanta na talaga Ate Bei?
Kinuwento ko sa kanila simula umpisa. Wala na akong rason para ilihim pa. Ngayon na lang kami ulit nagkita, mali.. ngayon na lang ulit ako nagpakita sa kanila ng halos ilang taon.
Sinarili ko yung lahat ng problema ko. That's why I ended up like this.
"Bakit di mo samin sinabi yun bud? I mean Ate Bea knows how you struggled nung ninakawan ka nung Chef mo. Pero other than that wala na kaming ibang alam."
"Actually, I was sick back then." Plain and simple. Nakatingin lang yung dalawa sa akin.
"Nung time that I need to choose between my son and Jema, I was so stressed and tired evey day. Then that triggered my anxiety. I had a PTSD. Bigla bigla akong nagagalit, ayokong makipagsocialize napansin nyo naman siguro na halos ayaw kong magpakita sainyo diba? And.. madalas din akong walang ganang kumaen, at lagi akong nananaginip ng masama.
Habang I'm having trouble with my mind, ganun din yung chaos na meron ako sa resto. So I ended up selling everything. Good thing Ate Bei decided to trick me, kaya itong bahay na to. Nasa akin pa. Yung tanging bagay na meron akong alaala ni Jema at ng mga anak ko." Umiiyak na ako.
"I experienced all those things, pero hindi ako nagkalakas ng loob na sabihin kay Jema. Ayokong kawaan nya ako. I'm in the verge of losing everything. Lahat ng pinaghirapan ko literal na kinuha lang sakin ng ganun ganun lang.
I'm the head of this family, ako dapat ang matapang para sa pamilya ko. I should be the one giving them a bright future hindi failure. Alam mo yun, hindi na nga ako tunay na lalaki. Ano na lang ang sasabihin lalo sa akin ng mga tao?" Tahimik lang kaming 3. Ramdam ko yung awa ng mga kaibigan ko.
"Bud, sana sinabi mo parin kay Jema. Jema's a good person alam mo dapat yan!"
"Sinabi ko na yan sa kanya." Si Ate Bei.
"At mag asawa kayo hindi ka dapat naglihim sa kanya."
"Sinabi ko na rin yan!" Parehas kaming tumingin ni Pongs kay Ate Bei. At nag peace sign lang ang loko.
"Nasabi mo na pala lahat Bea e.. bakit di nakinig tong bata mo?" Sabay tingin sa akin ng masama.
Nakayuko na lang ako. I know.. I know. Ang stupid ko.
(A/N: part lang po talaga ng kwento ang PTSD ha? Imagination ko lang lahat.)

BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
RomansaHere's the part 2 of Kung Wala Ka. Sana nagustuhan ninyo ang una kong sinulat. Medyo heavy ang book na ito. Enjoy! GaWong parin hanggang sa huli.